44: Slow Motion

3.5M 86.6K 46.9K
                                    

"Good morning, Candice."

Pagmulat ko ng mga mata ko, nakita ko sina Troy, Ginno at Six. Waaaah! Bagong gising pa lang ako, nakatingin pa sila sa 'kin. Kumusta naman 'yong hitsura ko? Baka mamaya, may panis na laway pa ako. Bakit nandito na sila? Ang aga-aga pa, e.

"Hello! Bagong gising po ako. Pwedeng mag-ready muna ako?"

"Tanghali ka na kasing nagising! Cute ka pa rin naman, e. Sige, hinatayin ka na lang namin sa baba, ah."

Bumaba sila nang tumatawa. Pambihira naman, o! Next time nga, maglo-lock na ako ng kwarto ko. Silang tatlo lang? Wala si Jeydon? Hmp. Tsaka anong oras na ba? OMG! Tanghali na nga.

Naghilamos agad ako tapos bumaba na ako. Pumunta muna ako sa kusina para batiin sina Mama at Yaya. Pinakain na rin nila ako ng lunch. Si Kuya Charles as usual, tulog pa. Tulog-mantika din 'yon, e.

Pumunta na ako sa sala at nakita ko silang tatlong nag-uusap tapos kumakain ng brownies. Nagutom ako bigla kaya tumabi ako kay Troy tapos kumuha agad ako ng brownies ni Mama. Tanghali na pala akong nagising. Ang dami ko kasing inisip kagabi, e.

"So ano na palang gagawin natin?"

"Backstreet Boys medley. Ayos ba?" sabi ni Ginno.

"Paano 'yon?"

"Tatlong song, una muna 'yong "Shape of My Heart," next "I want It That Way" tapos kaunting "As Long as You Love Me." Sasayaw kami, tapos magse-second voice din kami." Wow, ha? Talagang planado niya 'yong gagawin namin.

"Basta, kakanta lang ako, ah!" Huwag nila akong papasayawin, ha? Hindi ako marunong, e.

"Oo, wala na rin naman tayong time mag-practice kasi bukas na 'yong Miss Campus. Huwag kang mag-alala, maganda pa rin ang kakalabasan nito. Haha!" Hindi ko alam kung magtitiwala ba ako sa tawa ni Troy pero alam ko namang hindi nila ako ipapahamak. Ha! Subukan lang nila.

Nag-start na kami ng practice, kailangan matapos namin 'yon sa araw na 'yon kasi bukas na 'yong pageant. Pinakanta muna ako ni Ginno. Nakakahiya nga lang, kasi hindi ko alam kung maganda ba 'yong boses ko o hindi. Kung mamalasin nga naman, nagising na 'yong asungot kong Kuya. Noong nakita niya akong kumakanta, tumawa agad siya.

"Hay, naku! Sa boses mo pa lang, talo ka na! Tsk, tsk. Ang pangit!"

"Alam mo, hindi ka naman nakakatulong, e, kaya umalis ka na. Baka gusto mong papuntahin ko pa rito si Ate Serina?"

"Si Serina nandito na?"

Sumama 'yong tingin sa 'kin ni Kuya. Hindi pa ba niya sinasabi kina Troy? Ops. Sorry naman.

"Wala 'yon! Sige, mag-practice na kayo."

'Yon, o! Sabi na nga ba, si Ate Serina lang ang katapat niya, e. Wahaha! Napakamot-ulo na lang tuloy si Troy.

"Okay na 'yan, Candice. Maganda naman 'yong boses mo, e. Ngayon naman, magpa-practice na kami ng sayaw." Buti pa si Ginno, marunong tumingin kung ano 'yong magandang boses.

"Paano si Jeydon? Hindi ba siya pupunta?" tanong ni Six.

"Hindi ko alam, e. Troy, may sakit pa rin ba si Jeydon?"

"Hindi ko alam, e. Basta nag-text na ako sa kanya kanina na may practice tayo ngayon ng sayaw."

"Kailangan natin siya, e."

"Hayaan n'yo na, practice na lang tayo."

Nag-practice nga sila kahit wala si Jeydon. May sakit pa ba siya? Noong umalis naman ako kahapon, hindi na gaanong mataas 'yong lagnat niya. Ano kayang nangyari ro'n? Baka naman tinamad? Tss, kupal talaga.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon