Boys Over Richard: George

6.1K 53 3
                                    

Ako nga pala si Richard, 21 years old, 5'5, maputi, pinkish ang labi at makapal ang kilay na siya namang asset ko sa mga kababaihan, bakla at bisexual. Sabi nila hawig ko raw si Bruno Mars at coach Bamboo. Sobrang tago ako sa aking kasarian, pero kapag gay ka talagang maaamoy mo ako kasi may tilampik minsan yung kumpas ng kamay ko.


Nalaman kong kakaiba ako noong grade three pa lang ako. Nariyan yung paghanga ko sa kapwa ko lalaki at ang una nga nun ay - Si George. Moreno, matangkad at chubby. 12 years old siya noon samantalang 10 years old naman ako. 

_________________________________________________

2005 October

"Chard, laro tayo langit lupa!", aya ni George.

"Sige sali natin sila Jomar para marami tayo", sagot ko naman.



"Gue", maikling sagot niya.



Iyon yung madalas namin nilalaro nung bata pa kami. Tuwing walang pasok, halos paulit-ulit lang yung ginagawa namin sa buhay. Gigising, kakain, maglalaro, matutulog kakain maglalaro ulit tas matutulog.

"Taya! ," sambit ni George kay Justine na halos maitulak niya na.



"Hahahah," sabay-sabay naming tawanan


Halos kalahating oras kaming naglaro. Pawisan at enjoy kaming nagtayaan. Nang magsawa ay naisip kong iba naman ang aming laruin.




"Luksong baka naman tayo, nakakapagod tumakbo nang tumakbo", pag-aaya ko sa kanila habang pinupunasan ang pawis gamit ang damit ko.




"Naku balagong ka naman diyan eh! Ang lakas mo pa mag-aya ng luksong baka", pagyayabang ni George.




"Kaya nga", dagdag naman ni Jomar, isa sa mga kaibigan naming mapang asar.


"Hindi yan! Game na!", pag aalok ko ulit sa kanila.


Hanggang sa napilit kong luksong baka na nga lang ang laruin namin. Si George ang naging unang taya.


"O sige ako na taya. Para naman maranasan kong maging taya!," pagmamayabang na naman ni George.

"Ang yabang mo talaga noh!," sagot ko naman sa kanya habang nakasimangot.


Talaga namang magaling si George sa kahit anong laro na gawin namin. Nagiging taya lamang siya kung ipiprisinta niya ang sarili para maging taya.


Sa number one hanggang three nakayanan ko pang talunan yung likod niya. Yung nag number four na, alam ko sa sarili kong hindi ko na iyon kaya.


"Justine ikaw naman mauna, lagi na lang ako una tumira eh! ", reklamo ko.


"Naku di mo lang kaya yan eh! " , tugon naman niya.


"Justine ikaw naman, lagi na lang si Richard una", pagtatanggol naman ni Jomar sakin.


"O diba sabi ko sayo eh!", nakangiti kong pag sang-ayon.




Walang nagawa si Justine kaya siya ang nauna. Hindi ko na kasi talaga kayang talunin yung number four ni George. Masyado siyang malaki kaysa sa akin.

Laking tuwa ko dahil pagkatalon ni Justine ay sumayad yung pwet niya sa likod ni George, dahilan para siya naman ang maging taya.


"Paano ba yan sumayad yung pwet mo. Ikaw naman taya", nakangiting sabi ni George habang papatayo.


Boys Over RichardWhere stories live. Discover now