Boys Over Richard: Don't kiss me

2.7K 32 0
                                    

Enero ng sumunod na taon ay naisipan kong sumali sa isang samahan sa lugar namin. Samahan na naglalayon na gumawa ng kabutihan. Nariyan yung pagbabawal na magmura na kalimitan na gawain ng mga kabataan sa lugar namin. Nariyan din ang dapat pag-aaral nang mabuti at pagsunod sa utos ng mga magulang.





Sa grupong aking sinalihan ay  kalahok ang 10 kabataan edad 10 hanggang 15 kabilang kami ni Rob. Doon mas dumami yung kaibigan ko. Sa grupong din iyon nag iba ang pagturing ko  kay Rob.

~~~~



Hapon noon ay naisipan naming manood ng cartoons sa bahay ng isa naming barkada. Doon ay puro tawanan harutan at asaran ang nangyari samin.




"Eh ikaw nga crush mo si aling Bebang eh! ," panunukso ni Rob kay Errold.





"Ikaw naman crush mo si Mercedes baliw", ganti naman nito kasabay ang malakas na tawanan ng lahat.





"Oh! Tumigil na nga kayo, magkakapikunan pa kayo niya eh", pagsuway ni Riza sa dalawa, pangalawa sa matanda sa barkada.




Sa kanilang pagaasaran ay tila wala naman akong pakialam. Busy kasi ako sa kapapanood ng tv that time. Di ko na nga matandaan kung ano pa yung mga pang aasar na ginawa ni Rob sa mga kaibigan namin eh. Ang natatandaan ko na lang eh yung pagkakahalik ni Rob sa pisngi ko.





Habang tutok na tutok ako sa tv kakanood ng cartoons ay bigla akong hinalikan ni Rob sa pisngi. Imbes na matuwa ako sa pagkakahalik nyang yon ay nagalit ako. Ang totoo ayoko na may humahalik sa akin. Ang gusto ko kasi ay ako lang ang humahalik. Basta sobrang naasar ako sa ginawa ni Rob sa akin





"Ano ba Rob, di ka na nakakatuwa! ", seryosong pagkakasabi ko sa kanya sabay lipat ng upuan malapit sa tv.






"Halik kapatid lang naman yun ah!," sagot naman ni Rob sabay ngiti.







"Ah halik kapatid pala ah!", lumapit ako sa kanya at sabay halik rin sa pisngi niyang pagkalambot lambot. "O ayan halik kuya lang yan ah!, dagdag ko.





"Ah lumalaban ka na ah!", sambit ni Rob sabay ganti ulit ng paghalik sa pisngi ko.








"Hahahha", sabay tawa niya.






"Ah! Makulit ka talaga ah. Sabi ng ayokong hinahalikan ako eh", aktong lalapitan ko na siya nang bigla siyang tumayo at nagtago sa likod ni Riza.





"Ano ba yan, ang haharot niyo naman", iritadong wika ni Riza.





"Eh yan kasing si Rob nanghahalik eh. Kainis. Tsk", pagpapaliwanag ko sa kanya sabay labas ng bahay.





"Hala ka, nagalit na si Richard sayo!", pananakot ni Riza kay Rob.





"Kiss pa more! Para kang bakla Rob", sabi ni Errold sabay labas ng bahay.






"Halik kapatid lang naman yun ah!", sagot naman ni Rob.






Yun nga tuluyan akong nagtampo kay Rob dahil sa pagkakahalik niya sa pisngi ko. Hindi naman ako sa nag iinarte ayoko lang talagang hinahalikan ako. Kaya ang ginawa ko umuwi ako ng bahay namin at hindi na lumabas hanggang gabi.






Kinabukasan araw ng sabado, ay tanghali na ako lumabas ng bahay. Nagtatampo pa rin kasi ako sa ginawa ni Rob sa akin kahapon. Sa paglabas ng bahay ay kaagad akong dumiretso sa terrace na kalimitan naman ay akin nang gawain tulad ng nasabi ko sa previous chapter.






Maya-maya ay lumapit na sa akin si Rob.






"Kuya Richard!", tawag sa kin ni Rob sabay ang pag kamay niya sakin na gawain ng barkada kapag nagkikita.







Nakipagkamayan ako sa kanya ngunit kakikitaan ng katamlayan.





"Galit ka pa rin ba sakin?", mahinahon niyang tanong.







"Oo, diba sinabi ko na sayong ayokong hinahalikan eh. Tas nung gagantihan na kita bigla ka pang pumiglas at nagtago sa likod ni Riza", pagtatampo ko.






"Eh di gumanti ka na. Oh eto na halikan mo na ako!", paglalambing ni Rob.



"Naku ayoko", sambit ko.





"Sige ka kapag di mo ko hinalikan, ako hahalik sayo. Maaasar ka na naman!," pagbabanta niya.







Wala pang dalawalang segundo ay hinalikan ko na siya sa pisngi.






"O ayan ha nakaganti ka na. Wag ka na magalit sakin. Bati na tayo", wika ni Rob habang inaayos ang basa niyang buhok.





"Oo, basta huwag mo na akong hahalikan ah!", pagsang-ayon ko.






"Oo na. Ayoko lang na nagagalit bestfriend ko" sagot naman niya.





At dahil sa tagpong yun, ay unti-unting nabago ang tingin ko kay Rob. Hindi bilang nakababatang kapatid kundi parang hinahangaan ko na siya.. crush kumbaga..






Lalo na nung sumali sa grupo namin si Mark - yung lalaking tinutukoy ko sa unang pahina. Doon mas lalo akong napamahal kay Rob dahil pagsdselos niya kay Mark sa pagiging closed ko dito ...





P/S : guys alam ko medyo bored na kayo kasi wala ng libog factor yung story. Pasensya na love story talaga yung part pagdating kay Rob.

Boys Over RichardWhere stories live. Discover now