Prologue

5.9K 150 5
                                    

Cheo's pov!

Mga masasakit at nandidiring mga tingin ang ipinupukol sa akin ng mga estudyante sa public high school kung saan ako nag-aaral, kesyo sipsip ako sa mga teacher at bakla raw ako. Napapabuntong hininga na lamang ako, hindi ko kaylangan ng mga mapanghusga't mapang api nilang komento, sapat na ang nabubuhay ako ng mag isa.

Ako si Cheo, certified beki ng ating panahon, maganda carrot! Dalhin ang sariling bangko. Ang mata ko ay parang sa kwago, ngunit sadyang dyusugh parin ako. Ang kumontra baog.

Maya maya pa ay nagtuturo na si Ma'am Leny sa harapan ng kanyang subject na Filipino, mabait at napakaunawain na guro kaya naman isa sya sa mga peyborit ko.

Habang tahimik kaming nagle-lecture ay naramdaman ko namang may nakatitig sa akin, sa paglingon ko ay naroon si Wynter, ang tinaguriang bad boy of the year, hindi mabilang na beses na napunta sa Guidance Council at Principal Office sa katarantaduhan ng lalaking yan. Pero keri lang! As long as hindi nya ako pinake kealaman, kiver!

Natapos ng matiwasay ang klase namin, habang inaayos ko ang aking mga gamit ay bigla akong kinalabit nitong mokong na toh, pero hindi sya pinansin ng ganda ko. Kiber! Oo nga at gwapo sya. Ngunit alam ng buong paaralan kung gaano katinik yan sa mga whoresome students, baka ako ng next na targetin nito! Shuta! Virgin pa kaya ako.

"Hindi mo ba talaga ako papansinin?! " galit nitong tanong sa akin habang pabalibag na hinampas ang armchair ng aking upuan.

Tinaasan ko naman sya ng kilay sabay cross arms " Baket? Artista ka? Koreano? Kpop? Kung hindi, wag ka ng umasa masasaktan lang kita. " bigla naman nya akong tiningnan na may ngising aso sa mukha. Bugok na toh.

"Di ako koreano pero gwapo ako" kingina? Nagbibiro ba sya? Tawa kayo guys "At isa pa, masyado ka ng blessed, imagine? Gwapo na ang lumalapit sayo" may halong kayabangan at angas na wika nitong kupal na toh. Grabe ang kapal ng mukha mga beh.

Sarkastiko ko naman syang nginitian "Aiy! Gwapo ka pala?" kunwaring gulat na sabi ko sabay hawak sa plat chested kung dibdib, lol. Ipagdiinan.

"Hindi ako nainform, paki remind ako mamaya, pakimessage nalang o tag sa fb" sabi ko na lang na may pilit na ngiti sa mukha

Bigla naman siyang sumimangot at pahablot na kinuha ang aking mga balikat, masama nya akong tinitigan sa mukha at taimtim na tinitigan kaya naman napaiwas ako ng tingin, beh! Malulusaw ako, sige ka.

"You know what? Your just a gay, don't waste my time. Buti pa nga at pinagkaabalahan pa kita eah" parang nagpantig ang tenga ko, is he said that? Isang pekeng ngiti ang pumorma sa aking mga labi habang nakayuko. Hindi mo alam kung sino ang kinakalaban mo.

Itinaas ko ang aking kanang kamay, at idinikit ang aking hintuturo sa kanyang dibdib, mapang akit ko naman siyang tiningnan na ikinangisi nya pa.

"Bibigay ka din pala, ang dami mong arte" isang tawang demonyo lang ang aking pinakawalan sa aking isipan. Hanggang mahawakan ko na si Jr. Ng tiningnan ko ang mukha niya, ang kaninang ngiting aso niyang ngisi ay napalitan ng sakit at pagdurusa sa pagkakasakal ng kanyang nota sa aking kamay, kingina lang?

"A-aray a-ray! Plea-please, bi-bitaw na! " maluha luha nitong pakiusap, ng makuntento na ako ay dali dali kong binitawan si Junior at patakbong nilisan ang aming silid, isang takas sa mental na tawa ang pinakawalan ko. Walang makakapigil sa akin. Bestes!

Tahimik kong ngini-ngithit ang sariwang hangin sa rooftop ng aming school building, tanaw ang maaliwalas na kalangitan ay ang walang hampay na ingay naman sa baba, mga pabebeng naglu-lunch, ang sarap pasakan ng bato sa bibig, di makakain ng hindi nagsasalita? Ganon? Kaasar ah!

Inilabas ko na sa puti kong malapit na maging black na jansport na bag ang isang lunch box na may lamang kanin, ang isang nakare-pack na lugaw na may itlog na buo , at ang tatlong piraso ng chichiryang deepsea, sa araw araw na ginawa nang diyos ay ito ang aking kinakain, ngunit labis ko na itong ipinapasalamat, dahil nakakakain ako sa sarili kong pagsisikap. Na alam ko sa sarili ko na pinaghirapan ko ang bawat butil na isinusubo ko. Akmang susubo na ako ng kanin ng may hindi magandang espirito ang gumambala sa matiwasay kong tanghalian.

"Nandito ka lang pala bakla! " napairap na lang ako, jusko! Ano nga ba ang sinisinghot ng mga kabataan at nawawalan sila ng Common sense.

" Bugok! Wala ako dito, namayapang kaluluwa ko lang toh" sarkastiko kong sabi ko sa kanya "At pwede ba, maya mo na lang ako istorbohin! Kumakain yung tao eah" walang gana kong wika.

Dahan dahan naman siyang lumapit at umupo sa sahig sa harap ko, nakita ko sa mata niya ang hindi makapaniwalang titig, na parabang nagtatanong na 'taena? Seryoso ka?'

"Pagkain pabayan? " mapanglait nitong sambit, naibalibag ko ang hawak kong kutsara at pigil emosyon ko syang tiningnan.

" Mahirap man ako Wynter, pero utang na loob, wag mo naman akong husgahan"sabay pahid ko ng luha sa mata.

"Bakla at mahirap na tao lang ako, pakiusap. Iwan mona lang ako ng mag-isa" nakayuko kong sambit. Hindi na kailangan pang ipa alala kung gaano ako kawalang kwentang tao, dahil sa araw araw kong paghinga sa mundong ginagalawan ko ay laging isinisigaw na isa akong pagkakamali. Isang sumpa.

Bigla naman niyang kinuha ang kutsara ko at kumuha ng aking pagkain. Dahan dahan niya itong sinubo at napangiti.

"Masarap pala.... K-kain tayo? " hindi ko alam ngunit kusang hinubog ng aking mga labi ang isang matamis na ngiti. Animoy nawala ang sakit sa aking dibdib.

" Sige"

Hapon at malapit ng mag uwian, mag isa kong nililinis ang delibyong iniwan ng aking kamag aral sa aming silid, mga baboy talaga oh, mga walang kusa dyusku! Tapos sila ang susi ng bayan? Pwes! Nakapad lock mga ateng, no I. D no MONEY daw hakhak!

Patungkol kay Wynter ay nabawasan ng kaunti ang kayabangan ng mokong, napalagay narin ang loob niya sa akin, ngunit nandun parin ang limitasyon, ayokong lumagpas doon.

Bigla akong nilapitan ni Ma'am Leny at isang papel ang iniabot sa akin, nakadikit sa kanyang mga labi ang tunay na kasiyahan.

"Ano po toh Ma'am? " taka kong tanong.

" Ang labis mong pinapangarap ijo"

"Your going to Naxus High..... "

Breaking Cold ( Prince Series) Series 2 [Editing] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon