Chapter 5: Rooftop

Start from the beginning
                                    

"What is this?" 

"Your key to your condo. Alam naman namin ng mommy mo na gusto mong maging independent. Kaya ayan, binilhan ka na namin ng condo unit, para naman kapag gusto mong mang uwi ng ano" sabay taas ng kilas. Grabe talaga to. 

"Whatever you say dad. Sige, mag iimpake na ako. Pinapaalis niyo na ata ako eh. Hahaha"

"Halata ba anak? Hahaha!"Kahit kailan tong tatay ko, loko loko.

"DAD!!!!!"

"Joke, syempre love na love kita, kahit chicks ang hanap mo, ikaw pa din ang nag iisang kong prinsesa"

"Ofcourse dad, I will always be your princess" sabay hug sa kanya. 

Umalis na ako at pumunta sa kwarto ko, para mag impake na din, buti na lang talaga di pa ako masadong nakakaayos.

While Im packing, biglang pumasok si Mom.

"Oh anak, mag ingat ka dun ah. And if you need anything, just call us. Ok?" Paalala sa akin ni mom

"Oo naman po. Ako pa ba? Hahaha"

"Btw, kamusta kayo ni Gel? Sigurado ako, pikon na pikon ka nanaman sa pinsan mo, hahaha" she knows me to well. 

" sobra ma, nakakadagdag ng stress. Pero ok na din yun. Para may maasar asar ako kapag wala si chyns. Balita ko, may office siya, kaya kapag gusto kong tumambay. I can."

"Yeah. Haha! Sige na, mag ayos ka na, ihahatid ka na lang namin ng daddy mo sa condo mo,"

Gabi na din ako natapos na mag impake. Agad na din akong bumaba, dahil ihahatid ako.

Then after 20 minutes nakarating na ako. Hindi na ako hinatid unit ko, dun na lang sa may lobby.. Pasakay na ako ng elevator, and my room is 218. 21th floor. 

Sa wakas, makikita ko na yung unit ko. Marami din plang nakatira dito..

Nakapasok na ako sa unit ko, wow, ang laki, ang ganda ng view sa taas. Mom and Dad really know me so much. Kaya mahal na mahal ko yung mga yun eh. 

Nilibot ko muna ang unit ko, bago ako mag ayos ng mga gamit ko. Meron itong 2 bedrooms, may mini bar, sakto lang ang living room and dining room. And yung ref, punong puno, pati beer meron. Supportive talaga ng parents ko.

10 PM na akong natapos mag impake, sa sususnod ko na lang lalagayan ng kung ano ano tong condo ko, sa ngayon sa steady muna..

Gumising ako ng maaga, para makapagready na sa school, syempre nerd looks pa din. Hahaha. After ng morning session ko. Agad na akong lumabas, pero bigla kong nakita si Rhian, with someone, parang kapatid niya, kamukha niya eh.

Nang makita ko siya, agad ko siyang nilapitan.

"Good morning Rhian!" halata na nagulat ito.

"Hey, Glaiza, what are you doing here? Are you stalking me? Haha" wow, feeling din to nuh.

"Me? Stalking you? In your dreams. Haha. Dito ako nakatira sa unit 218, eh ikaw, dito ka din ba nakatira?"

"Nope, but my sister is." Sabay smile sa akin, hay naku hahalikan ko to eh.

Sabay na kaming pumasok ng elevator, at kaming dalawa lang.

"So, marami ba kayong ginawa kahapon?" Basag ko ng katahimikan

"Di naman, more on discussion lang. Ah. Glaiza, can I ask a favor?" Ano naman kaya ang gusto nito.

"Ano yun, basta kaya ko, no worries."

"Pwede bang itutor mo ako? Pleaseeeee,." Tutor, tapos kokopya? Haizt.

"Sure, walang problema" 

A.K.A. Neerdy GIRLFRIEND (COMPLETED) Where stories live. Discover now