Chapter 49: Is this for real?

Start from the beginning
                                    

The next thing I knew is buhat buhat na nia ko papunta kung san. Pinilit kong imulat ung mata ko para malaman kung nasan kami, pero no avail. Ang bigat-bigat na ng mata ko

“San tayo?” tinanung ko na lang sya. Sinandal ko ung ulo ko sa dibdib ni Flynn. Buhat nia kase ako na pang bridal style. And it really feels good having Flynn holding me. I feel so safe. Naramdaman ko naman na pumasok kame sa elevator

“In my condo. You badly need rest” sabi nia at hinalikan nia ko sa noo. Ewan ko ba, pero I just found myself smiling. Siniksik ko pa lalo ung ulo ko sa dibdib nia. Nakakainis lang kase kahit na may sakit ako, amoy na amoy ko parin ung kabangohan nia! Ay nako Sandra! May sakit ka na ganyan parin iniisip mo! Umayos ka nga

Narinig ko na nagting na ung elevator at naglakad na sya papasok sa condo nia. Alangan naman san pa diba?

Naramdaman ko na lang na inihiga na nia ko sa isang sobrang malambot na bagay. Grabe ang sarap naman higaan neto!

“I’ll be back okay?” sabi nia saken sabay haplos ng noo ko. Kinumutan nia naman ako ng comforter. Pinilit kong imulat ung mga mata ko

NASA KWARTO PALA AKO NI FLYNN! Tanga Sandra malamang nasa kwarto ka nia. Sa kama nga nia ikaw nakahiga eh! Alangan namang nasa bathroom ka diba? Medyo bano lang?

“Where are you going?” panic na tanong ko sakanya. Wag nia sabihing iiwanan nia ko mag-isa dito? Susme nakakatakot! May sakit pa naman ako ngaun. Malay ko ba kung may mumu dito sa condo ni Flynn? Who knows!

“I’ll just make a phone call. I’ll be really quick” ah okay medyo narelieve naman ako dun. At least nandito parin sya sa condo nia. Kala ko kase aalis sya eh

Kahit na anong sobrang lambot ng kama ni Flynn at warm ng comforter nia, I just couldn’t find myself to sleep. Nandun parin ung hilo at sakit ng ulo ko. Kaya siguro hindi ako makatulog. Dahil dun

Bumukas naman ung pinto ng kwarto nia. Sinilip ko naman kung sino ung pumasok. Malamang si Flynn. Sa likod naman nia eh isang babaeng may edad na at may dalang tray. Hala! May bisita sya?

“Eto na ba sya iho?” sabi nung babae at nilapag  sa dulo ng kama ung breakfast tray. Ewan ko kung anong nakalagay dun. Umupo naman sya sa tabi ko at hinawakan ang bewang ko. Nakatagilid kase ung posisyon ko ngaun na nakaharap sakanya. Shit! Kahit na wala ako sa huwisyo ko eh ramdam ko na para bang nakuryente ako sa ginawa nia!

“Oho” simpleng sagot naman ni Flynn dun sa babae. Sino kaya sya?

Naramdaman ko naman na may humaplos sa noo ko “Nako iho inaapoy sya ng lagnat! Sobrang init nia” sabi nung babae “Iha anong masakit sayo?” tanong nung babae saken

“Ung ulo ko po. Parang pinupukpok” ang sakit-sakit parin!

“Oh sya sumandal ka muna ng makakain ka at maka-inom ka na agad ng gamot” hindi ko alam kung kaya ko bang tumayo at isandal ang katawan ko. Sobrang umiikot na talaga ung mundo!

“Hindi ko ho alam kung kaya ko pong tumayo” sabi ko ng nanghihina. Sakit sa ulo at nahihilo. Tingnan na lang naten kung makatayo ka pa. Talagang knock out na knock out na ko

“Come on Sandra I’ll help you up. You really need to eat” wala naman na kong nagawa nung tinulungan nako ni Flynn tumayo. Dalawa sila, isa lang ako

“Ako na ho” sabi ni Flynn dun sa babae at kinuha nia ung bowl na may soup. Gaaahhh!!!! Hindi ko alam kung makakain ko yan! Feeling ko sarado sikmura ko ngaun

Pinipilit ko na hindi isuka ung mga pinapakain saken ni Flynn. Kahit na liquid lang un parang pag nasa lalamunan ko pa lang isusuka ko na

“Salamat Flynn pero ayoko na” sabi ko sabay higa. Hilong-hilo na talaga ako. Kapag hindi ko pa ‘to ihiga it will get messy in here!

Mission: Do Not Fall in Love [ONGOING]Where stories live. Discover now