Chapter 1

218K 2.9K 221
                                    

 (Edited)

First Chapter. Hahaha hope you support it. :)

================================================

Julia's POV

"I love you Julia"
"I love you too-."

*Alarm Clock Rings*

"Ayanakng!"

*Tugsh*

"Oh, hala ate! Sobrang sabik mo magka-frist kiss, sahig ang napagtripan mo."Sabi nung kapatid ko sabay tumawa ng mahina. Na-realize ko na nakadikit pala yung labi ko sa makintab naming sahig. 

Pisti, imbis na tulungan ako, tinawanan pa ako! Tumayo ako at umupo ulit sa mumunti kong kama.

"Alam mo ikaw? Kung iinisin mo ako ngayong umaga, umalis ka na nalang." Nakakainis naman kasi yung alarm! Ang lakas lakas!

(Malamang alarm nga eh! Tsk *flips hair*)

"Kakain na pala." Aniya habang nagpipigil ng tawa.

"Oo na." Pagtataboy ko sakanya pero di pa din siya nakak recover kakatawa. "Oh? Tatawa ka pa?! Tatawa  pa eh!" Ani ko at binato siya ng unan pero mabilis naman niyang sinara ang pinto para makaiwas.

Pagkarating sa banyo ay may nakita akong kakaiba sa salamin. Biglang nanlaki ang mata ko nang mapansing may mga nakasulat sa leeg ko. 

"I love you too ate. Gising na." 

"Jonathan Montes!" 

__

Ako nga pala si Julia Jessica Montes. 17 years old at Grade 12 na ngayong pasukan. Apat kaming magkakapatid. May kuya akong 20 years old and the rest are on the same age as I am. Si kuya palang ang graduated sa amin. Kaming tatlo ay kasalukuyang nag aaral pa.

I work in a bar.

Hep hep! Utak niyo hah!

Hindi ako isang dancer o kung ano man ang mga maduduming trabaho dun. Isa akong singer dahil para saan pa ang talent ko kung wala namang paggagamitan?

My brother works as a family doctor. Yes mataas ang sahod niya, pero hindi iyon sapat para sa aming magkakapatid, pangkain sa bahay, pambayad ng lupa at kuryente namin. Kaya kailangan ko ding tumulong kahit papaano.

Dagdag gastos pa yung pagiging enrolled namin sa isang napakamahal na school. Hindi ko nga alam kung bakit kami nandon. Nagulat nalang ako in-enroll na kami don ni kuya. Maganda daw doon at matalino naman daw kami kaya, kayang kaya naming maging scholar.

At dahil scholar kami malamang matalino kami. Sa batch naming nagtake ng entrance exam, kaming 3 magkakapatid ang may highest. Actually si Tan nakaperfect ng test tapos kami ni Jay ay 2 mistakes. Kaya bayad lahat lahat sa amin.

Pero amin parin yung allowance. Kasi hiwalay daw yun sabi ng principal eh.

And a very sad story begins... 

Ang chicken sandwich nila naghahalagang 300 lang naman. Ang coke nila na sakto nila, 47 pesos. Opo, hindi kayo nagkakamali ng basa. Coke sakto nga lang talaga.

Lesheng yan.

Kaya hindi man kami nagbabayad ng tuition fee, ang mahal naman ng allowance namin. Nagbabaon kami ng lunch namin, paano ba naman, ang hotdog with rice nga nila at 450 na! Pero snacks dun kami bumibili. Bawal kasi ang mga outsiders food doon kagaya ng cream-o, binggo, fita, at kung ano ano pang biscuit. Favorite ko pa namang kumain ng cream-o yung chocolate.

His SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon