Chapter Four

230 11 2
                                    

"Ang kakapal ng mukha nyo! Sabi nyo sakin, sa P750 na ticket na binenta nyo, covered na lahat. Tapos sasabihin nyo sakin, walang Fish Spa?!"galit na sigaw ni Kirsten sa tatlong lalaking nagbenta sa kanila ni Lei ng ticket dito sa Manila Ocean Park.

"Ang alam namin Miss meron talaga, di namin alam bakit wala yang Fish Spa nyo?" nahihirapang sagot nong isang lalaki na nakahawak pa sa tiyan nito matapos sipain ni Kirsten habang yong dalawang lalaki nakahiga sa facade ng Ocean park, namimilipit sa sakit.

Kung hindi nyo natatanong kase, si Kirsten ay bihasa sa boxing mula nong 16 years old pa sya, ito ang nagsilbing outlet nya after her grandmother died and she's a Regional Championship title holder for Muay Thai Super Bantamweight, kaya sanay na sanay sya manapak ng tao. She had done all of these because she felt that time that she's alone and that she needed to defend herself from getting hurt again.

"Sumasagot ka pang siraulo ka e! Alam mo, mapagbibigyan pa sana kita kaso manyakis ka! Sukat ba namang hipuan mo ako! Kaya yan ang napala mo! Pasensyahan nalang." sigaw ni Kirsten sa lalaking nasa harapan nya.

"Hey what?! You touched her?!" sigaw ni Travis na nagpalingon kay Kirsten and Lei.

"Are you okay sweetie?" tanong ni Jake kay Lei, na nagpaiyak kay Lei at tumakbo palayo sa kanila na hinabol naman ni Jake.

Aakma na sanang susuntukin ni Travis ang lalaking nasa harapan niya nang hilahin ni Kirsten ang kwelyo neto papalayo sa lalaking sinikmuraan nya.

"Hep! hep! Tama na! Naupakan ko na yan e! Ano bang ginagawa nyo kasi dito? At paano nyo nalamang nandito kami?" tanong ni Kaye kay Trav.

Inayos muna ni Travis ang kwelyo ng damit nya bago sumagot. "What else could be the reason? Ofcourse, we are looking for Lei. Jake is so worried about her."

"Hmmm..Okay... tumakbo na yong hinahanap mo, sundan mo na." pataboy na sabi ni Kaye kay Travis habang papunta sya kay Astig.

"Wait, where are you going? Aren't you going to find Lei?" tanong ni Travis sa kanya.

"I saw Jake running after her so why would I follow them? I wanna spare myself from seeing a dramatic scene." balewalang sabi ni Kaye habang pinapaikot nya ang car key holder nya sa mga daliri nya while chewing a gum.

"Oh I see. Hmm.. Err.. so?" nahihiyang patanong ni Trav.

"Anong err.. sooo? Hindi kita magets!" naiiritang sabi ni Kirsten kay Travis habang nagmamasahe ito ng batok.

"Do you wanna go somewhere else?" lakas loob ng tanong ni Travis kay Kirsten.

"Okay ka lang? Bakit kaya hindi mo sundan yong bestfriend mo, baka mahirapan pang sumakay yong dalawang yon." sabi ni Kirsten habang pinapasok ang susi sa ignition ni Astig.

"Like you, baka makaistorbo lang ako. Besides, ang dami namang GrabTaxi na pwede nila ma book around here." paliwanag ni Travis.

"Hindi ako pwede. May lakad ako. Tsaka baka mamaya yong girlfriend mong hipon pandilatan na naman ako ng mata." sabay paandar kay Astig hanggang sa humarang si Travis sa harap nito.

"Huy, tumabi ka nga dyan! Wala akong pampagamot sayo!" sita ni Kaye kay Trav.

"Bakit ba ang init ng dugo mo sakin?" tanong ni Travis kay Kaye na unti unti lumalapit ang sasakyan sa kinakatayuan nya.

"Wow! Hindi mo alam? Okay, let me refresh your memory. First, napaka ungentleman mo for not letting me have your seat last time. Second, mayabang ka at feelingero. Lastly, bestfriend kang gagong ex-bf ng bestfriend ko" litanya ni Kaye habang mabagal na pinapaandar si Astig habang si Travis naman lumalakad paatras dahil nakaharang pa din sya daanan ni Astig.

"Ugh.Okay. I am sorry. Can I make it up to you?" pakiusap ni Travis na natatalisod na kakaatras para di sya mabangga ni Kaye.

"Hmmm.. on one condition. Talunin mo muna ako. Kailangan maunahan mo si Astig gamit yang kotse mo, kapag nanalo ka, I will let you bring me anywhere. Pero kapag ako ang nanalo, sasama ka sakin kahit saan man kita dalhin. Deal?" nang aasar na sabi ni Kaye kay Trav.

Nagisip muna si Travis sandali bago sumagot, "Deal!"

"Okay. Good. Get your pussy car in here so we could start!" nanghahamon na sabi ni Kirsten kay Travis.

Mabilis na kinuha ni Travis ang sasakyan nya at pumantay sa kotse ni Kirsten.

Nagkatinginan silang dalawa, at sa isang senyas. Pareho na nilang pinaharurot angmga sasakyan nila.

"Geez,this would be one hell of a night!" amazed na bulong ni Travis.

Si Kirsten sa kabilang banda, nakangisi lang dahil alam nyang matatalo nya si mestizong bangus. Siya yata ang reyna ng karerahan ng sasakyan sa village nila. "Saan ko kaya dadalhin itongtisoy na to.." bulong nya Kirsten sa sarili nya.

"Grabe naman tong babaeng to, ang bigat ng paa! Ang tulin ng magpatakbo! Where on earth she's been hiding all his life? Kakaiba syang babae." namamanghang sabi ni Travis sa sarili nya.

As expected, si Kirsten nga ang nanalo.

"So, pano ba yan Tisoy? Ako ang nanalo! Wala kang choice but to follow me! Hahaha!"  sigaw ni Kaye kay Travis habang nagmamaneho.

Napasimangot nalang si Travis dahil sa sinabi ni Kaye at lalo pang nalukot ang mukha nya kung saan siya dinala ni Kirsten. Sa isang lugar na puro streetfood ang tinda. Ngayon palang, gusto na nyang masuka.

"Ugh! Ano bang ginagawa nitong babaeng to sakin?! Papatayin yata ako neto eh!" gigil na bulong ni Travis.

Bestfriends and SoulmatesUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum