CHAPTER SIX

5.3K 142 4
                                    


NANG sumunod na araw na nagising si Ingrid, pagkababa niya'y naroon pa rin ang kanyang nakagisnan. Ang agahan na niluto at inihanda ni Logan para sa kanya ngunit parang may nag-iba rito ngayong umaga.

"Logan..." aniya nang makababa sa hapagkainan.

Nakaupo ito sa mesa habang tila may malalim na iniisip.

"Nandiyan ka na pala, Grid. Kain ka na." sabi lamang nito nang mapukaw niya at itinuro ang upuan sa tapat nito.

Nagtataka naman siyang naupo sa upuang itinuro nito.

First time yata niyang gumising sa umaga na hindi siya nito binati man lang ng good morning? First time yatang hindi siya nito inalalayang maupo at ipaghila ng upuan? Higit sa lahat ay wala ang presensya ng maganda at magiliw na ngiti sa labi nito ngayon na nakasanayan niyang makita mula rito pagkagising pa lamang sa umaga. Para bang lutang ito ngayon at may malalim na iniisip.

Tinitigan niya ito. Nakatukod ang dalawang kamay nito sa mesa at malayo ang tingin.

"Okay ka lang?" untag na niya. Hindi kasi niya maiwasang mag-alala rin dito sa kabila ng lahat.

Tiningnan siya nito at seryosong-seryoso ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya saka ito tumango. "Oo." iyon lang at nag-iwas ulit ito.

Hindi na siya nagsalita pa bagkus ay tahimik na lamang na naglagay ng kanin at ulam sa kanyang plato. Bagay na hindi niya nakasanayan dahil madalas na ang asawa ang gumagawa nito para sa kanya at ang tanging gagawin na lamang niya ay kumain ng matiwasay kaya ngayon, pakiramdam niya'y hindi magiging matiwasay ang kanyang pagkain dahil iniisip niya kung ano rin ang tumatakbo sa isipan nito ngayon.

"Excuse me." biglang paalam nito at dumiretso sa kwarto nito.

Parang may iba talaga kay Logan ngayon...

Umiling siya sa naisip. Baka family or business matter lang o baka nama'y may nakaaway lang sa isa sa mga pinsan nito? Hindi naman siguro ganoon kaseryoso ang gumugulo rito ngayon.

Nagpatuloy na lamang ulit siya sa pagkain at hindi na masyado pang nag-isip. Sooner or later, magiging okay rin naman siguro si Logan.

Hanggang sa natapos na lamang siyang kumain at nakapagligpit ng kinainan ay hindi pa rin bumababa si Logan kaya kinatok na talaga niya ito sa kwarto.

"Logan?"

"Ano 'yon, Grid?"

"Kumain ka na ba ng agahan mo?"

"Not yet."

"Kung gano'n, halika na't kumain ka na para makapaghugas na rin tayo ng mga pinggan." masuyo niyang sinabi.

Hindi niya alam kung bakit biglang nanlambot siya sa asawa ngayon. Maybe because inspite of her anger for him, she still cares dahil kahit papaano'y may pinagsamahan pa rin naman silang dalawa.

"Iwan mo nalang muna diyan 'yan, Ingrid. Kakain din naman ako mayamaya tapos yung mga hugasin, ako na'ng bahala sa pagliligpit at paghugas ng mga iyan." wala man lamang kasigla-siglang sagot nito.

Tumango na lamang siya saka bumalik na sa kanyang silid para makapaghanda at makapag-ayos na rin sa pagpunta sa opisina. Nang bumaba siya mula sa kwarto matapos makapag-ayos at makapaghanda para pumuntang opisina ay saka lang niya naabutang kumakain ng agahan si Logan ng mag-isa.

A Husband's Pure Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon