Tinignan ako ng masama nung dalawa.

"Gago ka! Si----" Sinipa ko naman yung isa sa muka.

 Bumagsak sya at kasunod non ang pagdurugo ng ilong nya habang namamalipit sa sakit.

Isa nalang...

Nakipagtitigan muna sya sakin. Ngumisi pa sya bago itapon yung sigarilyo'ng hawak nya.

Ngisi lang! Tignan ko kung magawa mo pa yan mamaya.

"Lakas ng loob mo ah! Sino ka ba?!"  Galit na sambit nya.

"May mensahe ako! Para kay Freya!"

Napahinto sya sa sinabi ko. Ganun din ang mga kasama nya'ng naka-sadlak pa rin sa lupa.

Sa itsura nila, muka'ng nakilala na nila ko. Pinilit tumayo nung dalawa at bahagya'ng lumapit sa kasama nila.

"Maipapadala nyo ba?"

Nagtinginan muna sila. Para silang nag-uusap sa mga tingin na binibitawan nila at pagkatapos nun bigla nalang sumugod yung isa.

Susuntukin nya ko pero nakaiwas ako kaya agad ko syang sinipa sa tuhod dahilan para bumagsak na naman sya.

"Aaarrggghhhh... Shit!"

Sumunod yung isa'ng dumudugo ang ilong. Hindi ko na sya hinintay, agad ko syang sinuntok sa panga.

"Ugh!"

Masakit pero sulit. Para syang nahilo pagbagsak nya.

Hinarap ko ulit yung isa. Yung lalaki'ng walang tigil sa paninikmura sakin.

"Ikaw nalang..."

Hindi ko na rin sya hinintay sumagot. Sumugod agad ako ng suntok pero nakaiwas sya kaya sinundan ko agad ng isa pa.

Sapul!

Pagbagsak nya tinandyakan ko agad sya sa sikmura. Hindi ko sya tinigilan mas higit pa sa ginawa nya sakin. Halos sumuka na sya pero tuloy pa rin ako.

"Kala ko matapang ka?!" Sambit ko at tuloy pa rin sa pag-sipa. "Sabihin mo... Kay Freya... Mali sya... Ng kinalaban!" Dagdag ko sa pagitan ng mga sipa at tadyak ko sa kanya.

Tumigil ako sandali dahil nakakapagod din at sumasakit na rin yung binti at paa ko. Huminga ko ng malalim at babalik na sana sa ginagawa ko ng may bigla nalang humampas sa batok ko.

"Uggghhh!"

Agad akong bumagsak. Napahawak ako sa parte ng batok ko na tinamaan. Nagdi-dilim ang paningin ko dahil sa pagkahilo. Mabigat sa pakiramdam, parang kaunting pagkakamali ko lang at mawawalan na ko ng malay.

Asar! Wag kang pipikit Jay!

Pinilit kong tignan yung may gawa nun. Yung isa sa tatlo, yung sinipa ko sa tuhod.

"Kala mo basta basta kami papatalo sayo! Sayo pa na isang babae!" Sigaw nya sakin habang dinuduro ako ng kahoy na ginamit nya.

Akma'ng hahampasin nya ulit ako ng may humawak sa pulso nya. Kahit nahihilo ako, kita'ng kita ko kung sino sya.

Keifer.

Hindi sya nagsasalita pero bakas ang galit sa mga mata nya. Humigpit ang hawak nya sa pulso nung isa dahilan para mabitawan nito ang kahoy.

"Argh! Bitiwan mo ko!"

"Sige." Walang gana'ng sagot ni Keifer.

Akala ko bibitawan na nya pero pinalipit nya yung braso nung lalaki at dinig na dinig ko ang pagtunog ng buto nito kahit humihiyaw na sa sakit yung isa.

Ang Mutya Ng Section EWhere stories live. Discover now