04

878K 11K 705
                                    

Stephanie

It was such a tiring day for her. She was happy to see Paul Jake but at the same time, she's hurt. Sa tuwing tinitignan siya ng lalaki, alam niya na may galit na kalakip iyon. Sa tuwing tumitingin ito sa kaniya, alam niyang may panghuhusga sa mga iyon.

Napailing na lang siya nang maalala ang nangyari. Hindi niya sinasadyang matapunan ito ng malamig na tubig. Hindi niya sinasadya na sa mismong kandungan nito iyon mabuhos. Her first instinct was to wipe it off... nawala sa isip niya ang posibleng mangyari dahil sa aksyon niyang iyon.

She felt his bulge and it was so embarrassing! Pulang-pula ang mukha niya dahil sa insidenteng iyon.

She wanted to say sorry for what happened, but Paul Jake wanted to leave immediately. Nang hinabol niya naman ang lalaki ay bumangga lang din siya rito at kamuntik pang mabuwal kung hindi siya maagap na nasalo nito ay baka sa sahig na siya bumagsak.

She shouldn't feel something but when she was in his arms, it felt like heaven for Stephanie. Hindi naman niya ikinakaila ang nararamdaman niya para sa lalaki kahit pa alam niyang gakit ito sa kaniya. She had a crush on Paul Jake before, kahit pa nga lagi itong nakakunot ang noo sa kaniya at masama ang tingin, hindi niya rin malaman kung bakit ba may mumunting pagtangi siyang naramdaman sa lalaki.

Kung iisipin, wala namang naipakitang maganda si Paul Jake sa kaniya noon pa man pero sadyang hindi siguro natuturuan ang puso kaya kahit na gano'n ay ito pa rin ang nagustuhan niya.

"Are you okay?" naupo si Cristine sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya. Best friend niya ito kaya kahit na hindi pa siya magsalita, madalas na alam na nito kung ano ang nasa isipan niya.

Huminga siya ng malalim bago tumingin dito.

Napasimangot din ito at sumandal sa kaniya. "You still love him?" she asked her. Kay Cristine lang naman din siya nagsasabi ng nararamdaman niya dahil hindi niya naman magagawang sabihin iyon sa mga tao sa mansion o sa mga kaibigan ni Paul Jake na naging kaibigan niya na rin, nilang dalawa ni Cristine.

"Hindi naman nawala, Cristine. I tried to forget him, but it's hard... tsaka ayaw nito, o," itinuro niya ang dibdib sa kaibigan at ngumiti ng malungkot. "Mahal ko pa rin talaga," muli siyang huminga ng malalim at tumingin sa malayo.

Cristine chuckled and let out a deep sigh, too. "I feel you, I know how it feels, sis," hinawakan nito ang kamay niya. "But, since they said if you want something go for it, we will never give up!" masiglang sabi nito. Nilingon niya naman ito at kinunutan ng noo. "I will never give up on Cupid, ikaw kay PJ. They will be ours," she smiled widely.

Siya naman ang napailing sa babae at umiling dito. "Sabi ko sa'yo, kalimutan mo na si Cupid. He's really a playboy, Cristine. Alam mo naman 'yon, minsan ang girlfriend ng lalaking iyon, tatlong araw lang ang itinatagal tapos iiwan na niya," paalala niyang muli sa kaibigan na tila wala ring naririnig na payo kapag tungkol na kay Cupid ang usapan. She's been in love with him for years already.

"Do that to PJ and I'll do the same, deal?" ngumiti pa ito sa kaniya na parang nang-aasar. Isa lang ang ibig sabihin nito, mahirap gawin ang sinasabi niya.

She rolled her eyes and looked at her again. "Sige na, huwag mo ng kalimutan. Basta nagsabi na ako sa'yo, okay? sinimangutan niya ito bago siya tumayo na rin para ayusin ang ibang mga nasa lamesa na naroon.

"See? You understand me," ngumisi ito sa kaniya. Sinimangutan niya lang ito at iniabot na lang dito ang tray na hawak niya. Nagbago na ang isip niya na huwag munang umuwi at manatili roon.

"Oo na, sige na. Mag-aayos na ako ng gamit ko, uuwi ako ng maaga ngayon," paalam niya sa kaibigan na tumango naman sa kaniya.

"Yeah, sure."

His Bed Warmer WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon