Chapter Five

238 9 4
                                    

"O ayan, kain na!" excited na sabi ni Kaye sabay lapag sa lamesa ng mga street food na binili nya, may kwek kwek, bituka ng manok, tengang baboy, adidas, chicken feet, fishballs at kikiam.

Napalunok muna si Travis pagkakita sa mga pagkain bago nagsalita "I haven't eaten any of those Kaye."

Tumaas ang kilay ni Kaye at tila nagpipigil ng inis bago kinausap ang mestizong bangus sa harap nya.

"Okay. First, don't call me Kaye, we are not close. Second, we had a deal. I won, so I chose the place. Now, man up and be true to your word. You AGREED, remember?"

Napabuntunghininga si Travis bago nagpaliwanag.

"Yes, I understand. But I dunno these food, how could I know if it's safe to eat? If you want, choose any restaurant you like, sky's the limit. It's my treat!"

"TRAVIS, gutom na gutom na ako! Nag aaway na ang mga bulate ko sa tyan, so kung ayaw mo! Bahala ka! Umalis ka na lang! Kakalimutan ko nalang yong deal natin, natalo naman na kita e!" sabay irap ni Kaye kay Travis bago nagsimulang kumain.

Nauubusan na ng pasensya si Trav sa tigas ng ulo ng babaeng matakaw na nasa harapan nya, kung kumain, walang ka finesse finesse pero bawat subo nito ng pagkain, it makes him wonder what her lips taste like.

"God Kirsten, you are bothering me to no end." napapailing nalang nasabi ni Trav kay Kaye.

"O what are you still doing here? You may leave so you can eat."mataray na sagot ni Kaye.

"Okay. Fine. I will eat it!" napipilitang sabi ni Travis

Kahit hindi nya alam kung paano nya kakainin yong mga pagkain sa harap nya, kumain nalang sya kaysa mapahiya kay Kaye at ipagtabuyan sya neto.

"Shit! Ang saraaaaaap!" masayang sabi ni Kaye habang himas himas ang tyan na busog na busog.

"Can we go home now?" namumutlang sabi ni Travis sa kanya.

"O eh bakit ganyan ang mukha mo? Ang OA huh! Ang sarap sarap kaya ng kinain natin! Grabe ngayon ko nalang ulit natikman yon, bihira kase ako magpunta dito sa Banchetto e..."

Walang naiintindihan si Travis sa sinasabi ni Kaye dahil nahihilo sya na parang masusuka at nahihirapang huminga.

"Can you bring me to the hospital Kirsten? Please.." nanghihina nasabi ni Travis kay Kaye.

Napatigil sa kakadaldal si Kaye "Wait what? Why? Anong nangyayari sayo! Dyusko!" napatayo si Kaye at lumapit kay Trav.

"Nahihirapan ako huminga..." sabi ni Trav bago sya nawalan ng malay.

Napasigaw na si Kirsten at humingi ng tulong para maisakay niya si Travis kay Astig.

Mabilis na pinaharurot ni Kaye si Astig papunta sa malapit na ospital. Habang nagmamaneho sya, tinitignan tignan nya si Travis sa tabi nya.

"Dyusko..Papa God, huwag mo namang hayaang may mangyaring masama kay Travis, kargo de kunsensya ko to. Sayang naman ang lahi nya kung di nyaipapakalat diba? Kaya please lang, buhayin mo pa sya ng matagal. Please." pabulong na sabi ni Kirsten sa sarili nya.

Pagdating sa ospital, agad na may sumalubong na mga nurses sa kanila from Emergency room and dinala na agad sa loob si Travis. Kabadong kabado si Kirsten dahil wala pa ding malay ang lalaki.

Ilang minuto ang lumipas at kinausap na sya ng doctor na tumingin sa kanya.

"Ikaw ba ang girlfriend ng pasyente o asawa?" tanong ng doctor sa kanya.

"Ay hindi po. Kaibigan lang po." sabi ni Kaye.

"Ah I see. He has sudden allergic reaction. But don't worry, he is okay now. We already gave him Epinephrine and Antihistamine. So any moment now, the rashes will subside and his breathing will come to normal. As soon as he wakes up, you may bring him home. I will just prescribe home meds. Okay?" paliwanag ng doctor.

"So allergic po sya sa street food? Yon lang naman kase ang kinain namin kanina e." tanong ni Kaye sa doctor.

"Possibly or maybe it wasn't cooked properly." sagot ng doctor sa kanya.

"Ah ganon po ba? Sige po. Pwede ko na po ba sya puntahan?"

"Sure you can. I'll go ahead na iha okay?" paalam ng doctor kay Kaye.

Pinuntahan na ni Kirsten si Travis sa loob, pagdating nya sa may kama neto,tulog pa rin ito pero hindi na gaanong namumula ang balat. Nilapitan nya eto at hinawi ang buhok na nasa mukha neto at kinausap.

"Tisoy, pasensya ka na ha. Galing ka nga palang ibang bansa, mahina ang tiyan mo sa mga ganong klaseng pagkain." panimula ni Kirsten. Inilapit nya ang mukha kay Travis at hinaplos ang mukha neto bago nagsalita ulit "Ang gwapo mo pa rin kahit muntik ka ng mamatay sa allergy. Alam mo nong una kitang nakita..." Hindi na natuloy ni Kaye ang sasabihin nya kase biglang nagmulat ng mata si Trav at nakita sya nasobrang lapit sa mukha neto.

Biglang napalayo si Kirsten at umupo sa upuan sa tabi ng kama. Napayuko at nahihiyang bumulong.. "Shocks! What have I done? Shit!"

"Kirsten,what happened?" tanong ni Travis.

Bestfriends and SoulmatesKde žijí příběhy. Začni objevovat