Chapter 25: First Heartache

Start from the beginning
                                    

“Nikki, wait----“

Hindi ko na inintindi si Vinci. Alam kong concern lang siya kaya niya ako pinipigilan. Pero saglit naman kasi ako eh. Dadaanan ko lang si Ian.

Agad akong pumara ng taxi at pinuntahan ko sila Ian sa bayview. Yun yung parang seaside na malapit sa school.

Nang makarating na ako dun, nakita ko sila Kristoff na sinusubukang pigilan si Ian. Si Ian naman, Ayun, may hawak na can ng beer habang pilit na kumakawala kay Kristoff at Daniel.

“Bitiwan nyo ko sabeeee eh..” sigaw ni Ian habang pilit na kumakawala sa dalawa.

“Ano ba, pare. Tama na kasi yan eh.” sabi ni Daniel habang hawak hawak si Ian.

“Ayokooo ngaa. Pabayaan nyo nalang kasi ako weeh”

Maya-maya, nakapiglas si Ian.. Tapos tumakbo papunta sa may parang balcony na malapit sa sea side at nagsisisigaw..

“Buuuuuuudsss? Bakeeeeeet siya paaaa?! Bakeeeeeet?!”

Hayss.. Pambihira! Ba’t ba kasi nung nagsabog nang pagka-exagerated ang mundo, sinalo nya lahat..

Pero teka..

Ba’t parang may mali?

 

“Nik Niks!”

Natigil ang pag-iisip ko nung bigla akong tawagin ni Kristoff..

“Nikki, tulungan mo na kami dito. Ayaw makinig ni Yan-yan samin” sigaw ni Daniel

“Oo nga, Nik Niks. Kanina pa kami nahihirapan dito kay Yanny boy” sabi ni Toff

Tumakbo naman ako nung tinawag nila ko. Mukhang hindi ako napansin ni Ian dahil nagsisisigaw pa rin yung mokong na yun dun sa may balcony.

“Guys, ano nangyari? Bakit ba siya nagkakaganyan?” sabi ko dun sa dalawa.

“Nakita kasi kayo ni Ian na magkasama nung Vincent na yun sa Jollibee. Kaya ayan, naglalasing. Ang dami na ngang nainom oh. Tignan mo.” Sabi ni Kristoff tapos tinuro niya yung mga can ng beer na nakakalat sa sahig.

Ay, pambihira naman oh.. dahil lang dun, kaya siya naglalasing?

Hayss.. ano bang gagawin  ko dito kay Ian.. Lalo akong na-sstress.

Pero teka..

Parang may something na mali talaga eh..

Binalikan ko nang tingin yung mga can ng beer na nakakalat sa sahig at—

Story of A Campus GirlWhere stories live. Discover now