06

881K 11.6K 936
                                    

Stephanie


"Saan tayo?"

Napalingon siya nang magtanong si Paul Jake sa kaniya nang sumakay sila sa sasakyan nito. Hindi niya napigilang mapasimangot dahil tila ba nakalimutan kaagad nito na sinabi nitong ihahatid siya nito kanina.

Hinabol ito ni Clarisse kaya naman naudlot ang kanina pa dapat na pagsakay ni Paul Jake sa sasakyan. Must be the reason why he forgot that he was the one who told her that he will drive her to Sweet Desire today.

Sabi na, e. Dapat na nag-taxi na lang ako.

Tumingin sa direksiyon niya si Paul Jake nang hindi siya magsalita dahil sa inis na naramdaman niya.

"Ano? Saan tayo?" tanong nitong muli at pinili na lang niyang huminga ng malalim kaysa irapan ang lalaki dahil alam niyang mas malaking gulo kapag ginawa niya ang nasa isipan niya sa mga oras na iyon.

"Puwede bang ihatid mo na muna ako sa shop bago ka magpunta sa meeting mo?" sabi niya na lang sa lalaki sa halip na mainis dahil mukhang dahil sa pinsan nito ay nakalimutan nito kaagad ang pinag-uusapan nila wala pang sampung minuto ang nakalipas.

"I don't have a meeting, actually."

Kumunot ang noo niya dahil sa sinabing iyon ng lalaki. Malinaw naman niyang narinig ang sinabi nito kay Clarisse kanina.

"Wala?" tanong niya ulit sa lalaki na bumaling sa kaniya bago binuhay ang makina ng sasakyan nito.

"Wala."

"E, bakit–" napatikom siya ng bibig nang lumingon sa kaniya si Paul Jake. Tumango na lang siya at tumingin sa labas. Pinagmasdan na lang din niya ang mga sasakyan na kasabay nila sa daan. Naiisip niya pa rin kung ano ba ang mangyayari sa magiging kasal nila ni Paul Jake.

Alam naman niya na lahat ay nasa ayos na dahil mukhang matagal ng napag-isipan ni Lolo Rafael ang kasal na iyon. Mukhang hindi pa man nga siya pumapayag ay may wedding coordinator na itong kausap para sa kasal nila ni Paul Jake.

Bagay na hindi niya rin lubos na maunawaan dahil hindi naman nababanggit sa kaniya ng matanda ang tungkol sa bagay na iyon noon pa man. Wala itong nasasabi sa kaniya na may plano itong ipakasal siya sa apo nito.

Hindi naman din niya binababggit dito ang tungkol sa pagtangi niya sa lalaki dahil na rin sa hiya at dahil na rin alam niya naman ang lugar niya sa buhay ng mga ito. Kahit pa itinuturing siyang apo ni Lolo Rafael, alam niya naman ang lugar niya sa buhay ng mga Monteverde.

Ampon lang siya, at walang kaso sa kaniya ang bagay na iyon.

Bahagya niyang nilingon ang lalaki na kunot ang noo habang nagmamaneho. Para bang napakatagal na panahon na simula noong nakilala niya ang lalaki at bilang lamang sa dalawang kamay niya ang dami ng beses na nakita niyang ngumiti ito–hindi pa sa kaniya.

Maging siya ay hindi niya maipaliwanag sa sarili niya kung bakit nga ba ito ang nagustuhan niya kahit na napakasungit nito at palaging galit sa kaniya, marahil nga ay tama ang karamihan. Hindi matuturuan ang puso kung sino ang mamahalin nito.

"You're staring," mahinang sabi ni Paul Jake sa kaniya dahilan para mapaiwas siya kaagad ng tingin at pamulahan ng pisngi.

"S-Sorry..." tumikhim siya bago muling tumingin din sa labas. Hindi niya napansin na nakatitig na pala siya sa lalaki habang iniisip ang mga dahilan kung bakit ba siya nagkagusto rito.

Sa huli, wala pa rin naman siyang naging sagot.

"You're always sorry," he simpered. Napanguso na lang siya at muling tumingin sa labas at pinigilan na ang sarili na mapalingon sa lalaki. Ramdam niya ang lakas ng tibok ng puso niya habang nasa biyahe silang dalawa ng lalaki. Ilang dangkal lang ang layo nila sa isa't isa at kumakapit na rin sa ilong niya ang pabango ng lalaki.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 21 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Bed Warmer WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon