The Lirean Kueen

2.8K 51 0
                                    

Oh, yeah! Finally! balik na ako sa aking kaharian! Summer vacay was fun pero iba talaga pag nandito ako sa school. Paano ba naman eh sa prinsesa lang ako sa bahay pero dito sa Kingdom Academy ako ang reyna! at the same time ako rin ang naghahari! kaya they call me kueen dito sa school kasi I'm not just a bratty queen bee, but I'm also a freakin King who make rules for the student buddy to follow. Of course yung mga rules na iyon eh sa ikabubuti ko lang.

Nakikita ko na na malapit na kami sa entrance ng school. I'll miss kuya Freddy kasi sa mga next three months ko na naman sya makikita. Kuya Fred btw is our driver and super close kami niyan. Siya lang at si Momsie Felicita na asawa niya na mayordoma din namin sa mansion ang mga hampaslupa na super close at mahal ko. Sila kaya ang second parents ko, wala naman kasi si Mom and Dad lagi sa mansion, you know laging busy sa pagmi-maintain ng kayamanan, the usual problem ng mga gamhanang rich kids. But whateves masaya naman ako kahit papaano sa life, like what I've said, nanjan si Kuya Freddy, Momsie and of course my very pretty bestie na si Bianca na nagki-care and love sakin.

I know kaunti lang sila at ang dalawa mga pobreng hampaslupa pa, pero at least pure ang love nila sa akin walang mga hidden intentions whatsoever.

Marami naman akong friends and acquaintance, pero friends at acquaintance lang talaga, plain as that.

Sa love life naman of course meron ako niyan. And Jason Chuachoy ang nakakuha ng position as my boyfriend. Magto-two years na kami. I love Jason naman pero mas higit lang talaga love niya sakin at tsaka di siya masyado pa mahalaga para sakin kaya di sya napabilang dun sa tatlo. But I think pagnaka-abot na kami ng three years baka mapasama na sya dun sa mga tao na I very much treasured.

And btw kahit my boyfriend ako and as a queen bee di pa rin siya maituturing na king of campus. Walang cliche na ganyan. Boyfriend lang siya ng kueen of K.A at hanggang jan na lang yan.

Ako na ang muse ako pa ang ruler! That's Rhian Denise Ramos Howell for you.

Naka pasok na kami sa entrance pero napakalayo pa nito sa mismong school. Mas malaki pa sa UPD kasi ang school namin, mga sing laki lang naman ng Ilo-ilo actually ito.

If di niyo alam K.A is the most prestigious school here in the country. Dito nag-aaral ang mga anak ng mga hayop na business moguls, kasama na ako jan, mga politicians, mga animal sa sikat na mga lawyers, mga anak ng mga nasa magulong entertainment industry, meh iilan ding anak ng mga priests ehem and bishops and of course ang mga hayok na scholars!

Talk about the scholars, umiba yata ang ihip ng hangin simula ng maging empress sa house of Adamya, (yan ang sect ng mga scholars) yang si Sanya Lopez na iyan at aba kung makatingin ang mga scholars sa aming mga mahaharlika ay parang nagsasabi ito na luluhod din ang tala sa amin! I mean yeah sure, tala lang naman yan, di man yan kami! Haha!

Yes, hindi ko ikinahihiya na mga ilitista kami here sa K.A pero we never let those scholars feel na mga hamak na individual lang sila pero of course di mo talaga maitatago ang mga estado namin sa buhay kaya mema na lang sila. We're nice to them naman kaya.

Nung freshman ako dito I remember na super friendly pa ng mga Adamyan na iyan but there are still na nai-insecure samin pero they were very down to earth, mga hampaslupa nga naman diba.

But since ng naging empress yang si Lopez, aba parang umiba bigla timpla ng hangin sa K.A at biglang someday you will work for us na ang peg ng mga hampslups sa amin.

Paano ba naman hindi eh sa grabi ang motivational cheche nitong si Sanya sa kanyang mga ka-Adamyan.

One time kasi napadpad ako sa house ng mga hampslups because I have to meet up Sanya narin to discuss for our plan sa isang event sa K.A of course kung di lang si Sanya ang empress jan eh di naman ako mapapadapo dun. Kaso Sanya is not really a scholar, siya ang ikalawa na namuno sa Adamya na richie rich. Yung una si Danaya Adamyan. Actually Danaya is one of the daughters of Yna Minea, ang may-ari nitong K.A. Kaya nga ipina-ngalan niya ang bawat houses sa mga apelyedo ng mga anak niya. Apat ang anak niya at sa iba iba ang mga ama ng mga nun.

You've Fallen For HerWhere stories live. Discover now