This is my Confession

21 2 1
                                    

"Hannah, Hannah I think...I'm falling for you." I held her hand and pressed a kiss on it, making sure na hindi nawawala yung eye contact.
Of course, kahit may konting kaba, I believe na tatanggapin nya ang feelings ko para sa kanya. Above all the girls that I met she's the most special. Kilalang-kilala nya ako, from the things that I want and hate and all my secrets. Kasama ko sya sa lahat ng pangyayari sa buhay ko...mapamasaya hanggang sa pinaka masalimuot at nakakahiya. Matagal bago ko narealize how much I love and treasure her. But this time I hope we will step up from being best friends to lovers. "Hannah...can you be my girl friend."

Kumunot ang kilay nya at lumabi, parang takang-taka sa akin. Sinalat nya ang noo ko at maya-maya ay pinitik ng malakas. "Wala ka naman palang lagnat, ba't ka nagdedeliryo? Naka drugs ka ba?"

Wow ang sakit non ah! "Aray ano bang sinasabi mo? Hannah..."

She hushed me by putting a finger over my lips. Tapos humarap sa kanyang locker at nagkalkal sa mga gamit nya. "Ano bang problema Paris at akong pinagtri-tripan mo ha? Siguro humahanap ka nanaman ng lusot sa mga babae mo no? Ibrinake mo na si Trina no, tapos hinahabol ka pa rin kaya kailangan ko nanamang magpanggap na jowa mo? Hay Paris...basta libre mo ko ng pizza. Game ako." Tataas -taas pa ang mga kilay nya ng muli syang humarap sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako. "Hannah, look it's not about that cheer leader...ano ngang pangalan nya?"

"Trina." She answered, looking at her notes.

"Trina, hindi to tungkol sa kanya. It's about you and yung nararamdaman ko for you. Nung naaksidente ka last month at muntik ka ng mawala, para akong nabaliw nun...na realize ko na hindi ko kaya na-na mawala ka Hannah. I love you." I said sincerely.

Muli nya akong tinaasan ng kilay, "Paris may hang over ka ba? Ng tri-trip ka no...pwede ba ngayon na nga lang ako nakapasok dahil nag-agaw buhay ako bubusitin mo pa ko!"

Ouch, ang sakit ulit nun. Sincere ako sa sinasabi ko, mahirap bang paniwalaan yun? I love her so much, bakit hindi nya yun ma-gets? "Hannah look." I took her by her shoulders and tinitigan ko sya eye to eye. "Hannah its not a trip or hang over effect...I love you. Yun lang it is nothing but pure love, don't ask me when, why or how basta alam ko mahal kita and I want you to be my girl friend."

Tinitigan nya ako eye to eye, "Eh baka nga hindi ka sigurado ngayon kung single ka o may ka fling ka pa o kaya may ka m.u. ka o ka-on pa. Pwede ba Paris tagal na nating magbarkada o...alam na alam ko yung mga linyahan mong mga ganyan ha.  Eh mga nasa 87% na ng mga estudyanteng babae dito ang napaniwala mo sa ganyan di ba? Bok ako pa nga ang tiga lakad mo sa mga balak mong biktimahin, tapos ako naman pala ngayon ang plano mong tripin ha no? Gaguhan dito ganon? Sandali lang akong nawala tataluhin nyo na ako ganun?"

Oh my holy corn! Ano bang gagawin ko ayaw nyang maniwala sa nararamdaman ko, mababaliw naman ako kapag hindi ko sya nakuha, hindi ako sanay ng nabubusted...ayaw ko.
"Hannah ano bang dapat kong gawin to prove to you na sincere talaga ako sayo, please tell me."

"Alam mo bok itigil mo na to...magkaibigan tayo at kilalang kilala kita, baka yung salitang sincere hindi mo alam ang ibig sabihin eh, yung sincere feelings pa kaya?" Tinulak nya ako paalis sa daan nya at nakasimangot na naglakad palayo.

But before sya makalayo, nagiskandalo muna ako. Oo as in pinagsigawan ko ang nararamdaman ko, "Hannah, mahal na mahal kita, sorry bok but I fell in love with you,at gagawin ko lahat para sa iyo. Magbabago ako, pagsisihan ko lahat ng ginawa ko, para sayo! I will change for you!!!"

Everyone's watching us, some were shocked pero karamihan nagbubulungan, they think I'm being too corny...well I don't care importante lang sa akin ay si Hannah and her reaction.

"Hannah." I almost whispered.

She turned facing me, with an angry and disappointed look she sighed then walked away.

Bahala na, basta gagawin ko ang sinabi ko tapos bahala na kung maniniwala pa sya.

***********

A week after my confession, i found myself sa garahe nila Richard, kasama ang iba pa naming barkada.

"Ano call ka ba dun sa suggestion ko sayo?" Namumungalang tanong ni Kris.

"Pare, alam mo maganda naman yung idea ni Kris eh, ano simulan na natin?" Sabat naman ni Kerwell.

"Mga bok, ano nga ulit yung plano nyo?" Tanong ko.

Napatukop na lang ng ulo si Richard. "Dude kanina pa kami dada ng dada dito oh...tapos hindi ka naman pala nakikinig. Sus."

"Sorry, may iniisip lang ako."

Isinumpak ni Kris ang natitira nyang pizza at lumagok ng beer. "Eto ganito ang plano..."

Confessions ng PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon