"Janine, bata ka pa hindi tayo pwede. Naiintindihan mo ba ako? S-siguro crush or paghanga lang yang nararamdaman mo para sa akin. Hmm?" ngumiti nalang ako at tumango kahit na ang sakit sakit na!

"Pag 18 na ako pwede na tayo diba? Bibigyan mo na ako ng chance. Hindi na ako bata para sa iyo nun diba?" kahit na mukha na talaga akong tanga ay buong pag-asa pa din akong sumugal baka kasi makalusot. Umaasa ako na tatango siya at ngingiti pero malungkot lang siyang yumuko.

"You will always be my Little Girl, Champagne." napaiyak na naman ako pero pinilit ko uli tumingin sa kanya at ngumiti.

"Sinabi ko lang naman na mahal kita e. Hehe. Hindi naman ako umasa talaga. Tandaan mo Ivan sa oras na dumating ako sa right age sisiguraduhin ko hindi na ako ang Little Girl mo." hindi ko na siya hinintay pang magsalita dahil ayoko na ulit marinig pa lahat ng sasabihin niya. Aba tama na yung mga natanggap ko!!

Taas noo akong naglakad pabalik sa mall na para bang walang nangyari. Atat kasi ako. Siyempre nga naman hindi niya talaga ako magugustuhan. Pero sa sandali na magdalaga na talaga ako humanda ka Ivan Clar Ronquillo. Tayo ang magkakatuluyan! Dimaguiba ata middle name ko. Hindi talaga magigiba ang nararadaman ko para sa iyo. Boobs? Tss. Magkakaron din ako niyan!

Nang makarating sa Jolibee ay naroon si Nate na masama ang tingin sa akin agad kong itinago yung lungkot sa mga mata at matamis na ngumiti sa kanya.

"At saan ka ba galing Champagne Janine? Tama bang iwan mo ang kadate mo?" seryoso niyang tanong sa akin kaya naman napangiwi ako.

"May nakita lang kasi ako diyan sa bookstore. Hehe. Sorry na po Manong!" pang-aasar ko sa kanya.

"Tss. Kumain na nga tayo." huminga muna ako ng malalim bago ngumiti ulit.

Hay. Ang hirap palang itago na nasasaktan ka pero hindi ko naman kayang sabihin kahit kanino itong katangahan ko kasi ilang beses na nila akong pinagsabihan. Sa college mag-aaral akong mabuti, ibubuhos ko ang lahat sa studies para hindi ako mainip sa time. Gusto ko magugulat nalang ako na dalaga na pala talaga ako, na nagmature na ako. Ang gusto ko mabibigla na lang ang lahat kasi I've grown up a lot.

Hindi ako magmamadali katulad ng ginawa ko ngayon kasi alam ko magiging sakin din si Ivan. Gagawin ko naman ang lahat para magustuhan niya ako. Sa ngayon siguro kailangan ko munang mag lie low.

***

After 2 years

"Wait! Saan niyo ba ako dadalhin?! Nate naman!" I shouldn't have been surprised na may ganito silang pakulo coz it's my 18th birthday.

"Sumama ka nalang kasi Ja! Haha." natatawa niyang utos habang inaalalayan ako.

Ano naman kaya ang pakulo ng Nathaniel na ito? Ugh! Kanina lang sa school binigyan niya ako ng isang boquet ng red flowers sa mismong room namin! Nakakahiya sobra sa mga kaklase ko lalo na noong sinimulan na nila kaming tuksuhin. These past few days ang daming pakulo ni Nate. It's kinda weird!

Ang bilis rin ng panahon kung dati rati neneng nene pa ako ngayon isa na akong ganap na dalaga. Marami na din naman na nagsabi na malaki na ang pinagbago ko. Dapat lang! Haha. Kung dati ay 5'2 lang ang height ko ngayon ay 5'5 na. Yeah. Mas lalong kuminis ang mala labanos kong balat at nagkaroon na rin ng curves ang katawan ko salamat sa sapilitang pagpapasexy sa akin ni mommy.

Torture magpaganda pag si mommy ang pasimuno! Kung dati ay pinapagalitan niya ako pag nag mmake up ngayon naman ay sapilitan pa. Haha. Dalaga na daw ako so dapat daw matuto na akong mag-ayos ng maligawan na daw ako. Ugh!

TVFN 6 : Between The SheetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon