CHAPTER ONE

17.7K 254 8
                                    


"ANG ganda-ganda n'yo po, maam. Wala pong halong biro pero kayo po talaga ang pinakamagandang bride na nakita ko sa lahat ng mga brides na minsan ko na ring nabihisan." anang baklang make-up artist ni Ingrid na kasalukuyang nilalagyan ng lipstick ang kanyang labi.

Simple at tipid na ngiti lamang ang itinugon ng bente-tres anyos na dalaga sa papuri nito. Wala siyang pakialam kung nagsisinungaling ito o nagsasabi ng totoo.

Tiningnan niyang mabuti ang sarili sa salamin. Walang mali sa kanyang make-up, ang elegante pa nga. She is Ingrid Diaz, ah no, Ingrid Diaz Montgomery na pala simula sa araw na ito.

Matapos siyang maayusan ay inihatid na siya sa simbahan kung saan ang venue ng mismong wedding ceremony. Katulad ng ibang bride ay naglakad din siya sa aisle at tuluyang ipinagkaloob siya ng kanyang ina sa kamay ng kanyang groom. Ina dahil pumanaw na ang kanyang ama apat na buwan na'ng nakakaraan.

"Do you Logan Montgomery, accept Ingrid Diaz to be your lawfully wedded wife, for better or for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish; from this day forward until death do you part?" tanong ng Pari sa kanyang mapapangasawa.

"I do." dinig niyang masiglang sagot ng lalaki.

Alam niyang maligaya ito sa mga oras na 'to dahil sa wakas ay makukuha na nito ang gusto nito.

Bumaling naman sa kanya ang Pari. "Do you Ingrid Diaz, accept Logan Montgomery to be your lawfully wedded husband, for better or for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish; from this day forward until death do you part?"

Bumara ang kanyang lalamunan at tumulo ang kanyang mga luha. Dalawang salita lamang na 'I do' ang kailangang marinig ng Pari ngunit parang napakahirap na bigkasin.

Sa katunayan nga, naglalakad palang siya sa aisle kanina ay gustong-gusto na niyang umiyak at magwawala sa sama ng loob. Life is just so unfair! 'Yung ibang mga babae, pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman kapag ikinakasal pero siya ay lungkot at sakit ang nararamdaman ngayon. Yung iba ay naluluha dahil sa saya samantalang siya ay naluluha dahil napipilitan lang siya sa kasalang ito!

"Ms. Ingrid?" nag-aalalang salita ng Pari.

Tinignan lamang niya ito habang tuloy-tuloy sa paglandas ang kanyang mga luha. Hinihiling niyang ito na sana mismo ang makahalata na ayaw talaga niyang magpakasal at ito na rin mismo ang magtapos ng seremonya ngayon din mismo. Ngunit tila hindi nabasa ng Pari ang kanyang hinaing at nagpatuloy ito sa paghihintay ng sagot mula sa kanya.

Unti-unti na ring nagkakaroon ng mga bulong-bulungan sa loob ng simbahan dahil sa inaasal niya ngayon. Tiningnan niya sa unahang upuan ang kanyang ina, nakaiwas ito ng tingin at umiiyak din, at ang kanyang kapatid na si Betty na isang taon lang ang lamang niya sa edad ay nakatingin sa kanya na may tensyon at kaba sa mga mata. Her mother and her sister know her story very well.

Tiningnan naman niya sa kabilang banda ang angkan ng mga Montgomery. Halos lahat ng mga tita ni Logan ay nakataas na ang kilay sa kanya at ang sama na ng tingin ng mga pinsan nito sa kanya habang nagbubulong-bulungan. Ang ama at ina naman ng lalaki ay ang sakit na rin ng pagkakatitig sa kanya kaya napaiwas siya.

"Ingrid..." marahang pukaw ni Logan sa kanya tapos ay tinapik siya sa balikat.

Humingang-malalim siya bago tuluyang nagsalita sa Pari. "I do."

A Husband's Pure Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon