Chapter Two

299 8 1
                                    

"Jake, dude, what's the problem? You are a mess! Get up and let's have fun!" yaya ni Travis sa bestfriend nya since pre-school days. At kahit kakabalik lang nya three months ago from US, hindi sila nawalan ng communication. He is still his bestfriend after 10 years being apart.

Nagbuntunghininga muna si Jake bago sumagot.

"Ayoko pare. Kayo nalang ni Eiva ang lumabas." sabay balik ulit sa kama at humiga.

"Dude, this isn't healthy anymore. It's been two days and you smell like shit. Take a shower and we'll go there. Face the problem. Talk to her."

"What am I gonna say to her? She caught me kissing another woman dude! It's big deal! But you know it's just a bet. You know how much I love Lei." malungkot na sabi ni Jake.

"Then, mas dapat makausap mo sya. Explain yourself. Langya! Sasamahan ka na nga namin e. Sige na, gutom na kami o!" sabay tingin sa girlfriend nya na kanina pa nakasimangot na nakaupo sa sofa.

"Okay. Okay. Fine. Wait up." tinatamad na sagot ni Jake.

Nasa Starbucks na si Lei waiting for her bestfriend and mukha sya tanga kase naiiyak pa rin sya. Hindi maubos ubos kahit ilang tissue rolls na naubos nya. Kapag tinamaan ka talaga ng love, masakit kapag biglang nawala.

"Hay naku! Nakakainis talaga! Kapal ng mukha!" narinig nyang sabi ni Kaye na bigla nagpagising sa pagmumuni muni ni Lei.

"O bessy, sinong kaaway mo?" nag a alalang tanong ni Lei sa bestfriend nya.

"Wala. Di ko nga kilala kung sinong mestisong bangus yon e. Napaka walang modo. Walang galang sa babae at nuknukan ng yabang!" asar na sabi ni Kaye.

"E bakit ba, ano ba nangyare?" tanong ni Lei.

"Hindi nalang binigay sakin yong upuan, buti nalang next na ako magpeperform, kung hindi, mukha akong tanga don na nakatayo lang!" gigil na sabi ni Kaye.

"Wait, what? You performed where?" gulat na sabi ni Lei.

Hindi kase nya sinabi sa bestfriend nya na sasali sya ng Artists' club kase ang usapan nila, wala silang sasalihang club and magfofocus sa mga courses nila. And she knew how much Lei wanted to audition to be part of their school's dance group.

"Shocks! Sorry bessy! Mom wanted me to try. Ayoko muna sabihin kase di pa naman sure if makakapasa ako e." paliwanag ni Kaye.

"Gosh Kaye! You lied to me. Wala na ba talagang magsasabi ng totoo sakin ngayon?!" galit na sabi ni Lei.

"Bessy, hindi naman sa ganon. Ayoko naman kase talaga sumali, alam mo naman yon. Kaso alam mo naman si mommy, mataas ang pangarap sakin, gusto nya ako maging singer talaga, wag ka na magalit please?" pang a amo nya kay Lei, niyayakap yakap nya pa to para di na magtampo.

"Hay nako! Sige, on one condition. Kapag ikaw natanggap sa club na yan, make sure na maipasok mo ako sa dance group nila. Gusto ko magkasama tayo!" gigil na sabi nya sa bestfriend nyang mukhang witch sa paningin nya ngayon.

"Okay. No problem! Yay! Bati na tayo ha!" masayang yakap nya sa bestfriend nya.

"Dahil ginalit mo ako, treat mo lahat ng oorderin ko ngayon." nakangising sabi ni Lei.

"Wow ha! O sige na. Pasalamat ka may pera pa ako from my last raket." Kapag wala kase sya klase, rumaraket raket sya, nagtuturo sya ng mga bata ng guitar lessons and kapag may mga school projects na ipinapagawa sa kanya, for example, drawing o painting, dati, hobby lang nya, pero since, matumal business ng family nya ngayon. Gumagawa sya ng paraan para magkaron sya allowance para di na sya maging pabigat sa gastusin sa bahay.

"Kaye, tantanan mo muna ako ng drama mo don sa lalaking kaaway mo pwede? Ako muna unahin mo!" saway ni Lei sa kanya kase nagdadaldal na naman sya tungkol sa mestisong bangus na nang asar sa kanya kanina sa auditorium.

"Okay fine. Shoot. Magkwento ka na." sabi nya habang sumisipsip ng Mocha Frappe at kumakain ng Pesto Salad.

"So ganito na nga, I went to his condo the other night because I want to surprise him, sabi nya kase he's not feeling well, so bilang dutiful girlfriend, I cooked macaroni soup for him, bought him medicines and went there. But ayon nga, I found him in bed kissing another woman." naiiyak na kwento ni Lei.

"So ano ginawa mo, sinabunutan mo yong girl?" tanong ni Kaye habang punong puno ng pagkain ang bibig sa bestfriend nya.

"Syempre hindi noh! Ano ako? Cheap?! Tinawag ko lang si Jake, nilapag ko lahat ng dala ko sa kitchen and umalis na." malungkot na sabi ni Lei.

"Ngek! Yon lang ginawa mo?! Hinabol ka naman ng loko?" galit na sabi nya.

"Yon nga e, hindi." malungkot na sabi ng bestfriend nya.

"O e yon naman pala, wala kang halaga sa kanya, so move on na bessy! He's not worth it, don ka nalang kay Boom, kahit chubby yon, atleast mahal na mahal ka and he make good music. Si Boom, isa sa mga close friends nila na alam naman ng lahat na may gusto sa kanya. He's a famous DJ around Metro.

"Hindi naman ganon kadali yon bessy. Ohmigosh! Speaking of the devil, he's here." nakayukong sabi ni Lei habang bumubulong.

"Where?" tingala ni Kaye habang hinahanap si Jake sa paligid, pero sa gulat nya, ibang tao ang nakita nya, yong mestisong bangus na mayabang.

"Ikaw na naman!" sigaw ni Kaye kay Trav na nakapila sa counter.

"Oh it is you again.." nakangiting sagot ni Trav.

Bestfriends and SoulmatesWhere stories live. Discover now