1.

4 0 0
                                    

Lets cut down the lights

"Alam mo pakiramdam ko, ikaw na naman ang top sa klase natin, Zen! Narinig ko kasi sabi ni Mrs. Baltazar na yung lagi daw highest sa quizzes at exams. Sino pa ba? Ikaw lang naman sa isip ko". Eksaheradang sabi ni Tasya sakin habang nilalandas namin ang kahabaan ng corridor papuntang main building. Himala at tahimik ngayon, mukhang mabuti ang pamamalakad ng SSG officers ngayon ah.

"Wag kanga. Mabuting malaman ko mula sa bibig ni Mrs. Baltazar kesa naman umasa no mahirap na. Masakit" Sabi ko habang ngingiti ngiti. Sarkastiko ang pagkakasabi nun sa kanya, mukhang na-gets naman agad ni Tasya iyon. Gayong naranasana na nyang umasa sa long time crush nya since grade 7 nasi , Kenneth Albacin na nasa star section ng Grade 10.

"Yeah! I get it okay? Hard neto. Kapag ikaw nagkacrush, aasarin din kita" Ismid nito sakin, natawa na lamang ako sa inasta nya. Simula tumuntong ako ng high school, wala pang nakaka agaw ng pansin ko, sa madaling salita eh 'hinahangaan'. Masyado kasi akong tutok sa acads at di ko na napapansin iyon.

"Maybe. Baka ngayon? I don't know" Sabi ko sabay hampas ng mahina sa balikat ni Tasya. Para naman kaming mag bata na naghahampasan ni Tasya napatigil lang kami sa isang ingay na galing sa left wing na hagdan kung saan bihira lang ang may dumaan.

"Ano?! Magsusumbong kana naman sa kuya mo ha? Palibhasa totoy ka eh. Di ka bagay dito, patpatin!" Sigaw nung lalaking estudyante na may kalakihan ang katawan. Jusko, uso pa pala ang bullying sa high school? Napaisip ako at sumilip. Nakita kong putok na ang labi nung lalaki na tantya ko'y nasa Grade 8 dahil nadin sa patches nya.

"Ano?! Lumaban ka! Wala ka pala eh. Ampon kaba? Walang wala ka sa Kuya mo, pang boss ang lakas! " Sabi nung isa habang sinasapak nya pa ulit yung Grade 8. Walanghiya tong mga to. Tumingin naman ako kay Tasya na kasalukuyang hinihila ang uniporme ko.

"Wag na tayong mangialam Zen. Baka tayo pa sapakin nung mataba". Bulong nito. Hindi ako pumayag at nagisip na lamang ng plano.


"Tasya. Sumakay ka na lamang sa gagawin ko ha". Sabi ko mabilisan na inayos ang aking sarili para bumwelo sa pagsasalita.


"Is anyone here?! Go back to your rooms now! Bago ko kayo isuspinde" Paggagaya ko sa boses ng aming Prefect of Discipline nasi Ms. Catacutan. Tawa tawa naman akong tinignan ni Tasya. Narinig kong nagsi-alpasan pababa ng first floor ang mag lalaki at naiwang magisa yung Grade 8.

Di ko mapigilan ang aking sarili na humakbang pababa at daluhan ang Grade 8 na halos mawasak ang pagmumukha. Nagulat pa sya sa presensya ko. Sumunod naman si Tasya at umupo kami sa baitang ng hagdan.


"U-Uhh, Sino ba yung mga yon? Pwede naman nating isumbong" Sabi ko at tinitigan ang mukha nyang maga.


"W-Wag na.." Mahinang sabi nito at pinunasan ang mukha nya gamit ang puting uniporme nito. Nahabag naman ako kaya agad kong kinuha ang puti kong bimpo sa bag.

"Heto. Wag yan ang gamitin mo" Sabi ko sabay abot sa kanya. Kinuha nya naman ito at agad na pinunas na mukha nya. Napatingin naman ako kay Tasya na titig na titig dun sa Grade 8. Alam kong naawa rin sya sa kalagayan nito. Hindi ko lang akalain na nauuso padin pala sa high school ang ganitong klaseng pangbubully.

Tumayo ang lalaking Grade 8 at paika ikang naglakad pababa patungong first floor. Tahimik sa mga corridor, baka abala pa ang iba sa kanilang klase.

Sinundan neamin ng dahan dahan ang Grade 8 na iyon, para kaming mag ninja habang binabaybay ang likod ng school kung nasan ang backgate , bihira lamang itong gamitin. Nakita naming may dinial ito sa cellphone. At ilang minuto na naghintay bago pumarado ang isang Ford. Oo, Ford. Alam ko dahil ganyan din ang istilo ng isa sa kotse ni Kuya. Ang kinaibahan lang eh kulay asul kay Kuya at pula ito.

Nagkatinginan naman kami ni Tasya. Alam kong marami rin syang katanungan. Mabilis na humarurot ang kotse palabas ng school sakay yung grade 8 na yun.

- - -

"Zen. Hanggang ngayon di parin mawala sa isip ko yung grade 8. Biruin mo kung mayaman naman sya bakit hinahayaan nya lang na bugbugin sya nung mga hinayuak na Grade 10 na yon?" Pagtatakang tanong nito. Nandito kami ngayon sa kahoy na upuan malapit sa botanical garden ng school.

"Ewan ko. Baka away lalaki sa lalaki. Alam mo naman. Its there nature, tho yeah pumapasok din sa isip ko ang tanong na yan" Sabi ko habang abalang inaayos ang mga libro sa bag ko.

"Why don't we investigate? Tinitigan ko yung Grade 8, He's handsome!" May gigil na sabi nito. Natawa naman ako sa parteng gwapo ito. Hindi ko masabi dahil puno ng sugat kasi ang mukha nito.

At dun na nagsimula ang pagmanman namin sa mga grade 8 nang sumunod na araw kapag vacant time namin. Seriously? This school is composed of hundreds of student per grade. Since nasa grade 8 ito, basically meron 20 rooms ang grade 8 at iyon ang plano naming isa isahin. Hindi ko alam kung bakit napa-oo na lang ako sa ideya nitong si Tasya na imbestigahan yung 'Mysterious grade 8' student na yon.

BODY ON ME Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon