Chapter 35

5.9K 182 4
                                    

Chapter 35


Paglabas ni Maxwell sa kwarto ni Migz, dumiretso siya sa parents niya. Niyakap siya ng mama niya at tinapik siya sa balikat ng papa niya. Nilingon nila kong tatlo at tipid na ngumiti sakin ang mama niya.


Bumaling ako kay Migz. Hinaplos ko ang ulo niya at hinalikan ang noo niya. "Migz wake up." pagod kong bulong sakaniya. "Nandito sila tita't tito at si Max, sobrang nag-aalala na sila sayo."


Tiningnan ko mukha niya. Marahan kong hinaplos ang pisngi niya. God please heal Migz. Hinaplos ko ang kamay niya at marahan tong pinisil. 


God sorry sa lahat ng kasalanan ko, sorry kung hindi ako naging mabuting tao pero sana naman pakinggan niyo yung hiling ko. Papa God pagalingin niyo po si Migz, ang dami na po niyang napagdaanang hirap, parang awa niyo na po pagalingin niyo na po siya.


Pinalis ko ang tumulong luha sa pisngi ko. Hindi pwedeng marinig ni Migz na naiyak ako. Alam ko na kahit nakapikit yung mata niya at mahina ang katawan niya, naririnig niya kami. Kailangan maging malakas ako para sakaniya.


"Migz you said you love me, you said you want to be my husband and the father of my child. How can you fulfill your promises if you're sleeping there helplessly. Wake up now sweety, please wake up for me." Pinalis kong muli ang tumulong luha sa pisngi ko. Deym, tears. Pagod kong dinikit ang noo ko sa kamay niya habang hawak ko ito. "I love you Migz, I love you so much, I can't bear losing you."


Hindi ko napigilan ang luha kong kusang tumutulo sa pisngi ko. I bit my lower lip to stop myself from sobbing. I don't want him to hear me but I just can't keep my emotion. Marahang haplos ang naramdaman ko sa balikat ko.


"Lau let's go outside, take a rest first." ani Maxwell. Ayaw kong umalis, ayaw kong umalis sa tabi ni Migz, gusto ko na siyang gumising, gusto ko na siyang magkamalay, gusto ko na siyang mayakap. "Lau please, you're tired, you need a rest." 


Dinampian ko ng marahan na halik ang kamay ni Migz bago nagpatianod kay Maxwell.


"Are you going to leave me again sweety?" pagod na boses ang umalingawngaw sa buong kwarto. Napatigil kaming dalawa ni Maxwell at nanghihina akong lumingon. "Are....you going to leave me...for good?"


Ang mga luhang pinipigilan ko ay naghahabulan ngayon sa pagbagsak. Natutop ko ang bibig ko. "Oh my God." 


Si Maxwell ay naglakad na patungo sa kama ni Migz at pinindot niya ang emergency button para tumawag ng doctor. Hinaplos niya ang ulo ni Migz at dinampian ng halik ang noo nito. "Welcome back bro." 


Pagod na ngumiti si Migz. "Namiss ko kayo kuya." For the first time tinawag ni Migz na kuya si Max. 


Nilingon ako ni Migz. "Aren't you happy to see me awake Lau?" natatawa niyang saad pero bakas ang lungkot sa boses niya. 


Mabibigat ang paa kong naglakad patungo kay Migz. Pagod niyang inangat ang kamay niya, inaantay akong makalapit sakaniya. 


Agad ko siyang niyakap pero lumayo din matapos niyang dumaing. "I'm sorry, I'm sorry." nataranta ako at binalik ang oxygen mask sakaniya. 


"I'm...I'm fine Lau." pagod niyang saad. "I heard your voice, I felt your kiss. Thanks for waking me up Lau." Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko.


Gusto ko pa sanang magsalita kaso dumating na ang mga doctor at nurse ni Migz para tingnan ang kalagayan niya. He's awake but we're not sure if he's okay now. 


"We need to go out bro. The doctors should check you first." ani Max at hinawakan na ang siko ko para igiya palabas. 


Marahang tumango si Migz at binalingan na ang mga doctor na tinitingnan ang kalagayan niya. Paglabas namin ay agad akong niyakap ng mama niya. 


"I know na hindi maganda yung pagkakakilala niyo at maraming nangyaring hindi maganda sainyo pero thanks for staying at his side at times na hinang hina siya." ani Tita Chynna. "He loved you so much Lau. You're his strength and his weakness as well. If you still love my child, we will support the both of you." aniya at mahigpit akong niyakap.


Nilingon ko si Max na palabas na ng kwarto kung saan kami nagiistay. I still have unfinish business with Max. I owe him a lot and I can't just leave him hanging. "You go talk to Max hija, he's hurting but you know how much he loves you. Max can do everything for the sake of your happiness even if it means hurting him."

The Modern Maria ClaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon