Chapter 5

3K 68 6
                                    

“Anong course ang kukunin mo?” tanong ni Ryme isang araw na nakatambay siya sa bahay ng mga ito. Nagbabasa siya ng mga pamphlet tungkol sa iba’t-ibang unibersidad. Ibinigay iyon ng mga representative ng mga unibersidad na nagpunta sa paaralan nila para mag-career talk. Patapos na siya sa high school at kumuha na rin siya ng exam sa ilang unibersidad sa probinsiya nila at sa Metro Manila.

“Wala pa sa isip ko ‘yon,” aniya, kahit sa totoo lang ay may ideya ng naglalaro sa isipan niya.

“Come on, tell me. Ano ba ang talagang gusto mo?”

Napakamot siya sa ulo. “’Wag mo akong pagtatawanan, ha?”

“No, I promise.”

“G-Gusto kong kumuha ng Medicine,” nahihiyang sabi niya. “Pero wala kaming pera na gagastusin para ro’n, lalo na at nag-aaral din si Kuya. Saka, pa’no na lang kapag mahirap pala? ‘Pag nasa kalagitnaan na ako tapos naisipan kong mag-quit?”

“Pursue your dream. Hindi mangyayari ‘yang mga kinatatakutan mo,” pangungumbinsi ni Ryme.

“Natatakot ako,” pag-amin niya. “Masyadong mahaba ang panahong igugugol ko ‘pag Medicine ang kinuha ko. Maraming pwedeng magbago sa pagitan ng mga taon.”

“Wala kang dapat ikatakot. Kung paiiralin mo ang takot mo, pa’no mo mararating ang mga pangarap mo?”

Iningusan niya ito. “Madaling sabihin para sa’yo kasi mayaman kayo. Oo, alam ko kahit hindi ka nagsasalita. Halata namang mayaman talaga si Tito Fritz eh,” aniya na ang tinutukoy ay ang ama nitong Filipino-German. “Malaya kang gawin ang lahat ng gusto mo kasi hindi mo iniisip ang gastos.”

Alam niyang kung gugustuhin ng pamilya ni Ryme ay pwedeng tumira ang mga ito kahit pa sa New York. Pero alam ng ama nito na gustung-gusto ng ina ni Ryme ang bahay na iyon sa maliit na barangay na kinaroroonan ng mga ito. Ang pagmamahal ng ama ni Ryme sa ina nito ang dahilan kung bakit doon nakatira ang mga ito sa halip na sa mga malalaking siyudad.

Ginulo nito ang buhok niya saka siya hinilang patayo. “Let’s go somewhere else.”

Magkahawak-kamay sila habang patungo sa bukid. “May-ari si Daddy ng malalaking negosyo sa Europe. Tagapagmana pa siya ng tiyuhin niyang matandang binata. Kahit hindi na magtrabaho si Daddy hanggang sa pagtanda niya ay mabubuhay pa rin kami ng sagana. Pero panay pa rin ang trabaho niya. Sa sobrang pagmamahal niya sa mga negosyo niya, gusto niya na mahalin din namin iyon at pag-ingatan dahil kami rin naman ni Kuya ang makikinabang doon balang-araw. Thus, the business course I am taking up.”

“Mula pa pagkabata, sinabi ko na sa sarili ko na Music ang kukunin ko. Kaso, may responsibilidad ako sa pamilya ko. Mahal ko sila, at gusto kong maging masaya sila...lalo na si Daddy. Nakita ko ang laki ng sakripisyo niya nang tumira kami rito at iwan ang bahay namin sa Berlin. ‘Yong pagsasantabi ko sa musika, maliit na bagay lang ‘yon kumpara sa mga sakripisyo ni Daddy.

“So you see, money is not everything. It cannot buy your heart’s desires. It cannot buy the things we really need in life. It cannot secure happiness, love, and even freedom. Hell, sometimes it is the money that gets in the way of freedom.” Napangiti ito nang mapait.

“Balak ko pa ring habulin ang mga pangarap ko. Kaya ikaw, ‘wag kang mawalan ng pag-asa. Habang hinahabol ko ang musika, habulin mo ang medisina. Sabay nating aabutin ang mga pangarap natin, Jeremyah.”

Niyakap siya nito nang mahigpit. Noong araw na iyon ay napagdisisyunan niya na hahabulin niya ang mga pangarap niya, kahit mahirap, kahit natatakot siyang pumalpak.

If Ever You're In My Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon