All these years hindi ako nagpaligaw hindi dahil bitter ako sa nangyari 2 years ago kundi nag focus lang talaga ako sa studies ko. Ngayon ay 3rd year college na ako - second sem at naghahanap ng pwede pang OJT-han. Haha. If tatanungin ako if nakalimutan ko na ang feelings ko for Ivan ay hindi ko masasagot iyan siguro pagdating na lamang niya. Wala na naman siya. Last year he went to Europe to take his Masterals.

After what happened hindi pa kami nakakapag-usap dahil naging busy siya sa negosyo nila samantalang ako naman ay nagbakasyon sa Puerto Azul at kalaunan naging busy na din sa college. Na-enjoy ko talaga ang college life ko dahil na din suportado ako ni dad madalas ay tinutulungan ko siya sa bar niya. Minsan nga naiisip ko masaya pala ako kahit wala si Ivan. I don't know. Ayokong magsalita ng tapos na wala na akong feelings for him. Bahala na.

"HAPPY BIRTHDAY JA!" halos mapalundag ako ng sabay sabay nila akong batiin. Hindi ako nagpa-organize ng debut party dahil na rin hindi naman ako mahilig sa mga sosyalan kaya naman hinayaan ko na silang mag organize for me. Haha.

Napanganga ako ng makita ko ang mga college and high school friends pati na din sina Elaine, Yvette and Yvonne. Narito kami ngayon sa isang bar. First time ko palang napunta sa bar na ito at mukhang kakabukas lamang nito.

"Happy Birthday ulit Ja kahit limang beses na ata kitang binabati ngayong araw na'to pwera pa sa FB. Haha. Here's your daddy’s gift for you." natatawang sabi ni Nate habang inaabot sa akin ang isang susi. Nangunot ang noo ko ng makita ang tatlong magkakaibang susi. Hindi naman ito susi ng kotse or ng condo. Nagtataka kong tinignan si Nate kaya naman ngumisi lang siya.

"Sa iyo ang bar na'to Ja! Haha. Saka ka nalang daw mag thank you pag nakauwi na sila galing Thailand." halos maitumba ko si Nate ng yakapin ko siya at sabay kaming nagtatalon. I can't believe it! Dad's right! Binigyan niya nga ako ng sariling bar kung saan ako ang magiging barista and may time ako mag practice sa flairing and cocktail mixing! Gosh!

"Thank you parents!" para akong batang nagtatalon dahil sa labis na tuwa at hinalik-halikan ko pa ang susi. Sana makauwi na sila mommy and daddy galing sa honeymoon nila. Hahaha. I bet if mabubuntis pa si mommy e 42 years old na siya.

"Wala pa nga palang pangalan 'tong bar mo girl. May idea ka na ba?" tanong sa akin ni Elaine.

"Uhmmm?" wala akong maisip! Hindi ko naman alam na totohanin pala ni daddy yung biro ko sa kanya. Grabe! Hindi pa din talaga ako makapaniwala.

"Virgin's Bar." bored na suggestion ni Yvette. Ugh! Hindi na lang namin siya pinansin pa kasi alam namin na masisira lang ang gabi namin if pag-aaksayahan pa namin siya ng oras. Yvette!! Grr.

"Any idea Ja?" tanong pa ni Nate. Sumasakit ata ang ulo ko! Haha.

"Ah! Heaven's Club." finally I answered.

"HAHAHAHA! Wtf! Mas malala pa yang naisip mo! It's so baduy!" mapanuyang komento ni Yvette. Seriously, wala ba talaga siyang magandang sasabihin?!! Kairita!

"Tumigil ka na nga Yvette hindi ka na nakakatuwa. Ugh! Don't mind her Ja if yan ang gusto mo why not! Catchy name huh? C'mon igawa mo naman kami ng 13 Hell Shots." aakbayan na sana ako ni Elaine ng parehas kaming mabigla sa sumunod na ginawa ni Nate. Hinawakan niya ang kamay ko! As in holding hands!

"Uh-oh." iniripan ko na lamang si Yvette na mang-aasar na naman.

Hindi ko na pinansin pa yung paghawak ni Nate sa kamay ko. Wala lang naman yun at saka sobrang laki ng part niya kung bakit masaya at kuntento ako ngayon sa kung ano ang mayroon ako. Lagi siyang nasa tabi lalo na pag may assignment ako na related sa Math! Hahaha. Kidding aside, lagi siyang nariyan para sa akin na sobrang komportable ako pag nariyan siya. Minsan nga napapaisip ako na 'baka may ma-develop' at alam ko iyon din ang iniisip ng iba lalo na ng parents namin.

TVFN 6 : Between The SheetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon