Boys Over Richard: Welcome Mark

3.2K 40 6
                                    

Pebrero ng parehong taon nang sumali sa grupo namin si Mark, ang lalaking tinutukoy ko sa unang pahina. Pero, as in wala talaga akong pakelam sa kanya. Ni ayaw ko nga siya maka-closed eh. Basta parang wala lang siya sa akin. Pero ang pag-ibig ay talagang walang pinipili, oras na tamaan ka nito ay siguradong kahuhumalingan mo na ito.



Kung ilalarawan ko si Mark noon, medyo hawig niya si Elmo Magalona. Kaso payat nga lang. Malinis siya sa katawan at masasabi mong alaga ng nanay. Magkasing edad lang sila ni Rob.



"Mabait ba yan si Mark?, tanong ni Rob.



"Mabait naman. Makulit rin tas mapang asar!", mabilisan niyang sagot.



Tinipon kasi kami nung leader namin  noon para mag usap. Limang bagong miyembro ang isasali sa grupo namin kasama na nga doon si Mark. Bukod kay Mark, naroon sina Carlo, Margie, Lea at Ronnie.






"Guys, sila ang bagong kapatid natin sa ibang nanay. Kusang loob silang sumali dito. Nabalitaan kasi nila yung mga ginagawa nating kabutihan. Kaya sana tanggapin niyo sila", masayang pagpapakilala ni Riza.






Dumami nga kami sa aming grupo. Masaya maingay at talagang puro kulitan. Minsan pa nga talagang maghapon na kami magkakasama tuwing weekend. Pero di naman kami pinagagalitan ng mga magulang namin.

--------

Dalawang linggo simula nang sumali ang lima ay nagbago ang pakikitungo ko kay Mark. Mabait nga siya. Madaldal at napaka mapagbigay. Subalit sa kabila ng pagbabago ng pakikitungo ko kay Mark ay parang nagbabago na rin ang pakikitungo sa akin ni Rob. Hindi na kami gaya ng dati na laging magkasama. Ewan ko ba kung bakit.




Isang araw nasa terrace si Rob. Nang makita ko siya ay kaagad akong lumapit.




"Rob samahan mo ko sa palengke bibili lang ako ng papel", aya ko.




"Ayoko. Kay Mark ka na lang magpasama", seryoso niyang tugon.




Halatang parang malungkot si Rob kaya di ko na siya pinilit. Pero nang aalis na ako ay agad siyang nagsalita.





"Kuya Richard, lagi na lang yan si Mark kasama mo!," mahina at nakakagulat na sabi ni Rob.





"Ah bakit naman. Kaibigan naman natin siya ah. At tsaka lagi ka kasi wala eh. Lagi ka nandoon sa isa niyong bahay", paliwang ko kay Rob.







"Hindi! basta simula ng sumali yan lagi mo na talaga siya kasama! Pagtatampo ni Rob.






"Galit ka ba sa kanya!" Tanong ko




"Di naman. Lagi mo lang kasi siya kasama. Tapos pagnakikita mo ko para wala lang. Titignan mo lang ako tas aalis na kayo ni Mark. Dati sakin ka nagpapasama bumili ng project mo sa palengke ngayon kay Mark na. Siya na ba bestfriend mo" wika ni Rob.






Nagulat ako sa sinabi ni Rob. Hindi siya sa akin nagagalit. Mukhang nagseselos siya sa pagiging malapit ko kay Mark. Totoo nga naman kasi minsan ko na lang din siyang kausapin.





"Hindi ah. Ikaw pa rin bestfriend ko. Diba nangako tayo na bestfriend forever!" sabi ko kay Rob sabay shake hands sa kanya.






Mukhang natuwa naman si Rob sa sinabi ko. Di ko nga alam kung saya lang ba ang nararamdaman ko noon. Kasi parang kinikilig ako. Ibig sabihin mahalaga ako sa kanya. Yun nga lang - as a bestfriend. One sided love kung baga.




Maya-maya ay dumating si Mark. Nakipag kamayan siya sa amin. Kitang kita kay Rob na may sama ng loob siya kay Mark kasi habang nagkakamayan sila ni Mark ay pabalagbag ito. Pero di ko na ito pinansin kasi baka mag away  pa yung dalawa.






"Rob pwede ka matulog sa bahay namin kasi wala ngayon doon sila mama. Kami lang dalawa ni ate nandun", pag aaya ko kay Rob.






"Ay baka di ako payagan ni Mama eh! Ayaw kasi nun na nakikitulog ako sa ibang bahay eh!", sagot naman nito.






"Kuya Chard ako na lang, tutal nandun naman sa bahay namin yung mga pinsan ko eh!", pag aalok ni Mark.






"Ay sige kuya Chard, pipilitin ko si mama na sa inyo ako matulog mamayang gabi", biglang pagsang-ayon ni Rob nang marinig ang pag aalok ni Mark sa akin.






"Ganito na lang, kapag hindi pinayagan si Rob ng nanay niya, ikaw na lang Mark! " sabi ko sa dalawa.






Parang tanga si Rob. Narinig niya lang na pwede si Mark na matulog sa bahay namin ay biglang niyang pipilitin yung nanay niya. Hahha. Talagang ayaw magpatalo kay Mark eh. Siya lang naman bestfriend ko. At mahal na mahal ko. Hahha.

P/S:Vote me po.

Boys Over RichardWhere stories live. Discover now