ElsAna 9

1.6K 77 2
                                    



Sabadong sabado ay highblood ang lola nyo, naku! Sarap idukdok sa pader ang pisti na yelo, walang kasing manhid at kawalang konsiderasyon ng pisti! Tampo tuloy si tag-lamig sa akin, bah! Bat kasi big deal sa kanila kung makipag kaibigan ako kay Cyan?

Sa totoo pa nga nyan mga bess, inimbita akong mag gala ni Cyan sa Ocean Park. At dahil minsan sa asul na bilog na buwan lang akong makapag gala at libre pa niya ay hindi na ako tumangge, pero mukhang mababasyo pa ang plano ko.

Talagang pinagplanuhan ng magkapatid na pinaglihi sa lamig na hindi ako makalabas sa bahay, tambakan ba naman ako ng sang katerbang gawain sa bahay? Mahgad? Where's the justice? Beybeh?

"Punyetang mga amo kasi toh.... " bubulong bulong kong reklamo habang inis na nililinis ang kwarto ni Ice na hindi ko alam kung hinaluglog ng magnanakaw o nadaanan ng bagyo sa sobrang gulo, nakaka urat! Alas nuebe na pa naman ang usapan ay 8:30, kakatapos ko pa lang maglinis sa kusina na isa ring makalat.

"May nirereklamo ka? " taas kilay na saad ni Ice, eah kung sapakin ko kaya toh?

" Wala! Ano bang ginagawa mo dito? Kitang naglilinis yung tao eah" pika ko ng saad, na kinangisi niya.

"Binabantayan lang kita, baka tumakas ka o kaya ay hindi mo gawin ng tama ang trabaho mo" juskolored! Ilayo niyo po sa akin ang lalaking toh at baka di ko mapigilan ang sarili ko't mapaslang ko tong bungol na toh.

"BINABANAS MO BA AKO! UMALIS KA HABANG MABAIT BAIT PA AKO, NAKOOO! " sabay bato ng sapatos ko sa kanya, nakaiwas naman ang timawa at tumakbo na humahalakhak, hustiya?

Alas dyes, paalis na sana ako nang humarang sa pinto si Wynter na may dala dalang sang katerbang damit, jusko? Anyare? Kalalaba ko lang kahapon ah? Huh! Nakakaloka.

"Bat ang dami mo na agad maruming damit? " taka kong tanong, nag shrug lang sya ng balikat na para bang sinasabing 'ewan ko' pinagkaka isahan ba ako ng magkapatid na toh?

" Pwedeng bang ipagpabukas ko na lang yan" pa-cute at nagmamaka awa kong sambit, pero wala talaga silang mga puso bess! Ayaw akong paalisin.

Todo kusot, washing, drain, sampay ako sa mga damit, although gusto ko ng maiyak. Lalabas lang naman ako eah, kung ayaw nila akong paalisin, wag naman nilang akong kawawain. Ansakit lang sa loob na baka hindi ako tumupad sa pangako.

Ayaw kong magaya sa unang taong minahal ko.

Hindi ko alam habang nagkukusot ako ng damit ay napaluha na lang ako, ansakit lang kasi sa dibdib lalo na't may naghihintay sayo ngunit parang ang tadhana na ang nagpasya, medyo OA, alam ko.

Bata pa ako ng magmahal ako, una kong minahal si Sky, isang gwapong batang lalake na may asul na mata at astigin na aura, Oo. Bata pa lang ako, pero alam ko na kung ano ako, isang mumunting serena na nagkukubli sa ilalim na kama.

Masaya, araw araw ay nakukumpleto ang aking bawat linggo kapag nakakalaro ko siya sa parke, nangako kami sa isa't isa na walang iwanan..... Hanggang sa huli.

Ngunit, kinabukasan din ay parang basag na larawan natuldukan ang pangakong iyon, magmula noon ay araw araw akong naghintay sa parke, hinihiling na mag-krus ang aming landas, ngunit hindi ako pinalad na makita pang muli si Sky.

Yun ay isang dahila, maaari kung bakit medyo naa-attrack ako kay Ice, naaalala ko sa kanya si Sky.

Alas sais ay bumuhos ng malakas ang ulan, pinipigilan man ako ng magkapatid ngunit bingi kong sinuong ang ulan, kung may mga taong kayang baliin ang pangako nila, hindi ako... Hindi ko kaya.

Nakita ko siya, si Cyan na nakaupo sa isang kahoy na upuan sa parke, basa ng ulan ang suot nyang checkered na polo, may hawak din syang lantang mga rosas at nakayuko ang kanyang ulo.

Gusto kong maiyak, ansama ko para paghintayin sya.

"Patawad... " garalgal kong bulong na dahilan upang iangat niya ang kanyang ulo.

" B-bakit k-kapa d-dumating? N-nabasa k-ka tuloy" kahit nilalamig na siya ay nag aalala parin sya sa akin, ako parin ang inaalala niya, hindi sya galit?

Mula sa bag ko ay nilabas ko ang hinanda kong mga kasuotan, pahila ko naman siyang dinala sa isang public CR, doon sya nagbihis at ako rin.

Nang nakapagbihis na kami ay pumunta kami sa isang gotohan, pina inom ko na din sya ng gamot upang iwas trangkaso. Sarap na sarap naman niyang nilantakan ang mainit na goto, napangiti naman ako dahil kahit bakas ang karangyaan sa kanyang mukha ay hindi sya matapobre at mapili sa pakain, isang bagay na labis kong hinahangaan sa kanya.

Matapos kaming kumain ay dinala ko sya sa dagat ng mga pagkain, not literally, dinala ko lang sya sa mga pwesto ng mga nagtitinda ng street foods, though first time nyang kumain dito ay hindi sya nagpatumpik tumpik at walang arte na sinubukan ang mga pagkain doon.

Nandyan yung kumain kami ng fishball, kwek kwek, isaw, betamax, at iba pa. Tawa nga ako ng tawa kasi natatakot sa umpisa itong mokong sa sisiw ng balot, pero maya maya lang eah nakatatlo na ang mokong, susme! Bilib na ako sa kanya.

Hindi pa doon natatapos ang gabi dahil pumunta kami sa isang tabing ilog malapit sa park, hawak ni Cyan ang isang plastik na may lamang pagkain at deboteng soft drinks. Habang nakaupo kami sa damuhan ay binalot kami ng payapang katahimikan. I just realize how beautiful star is, whenever it reflects on the water.

"Salamat" masayang sabi niya habang nakatingin sa malayo "Salamat kasi pumunta ka at hindi ka nangsnab, sa totoo nyan ay medyo nalungkot at disappoint ako dahil sa pag aakalang di ka sisipot, pero napawi iyon... Salamat, you completed my night"  sapay ngiti ng pamatay, gwapo ng mokong. Leche.

"Wala iyon"

Maya maya pa ay sumegway ulit ng topic si Cyan. "Cheo? Alam mo ba kung bakit umiilaw ang mga bituin?" hindi paring nakatinging tanong ni Cyan.

"Kase nag aapoy sila? Scientifically speaking " sabay takang tingin dito.

" Para kasi sa akin, they are shining because they are needed to be" sabay buntong hininga nya, ambaho! Joke! Ang bango kaya, amoy strawberry, yay! Cut muna ang lande.

"Kasi kahit mas napapansin natin yung moon, still nandyan parin ang star para maging ilaw natin, kahit iniiwan tayo minsan ng buwan, sila hindi, kahit hindi natin sila pinagtutuunan ng pansin, big things come in a small thing ika nga" sabay tingin sa akin with matching killer smile.

Napahagikgik na lang ako mga bess sabay hampas sa bumubukol niyang braso, ang hard! Pakurot, ahihihi. "Ikaw ahh! Humuhugot ka"  napailing na lang si tsong.

"Ikaw talaga Cheo, kain na lang tayo.. This is my best date ever with you"

"Best talaga, una pa lang eah" sabay tawa naming dalawa, k. Kami lang ang naka gets.

Mga alas onse na ng gabi ako naka uwe, hinatid naman ako ni Cyan for safety purpose daw, yung lalaking iyon talaga, tsk! Tsk! Pagkabukas ko ng pinto ay nakakapagtakang naroon ang magkapatid at nanonood pa ng TV.

"Bat ngayon ka lang? " seryosong tanong ni Tag lamig habang nakatingin parin sa flat screen TV

" We know you're dated with SOMEONE. But it doesn't mean that you have the rights to home in any time you want. Kasama mo kami sa bahay, kargo ka namin" naiinis na lintanya ni Ice, para namang nagpantig ang tenga ko at umusbong ang galit sa puso ko.

"Oo, sige sabihin niyong nakikitira lang ako dito, pero hindi ko kayo tatay at nanay para pagsabihan ako kung anong oras akong uuwi" galit ngunit mahinahon parin ang aking pagsasalita.

"At wala akong sinabing mag alala kayo, WAG NA WAG nyong isusumbat sa akin yan" at bago ko pa pumunta sa kwarto ay matalim ko silang tinitigan.

"At wag nyong kakalimutan na galit ako sa inyo, katulong nyo ako at amo ko kayo. Wag nyo na akong kakausapin magmula NGAYON kung hindi kailangan, intyendes? "

Barahudas.

Breaking Cold ( Prince Series) Series 2 [Editing] Where stories live. Discover now