Chapter One

7.7K 132 8
                                    

1




"Hay, ang gwapo talaga ni Marcus!" Sambit ko habang nahiga ako sa kama ng bestfriend ko na si Margaux. Nandito ako ngayon sa bahay nila palibhasa, weekend.




"Uy, akala ko ba ayaw mong malaman ni Kuya? Baka marinig ka niya!" Puna ni Margaux. Nalukot naman ang mukha ko. Oo nga pala, nandito si Marcus.




Tumayo ako bigla sa pagkakahiga ng may maalala ako. "Oo nga pala, may nagawa ka na ba para sa speech natin sa ENG4?"




Tumawa si Margaux. "Syempre... Wala pa!"




Binatukan ko siya. "Baliw ka talaga!" Napailing nalang ako. Pareho kami ng kinukuhang kurso ni Margaux, interior design. Ako, gusto ko talaga ang ID, pero si Margaux, ang alam ko undecided pa rin siya at kinuha lang niya ang ID dahil wala lang daw. Okay, medyo magulo. Ganyan ang bestfriend ko eh. Kaya madalas din pagalitan ng mga parents nila. Ngayon, second year naman na kami. Nakakaraos si Margaux. Buti nalang daw, marunong siya magdrawing. Hahaha!




Nagulat pa ako ng bigla siyang tumayo. "Tara mag-mall, sisterette!" Yaya niya at tuluyang lumabas ng kwarto.




Huminga ako ng malalim bago ko siya sinundan palabas.




--




Nakasalubong ko si Bryce nang pababa ako ng hagdanan nila. Saglit akong napasulyap dito, may sugat ito sa kaliwang bahagi ng labi at may pasa sa may cheekbones. Lihim nalang akong napailing. Kahit kailan talaga. Nilagpasan ko na siya pero nakita ko siyang nagsmirk bago tuluyang pumasok sa kwarto niya.




Weirdo.




Si Bryce ang pangalawa sa magkakapatid na Fuentebella. 3rd year college na ito at balita ko ay siya na ang leader ng fraternity sa university, ang The Kaisers. Si Marcus naman ang panganay, nag-t-trabaho na ito sa companya ng pamilya nila. Kumpara kay Bryce, mas matino ito kesa kay Bryce na puro pag-b-basag ulo ang inaatupag.




"Hoy, Cheska!" Untag sa akin ni Margaux.




"O-oh?"

The Despicable Prince [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon