Orientation on Attraction

1.1K 34 0
                                    

Bestie!!!! Tili ko sa mukha ni B! Kasi mejo nagulat ako nung na laman kong sya pala kumalabit sakin.

"Aba naman Yoyon kung maka tili ka jan. Oh, ano? huli ka na namang ina eye sight mo jan si Glaiza!" Pagbubuking naman nitong ni B sakin.

"Wala namang malisya dun eh, ikaw talaga bestie makatingin sakin parang minamanyak ko si Glai." Sabi ko sa bestie ko, kasi naman kung makatingin sa akin ay parang may panghahalay akong ginawa. And FYI I was just checking Glaiza out di ku sya pinapantasyahan ha. Nagandahan lang kasi ako sa kanya manamit at tsaka nagagandahan din sa ganda niya. At di lang naman ako ang nag a-eye sight kay Glaiza, eh sa halos lahat namang napapatingin sa kanya ay di talaga mapipigilang i-eye sight siya.

"Kelan pa kayo naging close ni Glaiza kung maka tawag ka jan ng Glai sa kanya, as what I know classmate ka lamang niya!" Pagpapahiya ni bestie sakin pero mabuti na lang eh walang masyadong students na pumapass sa vicinity namin.

"So? At tsaka hinaan mo nga boses mo! Papalapit pa naman sila!" Padilat kong sabi kay B! I turned around to check kasi at palapit na rin naman talaga ang magpinsan samin.

"Bestie, alam ko namang pinapangarap mo yang si Galura eh. Pero kasi straight ka nga at tsaka same rin siya." At nag sad face pa ang gaga pagkasabi nun. I just rolled my eyes at her. May sasabihin pa sana ako sa kay B nang makita ko si Kylie na papalapit sa amin.

"Oh Rhi, maaga ka na naman bang pina-pashnea ni Bianca? Btw dito na pala mga pinsan ko eh, wait I'll introduce you guys to Gab." Ngiting sabi nito. Kaya di ko na lang napansin na nasa likoran ko na pala ang magpinsan. Kaya napaharap naman ako sa magagandang girls. Bineso ni Kylie si Gabbi at pagkatapos nun ay hinug nya rin si Glaiza at smack pa talagang kiniss nito si Glaiza sa cheeks! May sound pa talaga yun eh!

"Hoy! Kylie ang yuck ha! Haven't you heard ba of the term beso?" Magkasalubong ng kilay na sabi nitong si Glaiza kay Kylie. Tinawanan nalang siya nitong pinsan niya habang pinupunasan nito ang cheeks niya.

"Ang sloppy Kylie! Mas sloppy pa dun sa pet kung si Miggy!" Sabi pa nito kay Kylie na tawa pa rin ng tawa. Pero ang cute nilang magpinsan it shows naman sa mga kilos nila that they are very close. Si Gabbi naman ay ayon lumulungo ng head sa kalokohan ng mga pinsan niya.

"Oh btw, Rhian and Bianca, this is my lovely cousin Gabbi. And Gabs si Ate mo Rhi and Biancs." We shook hands and B and I smiled at her.

"Welcome sa Kingdom Academy Gabbi, I'm pretty sure na kahit diffy ang studies here you will enjoy naman your experience dito." Pa-cute kong sabi kay Gabbi pero sabay tinggin na rin kay Glaiza. I can't understand myself minsan everytime na kaharap ko itong si Glaiza eh. Pero pagsulyap ko naman sa kanya eh nasa iba na pala ang atensyon nito. Narinig ko nalang na may tumawag sa kanya. Kaya hinanap ko kung saan nanggaling ang boses at galing pala yun kay Mike Tan na papalapit sa amin.

Di ko alam kung paano naging close tong si Glaiza at Mike eh pero by the looks of it parang ang tagal na nilang magkakilala or shall I say magkaibigan.

"Hi lovely ladies, and Gabbi welcome sa K.A." bati ni Mike nang makalapit na siya sa amin at winelcome hug din si Gabbi. Close talaga ang heartthrob ng mga scholar sa magpinsang ito. Hamak lang yan na scholar ha pero mas close pa ito sa mga may ari ng school kesa sa akin. Saan ang hustisya jan?

"Hatid mo na ko Mike. Kyl ikaw na jan bahala kay Gabs and sabay na lang tayo mag lunch later. Howell, King see you na lang sa classroom, mauna na ako. Bye." Nag wave ito sa amin at umalis na nga sila ni Mike. Grabi holding hands talaga! Di ko talaga alam kung mag jowa ang dalawang ito eh. Super maka couple lang ang mga kilos nila. Pero di naman daw, kasi may girlfriend nga itong si Mike na supermodel, si Georgina. I know George naman at playgirl yun pero si Mike talaga at siya. But lately I've heard na sa 4 years relationship nila kakabreak lang nila these past few months. Di kaya si Glaiza ang dahilan? Wag naman sana. Okay lang makipag friends si Mike kay Glaiza pero kung igu-girlfriend nito eh ang ambisyoso naman! Hamak lang siyang scholar! At si Glaiza ay sandamakmak sa yaman na Dyosa! Gold and Dyosa digger ka Mike!

You've Fallen For HerDonde viven las historias. Descúbrelo ahora