Chapter 7: Kathrina

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hayaan mo ba yun, tapos na yun eh. Sige na tumahimik ka na. Anjan na si Ma'am Pangaliban"

Pumasok na si Angelica na may kasamang magada, sexy na babae. Nagulat naman ang mga kalalakihan dahil may bagong maganda nanaman sa school nila pati sa klase, pero si Glaiza, nabwisit sa nakita niya.

"Good morning class, today may bago kayong kaklase, let us welcome, your new classmate,"

Agad pumunta yung babae sa harap at nagpakilala.

"Hi, Im Kathrina Halili. Galing ako ng Europe. Btw Kath na lang for short." Biglang nagulat si Rhian ng marinig yung "Kath" at agad itong tumingin kay Glaiza na ang sama ng tingin kay Kathrina,

Lumapit si Kath sa kinauupuan nila Rhian at Glaiza,

"Hoy! Babae! Ano yang mukha mo? Glaiza tao ka pa ba?"Biglang sumigaw si Kathrina at natawa naman ang mga kaklase nito.

"Pwede ba Kath, shut up for once? Ang ingay mo eh?! Pwede ba yun. Kasi kung hindi tatakpan ko yang bibig mo"sigaw ni Glaiza kay Kathrina, nagulat din ang iba dahil magkakilala pala sila.

"Oo ba, basta labi mo ang tatakpan ng bibig ko"pagseseduce nito kay Glaiza. At hindi naman yun nakaligtas sa pandinig ni Rhian.

"Pwede naman kasi ako Glai, kalimutan mo na yung Solenn na yun, wala kang mapapala dun eh!" Pagtataray ng babae sa kanya.

Hindi na sumagot at umalis na lang si Glaiza..

Si Rhian naman at ang mga kaklase niya ay gulat na gulat sa narinig. Dahil hindi nila akalain na ang nerd na yun ay isa pa lang lesbian.

RHIAN's POV

Lahat kami nagulat sa nangyari kanina, lesbian nga pla talaga si Glaiza, tama nga yung hinala ko, kaya pala masarap humalik eh. What?! Seryoso Rhian, yung halik talaga ang una mong naalala? My gosh..

Buong klase hindi nanaman pumasok si Glaiza at ito namang Kath na to, ang sama ng tingin sa akin, hindi ko alam kung bakit,. Nagseselos kaya to, kasi magkasama kami ni Glaiza? O baka naman naiinis kasi mas maganda at sexy ako sa kanya? Pero nevermind, hayaan ko na lang, wala naman akong mapapala eh.

Sa gitna ng klase namin, biglang pumasok si Ortaleza.

"Good Morning Ms. Smith"sabay ngumiti ito. Agad din siyang nagsalita. At lumapit sa kinaroroonan ni Kath.

"Hoy Kath, sumama ka sa akin, ang laki ng kasalanan mo kay Glaiza ah. Naku talaga, ihahampas ko tong sapatos ko sayo. Halika na! Nasa rooftop siya" sabi ni Chynna sa kanya.

So nasa rooftop pala si Glaiza, pero paano siya nakapasok dun eh, laging nakalock yun, walang ibang nakakapasok dun, kahit ako at si Jason, never nakapunta dun. Ano ba talagang meron sayo De Castro? Gaano ka ba talaga kaimpluwensiya?

Natapos din agad ang klase namin kay Ms. Smith, at pinuntahan ko agad si Jason.

"Hi babe, how's your day?"Tanong ko sa kanya, paano ba naman kasi, ilang araw na kaming hindi nakakasama.

"Ok naman babe, panira lang talaga yung nerd na yun, si Glaiza ba yun?!"halata sa boses niya na bwisit na bwisit siya.

"Bakit, ano bang nangyari? Naku Jason, sinasabi ko sayo, di pa ako tapos sa kanya!" Pero sa totoo niyan parang ayoko ng ituloy yung balak ko,. Parang naawa ako na ewan. Basta. I can't explain.

"Nadean kami kanina eh. Pero babe hayaan mo na, malapit naman na matapos tong first sem, magagawa na natin yung gusto natin sa kanya. Hahaha"hindi na ako sumagot at ngumiti na lang sa kanya.

Buong araw kong kasama si Jason, himala nga eh. Wala siyang practice ngayon, super duper ko din siyang namiss,. Habang naglalakad kami sa hallway, nakita namin si Glaiza na sinusundan nila Kath at Chyns. Ano kayang nangyari dun, at mukhang inis na inis.

A.K.A. Neerdy GIRLFRIEND (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon