STAR ★ 40

1.2K 23 7
                                    

LWL/N: About sa sinabi kong pag di kinasal ang KathNiel di matatapos ang story na to? Sigurado po ako don, di ako nagbibiro. Kaya enjoy reading!

PS: About sa multimedia, hindi yan si Kath. Wag mag focus sa mukha ng model, yung outfit lang ang pinakikinabangan ko diyan. Okay? get me? That's it.
-------★★

Maaga ang naging flight namin ni Levi, kasi meron pa kaming interview na gaganapin in the afternoon so kaya napaaga ang alis namin. Ngayon andito na kami sa NAIA, nasa arrival area na kami at sinabi samin ni Ate Lisa na kailangan daw naming magmadali dahil padami ng padami yung fans namin.



Paglabas namin sinalubong kaagad kami ni Kuya Marky.



"Xhia and Levi, how's the vacation?" he's a reporter so kailangan talaga na andito siya ngayon.



Levi wrapped his arm around my waist, tapos bumulong siya na ako na ang maunang sumagot.




"Amazing and fun of course because kasama namin together yung mga group of friends naming dalawa na naiwan pa don. Maybe on the next week pa uwi nila" nakangiting sagot ko, tinuon naman niya ang mic kay Levi.



"Ano pa ba? parang nasabi na ata lahat ni Xhia eh" nangalumbaba siya at parang nag-iisip ng isasagot "Di loko lang, syempre masaya. Masaya, kasi yun nga kasama namin mga kaibigan namin, minsan nalang kasi namin magawa yon. Alam mo naman kung di busy borlogs kasi puyat, so masaya masaya"




"Eh diba dapat sa susunod na buwan pa kayo dapat bumalik sa trabaho? eh bakit napaaga? ano ang naramdaman niyo ng sinabi sainyo na bumalik na kayo at tapos na ang bakasyon ninyo?"




tinuon niya kay Levi ang mic "Yung naramdaman ko eh, wala lang. Si Xhia lang naman kasi inaalala ko kung ano ang magiging reaction niya, kasi kung sakin ay ayos lang naman. Trabaho yan, dapat di inaayawan"



"A part of me eh nalungkot kasi medyo bitin, but a part of me ay naexcite because balik trabaho na kami. Then Levi is right, trabaho yan so dapat di inaayawan and besides may susunod pa naman kaming vacation eh. So baka sulit sulitin na namin yung christmas vacy"



tumawa si Kuya Marky "Saan ba plano niyo for christmas?"



tinuon ni Kuya Marky ang mic kay Levi kaya napangiwi ito "Wala akong plano eh, kasi kung san si Xhia dun ako" he patted my head "Makita ko lang tong masaya, masayang masaya na ako" ngumisi pa siya pagkatapos.



Nagsi-iritan naman ang mga fans namin na nakarinig sa sagot ni Levi, pwedeng kiligin? Nilingon ko naman sila at kinawayan kaya mas naging maingay na, natawa nalang ako sakanila.



"No plans pa naman, but meron na akong naisip at Paris, France yun" nagsigawan ulit ang mga LevHia's, ang ingay nila grabeeee~



"Last question. Ano ang masasabi niyo sa mga fans niyo na andito ngayon?"




"To all LevHia's fan na andito ngayon sa airport hindi niyo lang kami napangiting dalawa ni Levi kundi napasaya at binuo niyo ang araw namin, it's because sobrang init ng pagsalubong niyo sa pagbabalik naming dalawa. Thank you sa efforts niyo and I love you all" after that kumaway ako sakanila, andami dami nga talaga nila ah.




"Ang masasabi ko? sobrang solid! Solid na solid ang LevHia's kasi gumising talaga sila ng maaga para salubungin kami dito ni Xhia sa airport. Kahit pagod kami dahil sa biyahe pinawi niyo yon, sobrang init ng pagtanggap niyo samin. Kaya saludo na ako sainyo LevHia's, ewan ko nalang kung ano ang mangyayari sa mga babangga sainyo. Salamat at mahal na mahal kayo namin" after sumagot ni Levi kinuha na kaagad kami ng mga martial para dumaan sa mga fans namin na nakahilera.




Mahigpit naman ang pagkakahawak sakin ni Levi hanggang sa makalabas na kami ng airport patungo sa van na sasakyan namin. Pagpasok namin agad na sinara ang van, dagsa pa din talaga ang mga fans namin kahit alas tres pa lang ng madaling araw. Sobrang solid ng talaga nila, saludo na din ako.




"Matulog ka na muna" Levi said at pinatong ang ulo ko sa balikat niya habang ang isang kamay niya ay nasa bewang ko pa din.




"Matulog ka din muna, good mornight" I said saka pumikit na at siniksik pa ng husto ang ulo ko sa balikat niya.



he kissed my forehead "Good mornight my Queen"




----💙💙💙

Short update bawi ako tomorrow. Emeged, it's good to be back in wattpad world. Hayy sarap sa feeling magsulat ulit. 💗💗💗💗

Twitter: @LWLAuthor

IG: awesome_jane26



Thankiss, lovelots! 😘😘😘

SUPERSTAR★ (MAJOR REVISION)Where stories live. Discover now