Meet the Prince~Chapter 12 - The Three Prince

Start from the beginning
                                    

Chad happens to be the offspring of socialite Venice Brandon-Villanueva. Isang napaka-elegant & glamorous socialite, and Cong. Raymond Villanueva, isang Congressman. He doesn't live with them. He's a blacksheep diba? He lives on his own dahil di niya daw kayang makisama sa Papa niya na "corrupt" and Mama niya na pinipigilan siya sa pagsali sa mga movements. Yes, movements, oo, salbahe si Chad... pero, supporter siya ng Gabriella. Samahan ng mga kababaihan. Pero kung itrato niya ako kanina, parang hindi ako babae. Bakit? Dahil para sa kanya ang mga kabit, starlet, sexystar, boldstar, GRO, atbp. ay hindi mako-considered bilang tao. Nasa classification sila ng mga hayop. Oo, hayop. Ang tinutulungan niya lang daw ay mga taong gustong tulungan ang kanilang sarili at kinamumuhian niya ng husto, yung mga taong mismong magsasadlak sa kanilang sarili sa putik.

So that explains everything, the reason kaya siya na-spell from previous universities na pinasukan niya. The reason kung bakit galit na galit siya sa akin ngayon.

Ang sakit! Ang sakit-sakit!

Sa sobrang sakit parang wala na akong maramdaman.

Manhid na ang aking pakiramdam.

"Tumayo ka nga d'yan!"

Tumingala ako para tingnan kung sino ang nagsalita. Nakita kong inaabot sa akin ni Marcus ang kanyang mga kamay.

Pero imbes na abutin, tiningnan ko lang siya.

"Ay! Ayaw tumayo! Ano ka teh! Nasarapan?"

Natawa tuloy ako sa sinabi niya, kaya tumayo na lang ako.

"Uy! Di ako nasarapan noh! Try mo kayang sumubsob ng ganun, tingnan na lang natin kung masarapan ka!" pagtataray ko sa kanya, nakita ko na lang na ngumiti siya. At lumabas ang kanyang mga dimples. Mokong talaga 'tong classmate kong ito. Parang sperm.

Tingin pa lang nakaka-buntis na.

Hay, dyusko! Kung iko-compare mo siya kay Chad, lamang si Chad ng sampung paligo. Angelic ang face ni Chad. Anak pa siya ng socialite na si Venice & Cong. Raymond. He's so popular. A bad boy for a good cause. Kaya maraming girls ang naa-attract sa kanya. Smile niya pa lang, laglag na obaryo mo. Malakas ang kanyang dating. Si Marcus naman, opposite ni Chad. Mr. Good Boy. Lahat ng mga bagay na ginagawa niya, laging tama, laging nasa rules, sobrang galang, sobrang bait, sobrang sipag, tapos, puro girls pa ang kasama niya. Kung magsalita siya parang bakla, kaya siya natsi-tsismis na beki eh. Kaya kahit siya pa ang celebrity, kahit siya pa ang singer-dancer, si Chad pa rin ang sikat dito sa campus. Hindi naa-attract ang babae sa kanya kasi he's old faashioned & super nice.

Pero, ang hindi alam ng mga girls dito sa campus, malaking bagay ang pinapakawalan nila sa tuwing ini-ignore nila si Marcus, at pinipili nila si Chad.

Because when you look at Marcus closely....

He had oozing sex appeal na hindi alam ng iba.....

Pag lumalabas ang dimple niya...

Hankyut!

Hankyut talaga ng friend kong 'to oo...

Parang sperm cell talaga oh.. buntis na buntis na ako sa tingin dito eh...

"Tigilan mo na kasi si Chad. Wala kang mapapala d'yan noh!" sabay batok sa aking sabi ni Marcus.

"Masasaktan ka lang."

"Hmm... pero siya ang dark knight ko." sagot ko nang ganun.

"Dark Knight mong mukha mo.. baka darkness.. ang lantod mo talaga!" ayun na naman, binatukan na naman ako.

Three Grooms and IWhere stories live. Discover now