Chapter 2

12.2K 185 7
                                    

SETH'S POV


"Everyone, get back on your sit!" Pumasok na yung professor namin. Thank God at last subject na.


"Since today is Friday, I will give you an assignment. Create a powerful presentation regarding the different managerial aspect of..." Hindi na ako nakinig since pwede ko naman itanong kay Ross about it sa weekend.


"Pst. Dude, ano, club tayo mamaya?" bulong sakin ni Ross na nasa kanan ko. Napaisip ako sa sinabi niya. Clubbing's not bad. Matagal na rin simula nung huling walwal ko. Papayag sana ako sa aya ni Ross nung nagvibrate yung phone ko.


'Seth, later's appointment. Dont forget. - Marg'


Anak ng, oo nga pala. May check-up si Simon mamaya. Kaninang umaga dapat kaso ayaw naman umabsent ni Margaux. Tae naman oh. Typing my reply, 'Kita na lang tayo sa bahay. Leave your car there, I'll drive.', humarap ako kay Ross at nagdahilan.


"Bro, may shooting ata ako ng Bench bukas eh. Sa susunod na lang." Well, totoo naman pero sa hapon pa yun, but he doesn't need to know that.


"Naks. Iba na talaga pag model."


"Ulol. Pero bawal talaga ako ngayon, maghahanda pa ko para bukas eh. Babawi ako."


"No prob, bro. Basta sa birthday party ko ha, don't you dare ditch us. Malaking party pa naman yun."


"Gago! Layo pa ng birthday mo, tol. Sabihin mo yan sakin kapag nakalipas na ang tatlong buwan."


"Naninigurado lang, pare."


Magsasalita pa sana uli ako ngunit sinita kami ng prof namin. "Mr. Jimenez and Mr. Alvero, care to share your topic with the rest of the class?" 


"No need, sir. It' s nothing important." sagot ni Ross na halatang walang pakialam na nahuli siyang hindi nakikinig sa klase.


"Of course, it's not. Now, be quiet and listen. Understood?"


This time, ako na ang sumagot. " Yes, sir."


☀️


Natapos na din yung klase at naglalakad na kami ni Ross para kitain si Jason. As usual, kaliwa't kanan yung mga babae. Smiling at some girls, nagdiretcho na kami sa usual parking spot namin. 


"Ano pare, hindi ka talaga sasama mamaya? Sayang din yun, maraming chix." anyaya uli sakin ni Ross nung makarating kami sa may kotse. Nadatnat namin si Jason na nakasandal sa sasakyan niya at abala sa cellphone.


"Hindi na, pare. May photoshoot pa ako bukas eh. Mahirap na. Sa susunod na lang." palusot ko habang inilalagay yung mga gamit ko sa backseat ng kotse.


"Sige, sige. Bawi ka sa susunod ha." sabi naman sakin ni Jason. Grabe, gusto ko na talaga sumama. Matagal-tagal na din akong hindi nakakapagclub eh. Kaso si Simon. Hahayaan ko na lang sana mag-isa si Margaux papuntang doktor kaso medjo gabi na din pagpunta dun. 

DADDY?! REALLY?!Where stories live. Discover now