Ikalabing Pitong Kabanata

Start from the beginning
                                    

Naagaw ulit ng pansin ko ng tumawa ng malakas ang lalaki kanina.

"Babe! Halika may manikang nagsasalita dito oh! Grabe! Ito ang surpresa ni Aaron satin",masayang sabi ng Mommy ni Aaron.

Hala! May manika daw na nagsasalita! Nasaan?

Tumingin ako likod pero wala namang ibang tao.

"Tsk. It's you okay? And that guy is my dad",bulong sakin ni Aaron.

"Ang pogi naman ng Daddy mo",pabulong ko ding sabi.

"Tsk. Mas pogi ako."

'Weeehhh"

Death glare

"Oo nga ano!",biglang bawi ko.

"Tsk"

Nakakapit parin ako sa braso ni Aaron habang naglalakad papasok sa malaking mansiyon.

Nang makarating kami sa hapag kainin ay napansin kong matigilan si Aaron kaya tumingin ako sa kanya.

Bahagya iting nakatulala habang may tinitingnan kaya napatingin narin ako.

Nakita ko ang isang napakagandang nilalang roon na nakatayo at nakangiti habang titig na titig rin kay Aaron.

"Hi Kris"

"P-princess..",bulong ni Aaron.

Unti unti ring lumuwag ang pagkakahawak nito sa kamay ko.

Hindi ko alam kung saan galing ang kirot na nararamdaman ko pero parang may mahapdi sa dibdib ko.

Humawak ako sa braso ni Aaron. Tumingin naman siya sakin na para bang nagulat na naroon pa ako.

Natigilan din iyong babae at tumingin sa kamay kong nakahawak sa braso ni Aaron.

"Surprise! Aaron anak masaya ka ba na nandito si Princess Janelle?",masayang sabi ng Mama ni Aaron.

"Mom...."ang tanging nasambit ni Aaron.

"Let's eat. Umupo na tayong lahat",sabi naman ng Papa si Aaron.

Umupo na ito sa dulo at inukupa naman ng Mama ni Aaron ang kanang upuan.

Nasa kaliwa ang babaeng tinawag nilang Princess Janelle. Hindi nalang ako kumibo ng umupo si Aaron sa tabi nito.

Hello nakatayo pa ako dito!

"Barbie Halika na at maupo narin. Dito ka na sa tabi ko hija.",nakangiting anyaya ng Ginang sa akin.

Nanlaki naman ang mga mata ni Aaron na parang noon lang ako naalala.

"I'm sorry dito ka nalang sa tabi ko",hinging paumanhin nito.

Hindi nalang ako umimik pero inukupa ko ang upuan sa tabi ng Mama niya at hindi pinansin si Aaron.

"Anak, pumayag kasi ang Hari na dumito muna si Princess Janelle ng isang Linggo. Ikaw ang sinabi kong mag-aalalay sa kanya habang nasa Pinas siya",masayang kwento ng Ginang habang kumakain na kami.

"Ha?"

"Diba ok lang naman sayo anak? Tutal naman dati kayong mag-MU nito si Princess Janelle",nanunudyong sabi pa nito.

Parang may bumara sa lalamunan ko sa sinabi nito saka napatigil sa pagsubo. Bigla akong nawalan ng gana.

"Anak ano pala iyong sorpresa mo sa amin?",tanong ng kanyang ama.

"Ahh. None Dad. I just wanna visit you guyz",wala sa sariling sagot nito.

Tss! Sabi mo papakilala mo ako!

"Hija ayaw mo ba ng pagkain?",tanong ng Ginang sa akin.

"No Tita. In fact gustong gusto ko nga po eh. Sobrang sarap",pilit na ngiti ko.

Pero ang totoo niyan ay baka isang subo lang ako.

"Tita can I use your bathroom?",nakangiting tanong ko.

"Hmm sure hija"

"Samahan na kita",sabi ni Aaron.

"No!",ubos lakas na sigaw ko kaya napanganga silang lahat.

"I can manage to go to the bathroom.Tita magpapaturo balang po ako sa katulong. Excuse me po",nakangiting sabi ko sabay lakad palayo.

Lakad lang ako ng lakad dahil gusto ko ng makalayo sa lugar na yun.

"Ma'am hindi po riyan ang daan",humihingal na sabi ng katulong na sumunod sa akin.

Natigilan ako saka hinintay siyang makalapit.

"I'm sorry. Ihing ihi na kasi ako eh"

"Dito pa tayo ma'am"

"You know what Nasaan ba ang entrance dito?"

"Ahh iting way na ito ma'am",napahinto ako at tiningnan ang tinutukoy nito.

"Uhmmm miss pwede mo ba akong kuhanan ng napkin?"

"Ho?"

"Meron kasi ako eh"

"Sige po"

Dali daling umalis ang katulong habang ako naman ay nagtungo sa may labasan at Tuloy Tuloy na naglakad.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta ang mahalaga ay makalayo ako!

-

The Devil's Secret Love AffairWhere stories live. Discover now