4.

1 0 0
                                    

Taking me there

"May project kasi kaming gagawin na kelangan ng grade 11 or 12, We just came here to ask for help. Yun lamang" Pormal kong sabi. Ako na ang naging spokeperson saming dalawa ni Tasya since wala naman tong balak magsalita. Napipi na.

"May I know what kind of project is it?", casual na tanong nung maputi, na messy, na pamliyar.

"Biography" simple kong sabi. Pinagtitinginan na kami ng ibang students, sino ba naman kasi ang hindi mapapatingin sa sitwasyon namin no Tasya. Dalawang grade 10 students: Napapalibot ng mga--- ah, gwapo? Napapamulahan ako sa pagiisip ng mga yon.

"Alright! I volunteer miss. Since first time in the history na may magsusulat tungkolsa buhay ko, sound so interesting.." sabi nung maputi, na messy hair, na pamilyar. Napalunok ako.

"Count me in! Si Miss bangs na lang ang sakin" sabi nung nakataas ang buhok, he is referring to Tasya.

"I'm Kyllouis Gav Sebastian. This is Romanov Vicente, the rest is my team. at your service" Sabay kindat nito samin. Ito ata yung sinasabi ni Tasya na, pagluwag ng garter ng panty.

They left us dumbfounded, anytime pwedeng tamaan ng kidlat. Nakita kong may nilagay syang maliit na sticky note sa noo ko bago sila umalis. Kinuha ko ito at tiningnan. Fudge. Cellphone number ..

Lumabas kami ng main building at nagmartsa pabalik ng ng building namin. Para kaming mga zombie.

Agad namang kinuha ni Tasya ang sticky note at sinave ang numero na naroon. Bumwelo ng konti at nagtitili.

"Giiiiiiiiiirrrrrrrrrl! OH MY FUCKING GHAD, Have you notice there faces? I kennat, gosh!" Nagpaypay  pa sya ng literal na parang naiinitan. Napailing na lang ako, hindi ko pinahalata na ganun din ang epekto ng mga iyon sakin.

"You know what? Hanggang ngayon di padin ako makapaniwala na ganun lang kadali yon. Are we really lucky?" pagtatanong ko.

"We are very lucky of course! Biruin mo, we went there, act like a two gorgeous idiots walking suspiciously and bwalah!" She exclaimed.

Tumango na lang ako sa mga pinagsasabi nya. Dumiretso na lang kami sa classroom at naghanda para sa susunod na klase.

Bawat minuto , hindi para mag sink in sa isip ko yung mga nangyari. Kaya pala pamilyar, kasi sya yung kuya ni Keizere. Napailing ako sa katotohanang iyon.

---

"Hows school? May nanggugulo ba sayo?" Kuya asked while we are having our dinner dito sa bahay. Tinupad nya nga ang sinabi nya na dito sya muna.

"Everything was fine kuya" pagsisigurado ko.

"Good. Naghire na ko ng securities na magbabantay 24/7 dito. At yung driver mo, hindi lang yon basta driver, bodyguard mo din" seryosong sabi ni Kuya.

"Sige po. Mag iingat din ako palagi kuya so you don't have to worry that much. Mag focus kana lang sa masteral mo. I'm sure matutuwa si dad", masaya kong sabi.

Natapos ang hapunan at napagdesisyunan kong magfacebook muna. Matagal ko na ding hindi nabubuksan to, Pagka-log in ko palang. Napansin ko agad ang pangalan nya sa top list ng friend request ko. Accept or delete request?

Keizere Gregg Sebastian sent you a friend request.

Napanganga ako, bakit nya ako in-add? Sa huli, inaccept ko at nagscroll na lang muna. Ilang minuto nadin ang lumipas at biglang nag-pop out yung chatbox.

Keizere Gregg is typing ..

Him: Hi.

I was shocked. Aba't nagchat pa.
with all due respect, nagreply ako.

Me: Hello.

Keizere Gav is typing..

Him: What are you doing?

Me: Chatting obviously.

Marami ka bang kachat?

For my pride as a lady. Hindi ko sasabihin na 'sya' lang ang ka-chat ko ngayon. Mejo naghintay ako ng ilang minuto bago nagreply.

Me: Mejo. Group chat para sa project.

Him: Okay. Have you eaten?

Me: Yes. you?

Him: Not yet. Walang gana.

Me: Oh. Why? Late na.

Him: Walang kasabay. I feel alone.

Nahabag naman ako, Nasan ang kuya nya? Yung bunso nila?

Me: Nasan pamilya mo?

Me: Outside. They're busy, very busy.

Magty-type na sana ako ng reply nang magtype sya ulit.

Him: I have an idea.

Me: Ano yun?

Him: Samahan mo ako magdinner.

Me: What? I can't. Sorry. Bawal na ko lumabas.

Him: No, not literally. We could do facetime instead.

Hindi ko alam anong hangin ang tumama sakin at napa-oo na lang ako.

Seeing him now in front of my screen makes me nervous. Halos pigil ang bawat paghinga ko. Pakiramdam ko na lahat ng nangyayari ay forbidden dahil sa age gap. Tho hindi naman ganun kalayo, still a gap.

He's eating his dinner in front of me, parang LDR ang peg. Bawat subo nya ng kutsara, nakatingin sya sakin na parang pinagmamasdan ang magiging reaksyon ko.

"Di ka nagsasalita?" Tanong nya.

"Ano ba sasabihin ko?" Kabadong kong sagot. Buti na lang yung ilaw lang sa study table ko ang bukas. Hindi pansin ang buong figure ko.

"Anything. Look sorry kung naistorbo kita" He apologized. He set aside those fork and spoon, and took a sip of his juice before he speak.

"I-It's okay. Wala naman akong ginagawa" bahagya akong ngumiti sa kanya.

"Thank you. You look sleepy, you can rest after this" Ngumiti din sya ng kaunti at pinagsalikop nya ang palad nya bago nagsalita muli.

"I'm done. So, goodnight?" sabi nya.

"Uhm. Sige, thanks for the talk. See you tomorrow" Sabi ko , sya na ang nagoff ng facetime at bumalik na ako sa aking kama. Napansin nya sigurong uneasy akosa gitna ng paguusap namin.

Sa lalim ng pagiisip. Hindi ko napansing, nakatulog nako ng may magulong puso at isip..






BODY ON ME Where stories live. Discover now