64

425 22 1
                                    


sage's point of view

ang tagal namang bumalik nung dalawang 'yon. aba masyado na yatang napapatagal yung so-called date nila? " hoy dylan. "

" ano? crush mo na naman ako eh. " sabi niya habang binibigyan ng bola yung customer namin. siya na kasi ngayon nagm-manage, dapat si pierce talaga e kaso inuuna landi kaya ayan si dylan tuloy. " mandiri ka naman sa pinagsasasabi mo. "

tinignan niya lang ako ng masama at 'di na ko pinansin. kapal ng mukha. " kapag nandito na si pierce, siya na pagtrabahuhin mo diyan. " sabi ko, tumango lang siya at nginitian 'yung customers. palibhasa babae kaya ayan na naman yung so-called 'charms' niya. hays, ew.

aba, ang tagal naman nung dalawa! kanina pa ko naghihintay dito eh. nakaka-pagod mag-hintay. lagi na lang akong pinaghihintay—joke ayoko na.

sage gwapo 😎
hoy aba panget nasan ka na?
sent

summer panget 💩
maghintay ka nga
otw na
malapit na us
seen

sage gwapo 😎
yang malapit na yan mga 10 minutes pa yan
sent

summer panget 💩
alam din
seen

sage gwapo 😎
bilisan mo na kasi.
ililibre kita if within three minutes nandito na kayo sa booth namin.
sent

summer panget 💩
nandito na kami, hehe.
ililibre mo ko kuya hehe
seen

tumingin ako sa may pintuan at nandiyan na nga silang dalawa. mga hayop. bibilisan lang nila kapag may kapalit. aba, bwisit ah. " hoy pierce, palitan mo na si dylan. summer, sumama ka sa'kin. " sabi ko sabay tayo. tumango na lang si pierce at pinalitan na si dylan.

lumabas na kami ni summer at naggala-gala sa kung saan-saan. " akala ko ba? " tanong ko, tinignan niya lang ako saglit and just shrugged. " moody lang ako non kuya. i still like him. "

" but everytime you act that way, something happens. right? " tanong ko, she stayed silent for a moment before finally nodding. for example, may "boyfriend" si summer noon, naging moody siya bigla—like the way she acted a few days ago—then she found out yung gago niyang boyfriend ay may new na agad. ex na pala siya, hindi manlang siya na-inform. oh diba ayos.

" hintayin na lang natin kung anong mangyayari. " sabi niya, " wag mo na lang pangunahan. " she continued. i sighed. nilibre ko na lang siya kasi medyo nad-down na siya ngayon. baka mamaya ilabas niya lahat ng galit niya sa'kin, di pwede 'yon. di kakayanin ng kagwapuhan ko.

" pero kuya, sa tingin mo. anong mangyayari? "

" may kalandian siyang iba o kaya pinagtitripan ka lang niya. " sagot ko, malanding playboy si pierce kaya di ako magtataka. pero try niya lang talagang mang-gago patay siya sa'kin. kapatid ko 'yung pinagtitripan niya, kaya ingat na lang siya kung gusto niya pa mabuhay.

" but i hope not. "

" summer, wag ka ng umasa. malandi si pierce, period. " sabi ko, tinignan niya lang ako saglit ng masama. " aba, totoo naman. "

" eh kung alam mo namang malandi 'yon, bat hinayaan mo pang landiin ako? "

" binabantaan ko na siya, pero di siya natigil. pero let's just see what happens. alam mo naman ako diba? ayokong may sumasakit sa kapatid ko. " sabi ko, tinignan niya ako saglit. medyo nagd-doubt pa siya eh no? di manlang niya na-appreciate yung effort ko na maging terror and strict brother kasi ayoko siyang masaktan? aba. binigyan ko na nga ng remembrance mga ex niya hindi parin niya na-appreciate? hays, summer, hays.

" wala akong pera kuya, ha. " sabi niya, " di naman ako nagpapalibre, seryoso kasi no? " sabi ko. nginitian niya lang ako at niyakap yung braso ko. tapos ngayon nagpapa-sweet ka na? hays, don't me summer.

" oo na, ililibre na kita ulit. hays. "

" ayon, thanks kuya. "

" pakyu ka talaga summer. " sabi ko at tinignan siya ng masama. she smiled cheekily at me and walked ahead of me a bit and turned her head, " thanks. "

aba naman 'tong babaeng 'to. di na ko magtataka na kapatid ko siya. mana mana lang pala.

+

yie sage's first pov hehe
iniklian ko lang to kasi bakit ba
hehe

-ally

Sting » j.jkWhere stories live. Discover now