Chapter 49: Is this for real?

Start from the beginning
                                    

“Here drink this” sabi nia sabay na may ibinigay sya saken na tablet at baso ng tubig. Inalalayan nia ko uli sa pag-inom ng tubig kase baka mabitawan ko pa un. Nakakahiya naman sa kama nia. Mukhang bagong palit pa naman ng linen at pillow cover

Humiga na uli ako. Hindi parin nagbabago ung pakiramdam ko. Ganon at ganon parin. Grabe talaga ang lagnat. Minsan lang ako tamaan neto eh. As in sobrang dalang lang pero pag tinamaan naman ako matindi!

“Have some rest” calm na sabi ni Flynn at  hinahaplos naman nia ung buhok ko. Sarap sa pakiramdam ng ginagawa nia! Medyo hinahatak na ko ng tulog

“Sige na, gawin mo na ung gagawin mo. Okay na ko dito” ngaun ko lang narealize na nakakahiya naman ang lahat ng ‘to! Masyado ko na syang naabala

“Its okay. I have nothing to do anyways. This will help you sleep” sabi nia referring sa paghaplos ng buhok ko. At tama sya, unting-unti na nga kong nakakatulog

***

Bigla naman akong nagising kase parang mahuhulog ako. Alam nio ung mga ganong klase ng panaginip? Ung akala mo mahuhulog ka tas bigla kang magigising sa gulat? Ganon ung naranasan ko ngaun

Inikot ko ung tingin ko at nasa kwarto pa rin ako ni Flynn. Medyo madilim sa kwarto ni Flynn since nakasara ung mga kurtina sa windows nia. Nasan si Flynn?

Ganon parin ung nararamdaman ko. Ano ba ‘to? For sure nakatulog naman ako pero bakit ganito parin? Hindi man lang umayos ung pakiramdam ko? Grabe naman ‘to?

Nasan na ba si Flynn? Ang dilim kase dito sa kwarto nia at mag-isa lang ako. Ewan ko ba kung bakit ganito ako ngaun. Ayoko na mapag-isa. Kahit sana nandyan lang sya eh, ung nakikita ko sana. Pero hindi ko sya makita

Pinilit ko na tumayo para hanapin sya. Kahit na sobrang nahihilo ako eh pinilit ko parin. Baka mamaya kase nian umalis pala sya sa condo nia. Ayoko naman na mag-isa lang dito! Binuksan ko ung pinto ng kwarto nia at hinanap sya

“Yes, I know” si Flynn un ah? Sino kausap nia?

“I can’t” wala akong naririnig na sumasagot sakanya. So I’m guessing na may kausap sya sa phone?

“I already told you. I can’t leave her here” sino tinutukoy nia? Napansin ko naman na nakatayo sya at nakatingin sa sliding window nia. Dun sa may swimming pool na maganda ung view? Hindi nia pa ko nakikita since nakatalikod sya sa direksyon ko

“Yeah no shit” ewan ko ba pero sa tuwing naririnig ko si Flynn na magmura, parang nakakatakot. Pangatlong beses ko na ‘to na narinig sya magmura, at ganun parin ung epekto saken. Hindi ko kase sya lagi naririnig magmura kaya parang nakakatakot

“It’s none of your business” humarap na sya at nanlaki ung mata nia nung pagkakita nia saken. Ayan, inaatake na naman ako ng hilo ko

“Sandra? Why did you get up?” panic na tanong nia saken at nagmamadali na nilapitan ako

“Look man I’m gonna have to call you back” sabi nia dun sa kausap nia sa phone nia at nilapag un sa lamesa

“Okay na ko” sa dami-dami ng masasabi ko, bakit kabaligtaran pa ng nararamdaman ko ngaun? Tanga talaga

“No you’re not okay. Come on, get back to bed now” sabi nia at inaalalayan naman nia ko maglakad pabalik sa kwarto nia

Nakakainis naman’to! Tas aalis na naman sya pag matutulog ako? Tas mag-isa na naman ako? Wag na lang matulog nako!

“Okay na nga ko Flynn” sabi ko na naiirita

“Why are you so grumpy? You need to rest” sabi nia pagpasok namen ng kwarto nia

“Eh iiwanan mo ko eh!” parang nagulat naman ata ako sa sinabi ko sakanya. Ganito ba ko pag nagkakasakit? Kahit sya nagulat rin

“I did not leave you Sandra okay? I was just making a phone call” sabi nia at inalalayan naman nia ko umupo

“Ayokong humiga! Uupo na lang ako” pagmamaktol kong sabi. Hindi daw ako iniwan, eh bat wala sya dito sa kwarto?

Ewan ko lang ha, ewan ko lang. Pero imbis na magulat sya sa sinabi ko, natawa lang sya sa inasal ko

“Okay okay I get it” sabi nia ng natatawa parin. Eh kung inuupakan ko kaya ‘to ngaun? Naiinis na nga ko tinatawanan parin ako?!

Ako naman ang nagulat ng sumampa sya bigla sa kama. Anong balak netong taong ‘to?

“I will not leave you now this time okay? Come on, lay down here now. You need to rest” sabi nia sabay tapik sa pwesto ng hinigaan nia. At talagang humiga sya ah?

Hindi ko alam pero sumunod na lang ako sakanya na parang bata. Ano bang nangyayari saken?

Humiga ako at tumalikod sakanya. At least okay na. Basta nandyan sya, ayos na. Hindi na ko matatakot sa kwarto nia

Nagulat naman ako ng niyakap nia ko ng sobrang higpit. Syett! Kinilabutan ako! Ay hindi, mali. Kinikilabutan ako!!!!!!

"Sweet dreams" bulong nia saken habang nakayakap sya saken. Shemay!!!!

We’re cuddling!

***

Weh? May ganun? Pwes, inggit ako! Hahaha.

Gusto nio ng double update? 

Mission: Do Not Fall in Love [ONGOING]Where stories live. Discover now