Chapter 4: Pretend

Start from the beginning
                                    



"Ooh, no no no. Actually I'm with someone." sabi ni Zoe habang palinga-linga sa paligid na parang may hinahanap. Ng biglang may nakita syang lalaking patingin-tingin ng mga pantalon sa likod.



Agad naman nyang hinila ang lalaki at pinakilala. Habang ang lalaki naman ay gulat sa paghilang ginawa ni Zoe.



"Hey, this is my boyfriend. The one na kasama ko." nauutal nyang sabi sabay tingin sa lalaki at dinilatan nya ito ng mata at kinurot ang gilid.



"Sumakay ka nalang." Zoe mouthed. Then she realize na yung lalaking sumingit sa coffee shop at yung lalaking hinablot nya ay iisa kaya nagulat ito pero hindi sya nagpahalata.



"So, kayo pala. Ahh, Kevin nga pala pare. Boyfriend nya." sabi nito sabay alok ng shakehands.



"Ethan pare. And this is my girlfriend. Alexa." sabi ni Ethan at nakipagkamayan.



Hindi maitsura ang mukha ni Alexa. Plastik itong nakangiti samantalang si Zoe naman ay nakangiting-asong nakaharap kay Alexa.




"Nice to meet you. Ahhm, una na kami ha. Nagugutom na kasi 'tong master ko. Nagtatampo na." sabi ni Kevin sabay akbay kay Zoe. At nagngitian lamang silang apat. Umalis na rin sina Alexa at Ethan.



Pagdating ni Kevin at Zoe sa labas ng department store.



"Okay? That was awkward? Pwede ka ng magpaliwanag." sabi naman ni Kevin.



"Uhhm, I'm really sorry for that trouble." Nag-iisip si Zoe kung paano nya ipapaliwanag ang nangyari. "Ang hirap iexplain. Uggh!" bumuntong hininga nalamang si Zoe.



"Well, you owe me your life. Is that your ex and his new girlfriend?"



"Nakikinig ka sa usapan ng may usapan ha. Well yeah. By the way I'm Zoe Annika Reyes." sabi ni Zoe sabay abot ng kanyang kamay kay Kevin.



"Kevin Dale Ramos." sabi nito at nakipag shakehands. "Hindi ko naman sinasadya. E nasa likod lang naman ako. And because of that you need to treat me for saving you." maangas na sabi ni Kevin.



"Libre? E may utang ka rin sa akin. So kwits na tayo." sabay ngiti ng nakakaloko.



"Ha?" nalilitong tanong ni Kevin.

The Second Time Around (COMPLETE)Where stories live. Discover now