Prologue

13 2 0
                                        

Sa isang araw ng puno ng saya.

Sa isang iglap at nabalot ng takot at kaba.

Nag-umpisa sa isa hanggang sa padami na ng padami ang mga biktima.

Sa pagpatay ng ilaw, sa dugo ika'y masisilaw.

[Monturia High]

"Good Morning Ma'am." Sabay-sabay na bati ng mga estudyante.

Hindi pa nakakalipas ang ilang minuto magmula nang batiin ng mga estudyante ang gurong kapapasok lamang sa kanilang silid ay biglaang namatay ang ilaw sa kanilang silid.

Ang ilan ay sumigaw, nagtilian at ang iba ay nanatiling tahimik habang pinakikiramdaman ang nangyayari. Mabilis silang pinakalma ng kanilang guro at ilang sandali pa ay muling nagbalik ang kanilang ilaw sa silid.

"AHHHHHHHHHHH!" muli nanamang nagulantang ang lahat dahil sa pagsigaw ng isa nilang kaklaseng babae habang itinuturo ang bintana sa bandang likod ng silid.

Sinundan iyon ng tingin ng iilan at pati ang guro ay tumingin din. Tila hindi maipaliwanag ang itsura nila nang makita ang itinuturo ng isa sa mga estudyante. Hindi masikmura at halos masuka-suka ang mga nakakita nito.

Kitang-kita nila ang isang lalaking sumabit sa kanilang bintana at may tali ito sa bandang leeg. Wakwak ang tyan at hindi na makilala ang mukha nito dahil sa napakaraming dugo at puno ng saksak ang bawat parte ng katawan.

Isang kahindik-hindik at makapagpataas balahibong pangyayari ang bumalot sa isang silid ng Monturia High.

"Sino nga ba ang may gawa nito?" Yan ang makapigil hiningang tanong ng mga estudyante sa paaralang Monturia High.

Lights OffStories to obsess over. Discover now