Chapter 10: Glaiza Galura

Magsimula sa umpisa
                                    

B: ok, asan ka ba ngayon?

R: Here in the parking lot, I'll wait for you.

Agad kong binaba kaagad yung telepono ko.

Ilan sandali pa lang ay andito na si Bianca.

"Ano, san mo gustong pumunta?" Tanong sa akin ni Bianca, pero san ko ba gustong pumunta? Haizt,

"I don't know, you decide na lang" sagot ko naman sa kanya.

"Pasalamat ka mahal kita kung hindi, sasagasaan kita"

"I love you too B! Halika na" dahil sa wala na siyang nagawa, umalis na lang kami.

I think ippunta nanaman niya ako sa bar..

Buti na lang at ipinunta ako ni Bianca sa bar, kailangan kong uminom ngayon, kasi hindi ko na alam ang nararamdaman ko.

I think, mahal ko na ata si Glaiza. Shet! Paano ba nangyari?

-

Glaiza's POV.

After ng class namin, syempre hindi mawawla yung pambubully nila, hindi mawawala yung pangbubuhos nila sa akin ng kung ano-ano. Hinayaan ko na lang, dahil for sure this will be the last.

Umuwi ako agad sa condo ko, para makapag-ayos.. Uuwi ako sa bahay ngayon, I need to talk to dad, kailangan by tomorrow morning, sakop ko na ang university.

After 20 minutes na byahe, nakarating na din ako sa bahay.

"Manang si Mom and Dad?" Tanong ko kay Manang Adeng.

"Ay nasa library po mam" nagpasalamat na lang ako at agad ko silang pinuntahan.

"Hi mom, hi dad." Bati ko sa kanila, nagulat naman sila dahil hindi na ako naka neerdy looks, at bigla akong bumisita sa kanila.

"Anak! Buti naman nakapasyal ka sa amin ng daddy mo, namiss ka namin! Payakap nga anak!" Grabe talaga si mom, ginagawa pa din akong baby. Hahaha.

"Mom naman eh! Btw, Mom and Dad, I need to discuss something"

"Ano yun anak? Nakabuntis ka? Magiging lolo na ba ako?" Kahit kailan talaga tong tatay ko, grabeng mag-isip.

"Dad naman eh! Its about the university" agad naman nag tingingan ang dalawa.

"Bakit anak? Anong meron" tanong sa akin ni Dad.

"Dad, I want the university will be under my control, and tomorrow, hindi na ako magiging nerd, makikilala na nila ang tunay na ako."

Ikinuwento ko sa kanila ang lahat ng nangyari sa akins a university pati na din sa pangloloko sa akin ni Rhian, at pumayag naman sila sa gusto ko.

"Anak, dito ka na magdinner, dito ka na din matulog" alok sa akin ni Mom, hindi na ako nakatanggo, because I know, kukulitin nanaman ako nito.

Naging smooth naman ang dinner namin, puno kami ng tawanan at kwentuhan. Grabe namiss ko sila.

Excited na akong matulog, dahil gusto ko ng makita ang mukha nilang lahat kapag nalaman nila ang nerd na binubully nila, ang nerd na pinagkakaisahan nila, ay siyang may ari ng University na pinapasukan nila, ewan ko na lang kung di sila magmakaawa sa akin huwag silang patalsikin. Tsk. Tsaka wala naman akong balak na magpatalsik ng kahit sino man, I want them to crush them all..

Natulog na lang ako ng mahimbing, dahil bukas magsisimula na ang lahat.

-

THIRD's POV

Lasing na lasing si Rhian, kaya hinatid na lang siya ni Bianca sa condo niya, buti na lang kilala siya ng mga tao dun, kaya madali lang sa kanya na pasukin ang condo unit ni Bianca.

"Haizt! Rhian naman! Ang sexy sexy kong tao, pagbubuhatin mo ko! Grabe ka" reklamo ni Bianca sa kaibigan niyang lasing.

Iniwan na lang niya ito at umalis na. Pero ilang sandali, nagising si Rhian, at agad itong tumayo, at nagtimpla ng kape.

"Grabe ka Rhian, ngayon ka lang naglasing dahil lang sa isang tao, at sa babae pa ah. Mahal mo na ba ha?" tanong ni Rhian sa kanyang sarili.

Napapaisip din siya kung mahal na ba niya si Glaiza,.

"Mahal ko na ba siya? Ghad!" Agad na inilabas ni Rhian ang phone niya at nagsearch.

*How do I know if I'm inlove*

Paano mo malalaman kung inlove ka na.

1. Kapag lagi mo siyang iniisip na walang kadahilanan.

2. Yung tipong lagi mong hinahanap yung matatamis niyang ngiti.

3. Masaya ka kapag kasama mo siya, at kapag naman hindi, parang kulang ang araw mo.

4. Hindi ka makatulog sa gabi kapag hindi mo siya iniisip

5. Hindi ka magsesearch ng ganito kung hindi mo siya mahal, kaya boys and girls, congrats, INLOVE KA NGA!

Hindi alam ni Rhian kung matatawa ba siya o hindi, dahil lahat ng nakalagay dun sa niresearch niya ay totoo, it means, MAHAL NA NGA NIYA SI GLAIZA.

" oh my gosh, mahal ko na nga siya! Pero paano ko siya susuyuin, galit siya sa akin. Ah bahala na, pero bago ang lahat, problemahin ko muna kung paano ako makikipagbreak kay Jason, ayoko na din, sawa na ako" agad na lang din natulog si Rhian, dahil na din sa pagod at dahil na din sa alak na nainom niya. Kailangan niya din maging ng maaga, makikilala na nila ang nag iisang anak ng mga Galura.






RHIAN'S POV

Maaga akong nagising, dahil balak kong gawaan ng breakfast si Glaiza at ipunta sa condo niya, pangsuyo ko lang sa kanya, para naman mapatawad na niya ako. After kong magluto, naligo na ako.

After a half a hour natapos na din akong maligo. Pero di ko alam kung ano ang isusuot ko, haizt.

Maybe this floral dress na lang. :)

Pagkatapos kong magbihis agad akong sumakay sa kotse ko, pupunta ako sa condi niya. Hindi naman matagal ang byahe at nakarating ako kaagad.

Buti na lang at kilala ako ng mga tao dito, kaya agad na lang akong pumunta sa unit niya.

Nakarating na ako sa unit niya, ito na nakaharap na ako sa pintuan niya, paano ko kaya siya babatiin.

"Hi Glaiza, good morning?" Hindi pangit.

"Good Morning Glaiza, ito oh breakfast" wait ang pangit din.

"Hi Glaiza, good morning, breakfast nga pla para sayo." Yan maganda na, pero sana magustuhan niya.

Ito na kakatok na ako...

WALANGYA! NAKAILANG KATOK NA AKO, PERO WALA PA DING SUMASAGOT! TULOG PA BA YUN? IMPOSSIBLE! Haizt.

Baka naman nasa school na yun, oo nga pla, nerd yun, malamang maaga yung papasok.

Hindi na ako nagdalawang isip at agad na akong pumunta sa school..

Nasa campus na ako, at lahat ng students ay nagtatakbuhan papunta sa gymnasium. Oo mga pla, darating ang nag iisang anak ng mga Galura.

Lahat na ata ng students andun na pero hindi pa din mahagip ng mga mata ko si Glaiza.

"Good Morning everyone" ito na pla si Dean, makikita na namin si Ms. Galura. For sure spoiled brat to.

"Ngayon makikilala na natin ang nag iisang anak ng mga Galura, let all welcome, Ms. Glaiza De Castro Galura" lahat ng estudyante natameme sa nakita, hindi naman ineexpect na siya pla si Glaiza Galura, at hindi ko din ineexpect na siya din pla si Glaize...









Yung Glaiza De Castro na nerd at si Glaiza Galura ay iisa, we are so dead!!!....

~




AN:

Hi guys, hehe. Salamat sa pagvovote. Sana huwag kayong magsawang basahin ang story kong to. Short UD lang to.

Next chap, will be Glaiza's Revenge, and maybe, some SPG part. So stay tuned. :)

A.K.A. Neerdy GIRLFRIEND (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon