Chapter 3

4.5K 88 0
                                    

Nagising siya sa malamig na hangin na dumadampi sa pisngi niya. Napangiti na lang siya nang maalala niya ang yateng may pangalan niya. Ang yate ni Kendrew na tila binili nito para sa kanya, dahil sa napakalaking pangalan niya na nakasulat doon.

Teka lang...yate? Goodness!

Napabalikwas siya ng bangon saka kinapa-kapa ang katawan niya. Her body parts are still intact, with no bruise at all. Natatandaan na niya. She is at Ryme Mendoza’s mercy right now. Kailangang makagawa siya ng paraan para matakasan ang kumag at makabalik na siya ng Trinidad, o kahit sa Victoria. Pero huwag na lang pala sa Victoria, dahil naalala niya ang sinabi ni Ryme na doon ito nanatili ng isang linggo pagkauwi nito sa bansa.

Napasulyap siya sa mga maleta niya na nasa gilid ng kama. Maging ang bag at kahon ng mga sumbrero niya ay maayos ang pagkakalagay doon. Lalo siyang nagngitngit sa isiping pinaghandaan nga ni Ryme ang muli nilang pagkikita. Ngunit ang higit na nagpapalito sa kanya ay ang paggawa ni Ryme ng mga ganoong bagay para lamang magkasarilinan sila. Bakit nais siya nitong masolo? Matapos siyang iwan nito nang walang pasabi man lang at pagkatapos ng sampung taon ay babalik ito, kumpleto sa drama na siya ang may utang dito.

Mas gusto pa niyang problemahin kung paano paaaminin si Kendrew sa pagka-two timer nito kaysa itanong kay Ryme kung bakit siya nito iniwan. Afterall, it has been years so she won’t freak about it anymore. Or else Ryme might think that she still feels something for him.

Pumili siya ng isusuot mula sa mga dala niyang damit. Isang dilaw na sundress ang napili niya saka sandals na puti sa paa. Hindi siya papayag na maging mukhang impakta dahil sa kunsumisyon niya sa binata. Kung may unang susuko sa kanila ay sisiguruhin niyang hindi siya iyon.

Pagkatapos mag-shower ay lumabas na siya ng cabin. Naabutan niya si Ryme na prenteng nakaupo sa sa harap ng coffee table na kinapapatungan ng laptop nito. Nang matanaw siya nito ay ngumiti ito sa kanya. Hindi siya gumanti ng ngiti ngunit lumapit siya rito.

Humalukipkip siya sa harap nito. “Where do you intend to take me, Ryme Mendoza?”

“Somewhere.” Tulad ng nagdaang gabi ay tipid rin ang mga sagot nito na lalo lamang nagpadagdag sa misteryosong aura nito. Tiningala siya nito saka iminuwestra ang upuan sa harap nito. “Have a seat. Hinihintay talaga kitang magising para sabay na tayong mag-almusal.”

“Why acting so cool? Naiinis na ako sa’yo ha! Ibalik mo na ako sa pier!” singhal niya rito. Hindi niya gustong makasama ito nang matagal kung silang dalawa lamang. Hindi siya mapakali kapag naiisip niya kung paano siya nito hinalikan nang nagdaang gabi. Paano kung sa susunod ay hindi lang halik ang ibigay nito? Magagawa ba niyang kontrahin ito? Paano kung hindi na niya gustuhin pang kumontra rito? Madikit lang siya rito ng kaunti ay nanlalambot na ang mga tuhod niya, paano pa kaya ang mga braso niyang ipantutulak niya rito kung sakali?

“Ibabalik kita sa pier kung kailan ko gusto. Wala ka rin namang magagawa kung ayaw kong ibalik ka pa sa Trinidad o sa Victoria.”

“Ipapahuli kita sa pulis, kidnapper ka! Kinasabwat mo pa ang boyfriend ko! Magsama kayong dalawa sa kulungan. I’ll call my lawyer!” Nagtatakbo siya patungo sa cabin na inokupa niya at hinalungkat ang mga bagahe niya para kunin ang kanyang cellphone. Hindi yata nakikisama sa kanya ang tadhana dahil natuklasan niyang walang signal sa lugar na iyon! Nanggigigil na ibinato niya iyon sa king-sized bed na nasa harap niya.

Naramdaman niyang may nakatingin sa kanya. Paglingon niya ay nakita niyang nakatayo si Ryme sa may pintuan ng cabin habang nakamata sa kanya.

“Huwag mo nang pagurin pa ang sarili mo dahil hindi mo rin ako malulusutan, Jeremyah,” anito. “Ano pang hinihintay mo diyan? Lumabas ka na at handa na ang pagkain.”

If Ever You're In My Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon