5.

2 0 0
                                    

Barely touching

Lumipas ang ilang araw na hindi na muli bumalik yung lalaki sa tapat ng bahay namin. Naging payapa nadin ang pamumuhay ko, at ng iba pa sa bahay. I kept myself busy for a week since I need to start my project, panahon nadin siguro para i-text yung Kyllouis na yun. The early we start, the early we finish. Ayoko naman magtagal, mahirap din para sakin makisama sa taong ni minsan di ko nakausap man lang. Unlike his brother Keizere.

Speaking of Keizere, continuous chatting ang nangyayari samin. Pakiramdam ko talaga mali eh, Isang parte ng konsensya ko nagsasabi na hindi naman ako ganun katanda para magisip sa possiblity na maging kami. Fudge. Paano nasagi sa isip ko yun?

Kasalukuyan akong nasa Cafe Isabelle, dito namin napagkasunduan ni Kyllouis na magkita para maumpisahan na yung biography nya. I'm kinda feel nervous, Pinagsalikop ko ang aking mga palad sa ibabaw ng lamesa para mapigilan ang pangangatog ng aking mga kamay. I shouldn't act like this. Calm yourself, Zen! Palinga-linga ako sa paligid nang maramdaman ko ang presensya ng isang tao sa gilid ko.

"Hello. Sorry I'm late. May practice kasi kami ng team kanina for finals" pagpapaliwanag nya. Napakapresko ng dating nya, amoy na amoy din ang pabangong gamit nya na tantya ko'y mamahalin. Naka long sleeve ito na nakatupi hanggang siko at simpleng jeans. Kapansin pansin din ang sapatos na may malaking check sa gilid.

Bumalik ako sa aking ulirat ng ini-snap nya ang kanyang daliri sa harap ko. Ngumuso ako sa kahihiyan napansin ata nitong tinititigan ko sya ng matagal.

"A-Ah, okay lang. Kararating ko lang din naman" sabi ko at bahagyang ngumiti.

"Ganun ba. So anong gagawin natin? Pasensya kana, I don't have any idea about this" sabi nya. Ipinatong nya din sa mesa ang dalawa nyang kamay habang iniikot ikot sa kanang kamay nya yung cellphone nya. Hindi ko naman alam kung paano sya kakausapin ng maayos.

"I'm going to ask you some questions. If its okay with you, medyo personal din. Sincr biography mo ito. I should know every details.. k-kung okay lang talaga" halos diretso kong sabi. Ni hindi ko magawang tumingin sa kanyang malalim at expressive na mga mata.

"Its fine with me. Kelangan ba masyadong detalyado , like what brand of toothpaste am I using? Wax? Body spray? or even condom brands?" Sabi nya. Namula naman ang pisngi ko sa huling salita na sinabi nya. My innocent ears.

"U-Uhmm, kung hinihingi. I mean, kung kelangan pero pwede ko namang hindi masyadong i-specify yun, ako naman magsusulat e-eh" sagot ko ng hindi padin nakatingin.

Nakumbinsi naman sya sa sinabi ko, inilabas ko na ang aking notebook at frixion pen para maumpisahan na ang pagtatanong, nakakuha nadin ako ng layout ng pagtatanong sa kanya. Nagsearch muna ako bago nakipagkita sa kanya, nagpractice pa ako ng mga possible questions na maibabato nya, I feel like it's a debate, kahit hindi naman.
Umorder din sya ng coffee at cake.

"I was born in Madrid, Spain. I have two siblings, I'm the eldest, then Keizere Gregg and the youngest,  Keighton Georgia.." Sabi nya habang sinisimsim ang kape sa harap nya. Ako nama'y abalang nakikinig sa kanya, at panaka nakang nagsusulat.

"Dun ako nagaral sa Spain on my elementary days. Since my father, Sergio Greg Sebastian have decided to follow my mother here in the Philippines. Nagkahiwalay kasi sila when I was 10 years old. My mother, Eleonor Vicente. She's a Cebuana, na naging OFW sa Spain at dun nya nameet ang dad ko.." pagpapatuloy nya. His parents story is reallu interesting, gusto ko pang marinig ang iilang kwento.

"So you are a Half-spanish, half-filipino, Hmm.. interesting" komento ko sa sinabi nya.

"Sa itsura, oo at may lahi kami na kastila. Pero sa bunso kong kapatid na babae mo talaga makikita ang purong kastila. She has all the features of my father" , dugtong nya pa.

Tumango tango lang ako sa mga isisiwalat nya sakin. Hindi ko maiwasang mamangha sa kanya at sa pamilya nya.

Hindi namin namalayan ang oras, halos limang oras kaming magkausap. Ako na ang nagyaya na tapusin ang interview, I can sense that he's sleepy. Halos mamungay na kasi ang mga mata nito kanina. Hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing naaalala ang mga ngiti nya kanina.

"Hatid na kita?" pagtatanong nya, ng makalabas na kami ng cafe. Halos tingalain ko sya, hanggang dibdib nya lamang ako. Napabalikwas naman ako ng marinig sya.

"Hindi na. Nandito nadin yung driver namin" pagsisiguro ko.

"Magdidilim na. Samahan na lang kita dito habang wala pa yung driver mo" nakangiti nyang sabi. Nakadama naman ako ng kakaibang kaba sa dibdib. Unang pagkakataon kasi ito na may nakasama akong lalaki na hindi naman kilala ng pamilya ko o malapit samin.

Tumango na lang ako at naghintay. Parang nainis naman ako sa suot ko ngayon, bigla kasing humangin. Palda pa naman ang suot ko ngayon, bago pa man ito nilipad ng hangin at masilipan. Naramdaman ko agad si Kyllouis sa harap ko, ang direksyon ng hangin kasi ay paharapa. Nakita nya siguro ang maaring mangyari, Napamulahan ako ng pisngi. Its awkward if anyone see us in this position.

"S-Sorry"

"Thankyou" Tumango na lamang ako. Nakaramdam tuloy ako ng pagkailang sa mga sandaling ito. Naghuromentado ang aking isipan sa nangyari kanina lang.

Nakita ko naman ang papalit na sasakyan namin. Nakahinga ako ng maluwag ng malaman nandito na yung driver/body guard ko.

"Ito na ba ang sundo mo?"

"Oo. Salamat pala kanina. Uhhm, so next time ulit?" nahihiya pa akong sambitin yon. Totoo namang may next time pa dahil wala sa kalahati yung kelangan ko para sa biography nya.

"Sure! See you around" Itinaas nya ang kamay nya para magpaalam. Pumasok na ko sa loob ng may saya sa aking puso.

---

Kinabukasan pasahan na ng drafts ng research paper namin. Naging abala ang lahat para makaabot sa pasahan. Naging kampante ako dahil natapos ko na ang draft bago ang deadline. Binigyan naman kami ng oras ng teacher namin, she actually gave us the subject period para matapos ang dapat matapos. Since nauna na akong nakapagpasa nagpaalam ako kung pwede lumabas muna para pumunta sa canteen. Balak ko kasing bilhan ng juice si Tasya na kasalukuyan tense na tense sa pagtytype.

Pinayagan naman ako. Nagmartsa na ako palabas ng room, lumiko ako sa right wing ng hagdan. Halos walang katao tao sa corridor, abala siguro sa kani kanilang klase.

Nagmartsa na ako palabas ng building, at naglakad patungong canteen. Malayo kasi ang canteen sa building namin. Habang binabaybay ko ang daan. Nakarinjg ako ng pagsipol, hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Naririnig ko naman na mas lumalakas ang sipol at parang sumusunod sakin. Hindi ko mapigilan, napalingon ako at nagulat sa bulto ng katawan sa aking harapan.

"Kelangan ko pang lakasan para mapansin mo" nakasimangot nyang sabi.

"I don't know it was you. Bakit kasi sumisipol pa" ismid ko.

"Sorry. Hindi ko alam kung paano ka tatawagin" sabi nya. Nakatitig na naman sya sa aking mga mata. Ang batang to talaga. I sighed.

"It's okay. I have to go, may bibilhin lang" Sabi ko at nagsimula ng maglakad.

"Samahan na kita. Wala na akong klase"

Hindi na lang ako sumagot. At hinayaan syang sumunod sa akin. Mabuti na lang at walang masyadong tao sa pathwalk.

"Manang, isang pineapple at lemon juice nga po tsaka tatlong slice ng cake nato"
sabi ko sa tindera.

"Anong juice mo? Di ko kasi alam mong juice" sabi ko kay Keizere. Nakatitig lang sya sa estante ng cakes.

"Kung ano yung sayo" sabi nya. Tumango na lang ako.

Nakita kong lumapit sya dun sa counter at itnuro ako. Nagabot din sya ng pera. Napanganga ako.

"Tara" simple nyang sabi bago pa ako makapagprotesta. binibitbit nya na yung tray.

"Teka. Ito yung bayad ko"

"Are you insulting me? I don't let a girl pay for me" Cold nyang sagot. Hindi na lang ako sumagot at sinundan na lmang sya palabas ng canteen.

BODY ON ME Where stories live. Discover now