Prologue

1.5K 13 17
                                    

Hindi nya alam paano sya iiwas ng tingin kay Travis habang nagtatanggal eto ng t-shirt, kitang kita nya ang walong pandesal na nagsusumigaw sa tiyan neto na parang sinasabi sa kanya na "Hawakan mo ako at halikan."

"Hoy Kaye! Anong nangyayari sayo?!" Sigaw ni Trav na nagpagulantang sa kanya.

"Bakit ka ba naninigaw?!" sigaw din ni Kirsten.

"E para ka kasing natuklaw ng ahas dyan! Nakatulala ka lang sa kawalan! Ano bang iniisip mo?"

"Wala! Giniginaw na kase ako! Bakit ba?!" Alangan sabihin nya kay Trav na kaya sya tulala e dahil pinagnanasaan nya ang bestfriend nya.

"Hay nako! Para ka talagang bata! Napaka ginawin mo! Halika nga dito!" Sabay kabig sa kanya ni Trav at bigla sya niyakap.

"Hoy anong ginagawa mo?! Hoy! Di tayo talo! Magbestfriend tayo!" Angil nya kay Trav.

Biglang pinitik ni Trav ang noo nya at pinandilatan sya ng mata "Ang feelingera mong babae ka! Hindi kita type noh! Liit ng boobs mo, wala kang balakang at daig mo pa lalaki kumilos!"

Piningot nya ang tenga ni Trav sa sobrang inis.

"Hoy! Hindi din kita type no! Unang una, hindi ka matangkad, pangalawa, babaero ka at pangatlo, para kang bakla, lagi kang naka skinny jeans!"

Sabay belat kay Trav na nagpakunot ng noo neto. Walang tigil kakatawa si Kaye dahil lumalaki na naman butas ng ilong ni Trav. Nainis na naman nya ang bestfriend nya.

Naningkit ang mata ni Travis sa mga sinabi ni Kirsten, nilapitan nya to, hinapit ang bewang, pinapungay ang mata, kinagat ang labi bago nagsalita. Hindi malaman ni Kirsten kung anong mararamdaman nya, sobrang lapit na ng mukha nila ni Travis sa isa't isa. Napalunok pa sya nong napakagat labi pa to at bigla sya napaisip kung ano kaya ang feeling ng mahalikan ng mga labing yon.

"Kirsten Libby Velasco, 5'8" sa lalaki is not bad okay? At kahit hindi ako pang basketball player, gwapo ako! Gwa-po! Naiintindihan mo?! At hindi ko kasalanan kung bakit kayong mga babae ay patay na patay sakin! At hindi ako bakla dahil...." Hindi na natapos ni Travis ang sinasabi nya dahil dumampi na ang labi nya sa labi ng best friend nya.

At bigla naitanong ni Travis kay Kirsten, "Would you be my best friend and lover at the same time?

Bestfriends and Soulmatesजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें