Meet The Family

Mulai dari awal
                                    

"Oh bakit?" tanong ni ate sa kanila.

"Naku hindi ikaw manang . Si manang Isa." Mabilis na sagot ni Amanda.

Nangunot ang noo ko. "Bakit?"

"May naghahanap sayo doon sa labas. Naka-kotse ng magara. Kausap na ni itay." Sagot ni Patricia.

"Sino naman?" nagtatakang tanong ko.

"Ewan manang. Pero kilala ni kuya Alfred." Sagot ni Amanda.

"Mabuti pa ay puntahan mo na." wika ni ate Celina.

Tumayo na ako upang puntahan kung sino man ang tinutukoy ng dalawang kapatid ko.

Mabilis na naglakad ang dalawa upang masabayan ako.

"Ayun siya manang oh. At parang artistang koreana yung kasama nilang Babae kaya lang buntis na . Di bale gwapo naman ang asawa." Wika ni Amanda sabay turo sa naghahanap sa akin.

Nakagat ko ang pang- ibabang labi ng makita kung sino ang mga tinutukoy nila.

Ang boyfriend ko ay ngayon ay kausap ni itay na mukhang di pa alam ang presensiya ko. Sa gilid nila ay ang magkausap na sina Sander at Merriel.

Nakalapit na ako saka lamang nila ako napansin.

"Oh my sis. I miss you Belle." Mabilis na lumapit sa akin si Mer sabay yakap sa akin. Halata na nga ang tiyan niya.

"He, namiss din kita. Di ko naman inaasahan na pupunta kayo dito." Sabi ko.

"Gusto niya kasing mamasyal." Sagot ni Sander sa akin.

Maigi na yun ng makalimot si Mer sa masamang nangyari sa kanya.

"Tama yun. Masarap ang hangin dito sa amin. Di polluted." Sabi ko naman.

Tumikhim si Itay.

Kinabahan ako at napasulyap kay Albie na nakatingin pala sa akin.

"Mabuti pa ay ipakilala mo na sila kina tay at nay." Wika ni kuya Alfred.

"ah eh. " kinakabahan kong sabi.

"Hmm. Naku tay, nay. Ako na ang magpapakilala at baka atakehin pa itong si Isabel sa kaba." Singit ni ate Celine na papalapit na sa amin kasunod si Inay.

Kumuha ako ng lakas ng loob. Napansin ko rin na matiim ang titig ni Albie sa akin.

Nilibot ko na rin ang tingin sa lahat. Narito na rin si Tiyo Delfin, kapatid ni itay kasama ang asawa na si Tiya Helen kasama ang anak na si Julio at manugang na si Gina, kababata ko.

"Ah, ako na ate ang magpapakilala sa kanila. " sabi ko. "Sila nga po pala si Merriel at Sander, mga kaibigan ko."

"Magandang tanghali po." Magalang na sabi ni Merriel.

Tinanguan ito nila itay. At ang mga kapatid ko ay para pa ring na- starstruck.

Pero maya maya ay napunta kay Albie ang tingin ng lahat.

"At siya naman po si Albie, boyfriend ko." Mabilis na sabi ko sabay yuko.

Naku galit ba sila inay at itay na nagboyfriend ulit ako? Kabadong tanong ko sa sarili.

"Syota mo manang?" sabay na wika nila Amanda at Patricia.

Inismiran ko ang dalawa ng mag-angat ako ng tingin.

"Ssshh." Saway ni inay sa kanila.

Dahil magkatabi na sila inay at itay ay kapansin pansin na nagtinginan sila saka tinitigan si Albie.

MY POSSESSIVE LAWYER, ALBIETempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang