Chapter 12: Elevator

Start from the beginning
                                    

"Its ok" nagsmile na lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung kailan ako kukuha ng lakas para umamin sa kanya, ayoko ng lokohin si Jason, si Glaiza na ang mahal ko.

Patuloy lang kami ni Jason sa pag-uusap hanggang matapos ang break niya. Uuwi na sana ako ng biglang tumawag si Nadine.

N: "Rhi! Puntahan mo naman ako dito, I'm kinda bored."

hindi ko alam kung dapat ba akong pupunta, sapagkat pareho lang sila ni Glaiza ng tinitirahan.

N: "Hey! Still there?"

R: "Yeah, still here."

N: "Just come here, no buts or else."

R:"fine!"

Dahil wala na akong nagawa, agad akong umuwi sa condo ko para magbihis,.

After kong nagbihis, pumunta muna ako sa isang fast food chain, para bumili ng pagkain, dahil for sure, hindi nagluto yun.

Ilan sandali lang ay nakarating na ako sa condominium. Medyo kinakabahan ako, dahil baka maligaw ako sa pintuan ni Glaiza, or worst baka makita ko pa siya. Pero kung sakali mang mangyari yun, I have to face her, I don't have a choice.

Pagpasok na pagkapasok ko palang sa loob,. Agad akong tumakbo para maabutan ko ang nakabukas na elevator, ngunit sa hindi ko inaasahan, I saw Glaiza kissing another woman. Habang pasara ng pasara ang pintuan ng elevator, agad tumulo ang mga luha ko..


GLAIZA'S POV

Dahil sa sinabi ni Rhian, hindi na ako mapakali, paulit ulit ko na lang naalala.

"I LIKE YOU"

"I LIKE YOU"

"I LIKE YOU"

Pakshet naman oh! Bakit ba ako naaapektuhan?! For sure naman niloloko niya lang ako. Pero hindi maiwasan ng puso kong maniwala sa sinasabi niya. I never felt this way before, kahit kay Solenn,. Mahal ko si Solenn, pero ngayon naguguluhan na ako.

Rhian Denise Ramos Howell, what did you do? You just rock my world without noticing.

Paalis na dapat ako ng bigla akong napadaan sa soccer field, I saw Rhian and Jason na ang sweet sweet, maybe I am right, niloloko niya lang ako. Habang pinagmamasdan ko sila, nakaramadam ako ng kirot, siguro naiinis lang ako, yun lang yun.

Pero what if kung nagseselos pala ako. Damn! This can't be. Hindi na ako nagtagal at agad na akong umalis, dahil kapag nagtagal pa ako, hindi ko na alam ang magagawa ko..

I was about to leave when my phone beep.




From: Arci

Hi sweetie? Are you free today?

Siguro kailangan ko ng company ngayon, maybe I need someone to satisfy ng needs, ayoko naman magmukahang kawawa. I am Glaiza Galura for god damn sake!

Agad akong nagreply sa kanya na pwede, at magkita na lang kami sa isang bar.

.

.

.

.

Nasa bar na ako, pero wala pa din akong Arci na nakikita. That woman, hindi naman ata ako sisiputin. Nag order na lang muna ako ng isang bote ng beer. Habang iniinom ko, tumunog ulit phone ko at si Arci ang nag txt.

From: Arci

Sweetie, I am sorry, emergency eh. Something happend. Sorry talaga, hayaan mo babawi ako. :*

A.K.A. Neerdy GIRLFRIEND (COMPLETED) Where stories live. Discover now