84: The Womanizer (Troy's special chap)

Magsimula sa umpisa
                                    

Kinuha niya 'yong phone niya. Sino naman kaya 'yong tumatawag sa kanya? May girlfriend na kaya siya?

"Yoboseyo, Jaycee Noona! Uuwi na rin kami bukas. All right, I'll update you, alam mo namang hindi ko kayang suwayin 'yong utos mo. Haha! Sige, bye."

Nag-replay sa utak ko 'yong sinabi niya. "Hindi ko kayang suwayin 'yong utos mo."

Biglang umilaw 'yong light bulb sa ulo ko. Wahaha! Alam ko na. Si Jaycee ang susi sa problema ko. Kaso hindi na kami in good terms ni Jaycee. Huwag na lang kaya?

"I'll go now, Hyong. Maghahanap ako ng chicks dito para hindi na ako lonely."

"Jayshin, kahit kaunti ba, hindi ka nagandahan kay Tammy?"

Parang hindi siya makapaniwala sa tanong ko. "Sorry, Hyong, she's not my type, so don't push it." Umalis siya agad. Loko talaga 'yon.

Hinanda ko na agad 'yong sarili ko habang pabalik ako kay Tammy. Magwawala na naman 'yon. Ang kulit niya kasi, e, sabi nang ayaw talaga sa kanya ni Jayshin. Kaso bakit parang ramdam kong may something din naman si Jayshin kay Tammy, love kaya 'yon o hate? Siguro hate. Wahaha!

"So hindi siya pumayag, am I right?" Aba, hindi siya nagwala tsaka bakit gano'n? Parang naawa ako kay Tammy. Parang pasan niya 'yong mundo. Kawawa naman ang little sister ko. Truth hurts talaga, e.

"Kuya, please set me and Jayshin on a date, kapag hindi nag-work out, lulubayan ko na siya."

Wow, ha? Marunong din pala siyang sumuko. Parang gusto ko na tuloy gawin 'yong naiisip ko. Gusto ko na kasi siyang tumigil sa paghahabol niya kay Jayshin, nagmumukha siyang tanga, e. Napakarami naman kasing lalaki riyan, doon pa siya nagkagusto sa ayaw sa kanya.

"Please? Hindi na rin kita kukulitin palagi tapos magiging mabait na ako kay Ate Tiffany."

Okay, sige. Gagawin ko na talaga. Aba, magiging mabait na raw siya kay boo. Nagselos kasi siya dati kay Tiffany dahil sinabihan ni Jayshin si boo na ang sexy niya. Simula noon, nagmaldita na siya kay Tiffany.

"Oo na, ako nang bahala ro'n."

Niyakap niya ako. "Thanks, Kuya! I love you."

Ginulo-gulo ko 'yong buhok niya. Maldita lang talaga siya pero mabait pa rin naman siya tsaka sweet kapag walang topak. "I love you too, little sis."

Pumunta muna ako sa kwarto ko, I needed to talk to Jaycee. Hindi siya sinusuway ni Jayshin kaya paniguradong kapag siya 'yong nagsabi, susunod 'yong kapatid niya. Kinabahan akong kausapin ulit siya pero ayos na rin para maging okay na kaming dalawa.

Tinawagan ko siya, sinagot naman niya kaagad 'yong tawag ko.

"Hello?"

"Jaycee, ako 'to, si Troy."

Nagulat siguro siya na tumawag ako kasi ang tagal bago siya nagsalita ulit.

"Ikaw pala, Troy. Kumusta? Bakit napatawag ka?"

"Ayos lang ako, ikaw? Napatawag lang ako para humingi sana ng maliit na favor." Sana pumayag siya.

"Anong favor naman 'yon?"

"Can you make Jayshin agree to the date I will set up for him and Tammy? Alam ko namang hindi ka niya mahihindian, e."

"Kailan ka pa naging Mr. Kupido? Haha!" Nang-asar pa, wala pa rin siyang pinagbago. "Sige, I'll make sure na papayag si Jayshin." Ayos, solved na 'yong problema ko.

"Salamat, Jaycee."

"Wala 'yon, para sa 'yo."

Bigla kaming natahimik. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Medyo nakakailang na, hindi na talaga katulad ng dati. Ie-end ko na sana 'yong call pero nagsalita ulit siya.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon