Three Grooms and I~ 62

131 7 1
                                    

“Jema,” sambit ni Toinette ng bigla itong huminto.

Si Jema naman ay luminga linga. At hinanap kung sino ang tumawag sa kanya.

Lumingon sya?

“Kit!”

“Wait Toinette, may,”

“Paranoid ka na Jema. Walang tumatawag sa iyo. Jema? Jema!” sabi pa ni Toinette kay Jema na hinahanap kung saan ngmula yung tinig. Nakita nya yung batang babae at hinabol nya iyon.

Ngunit mabilis tumakbo yung bata kaya hindi sya naabutan ni Jema. She came back to Toinette.

“Why are you worrying to much Jema?”

“Pero, pero tinawag nya akong Kit. Hindi kaya,”

“Wag kang masyadong paranoid Jems, ikaw si Jema, hindi ka na si Kit.”

So it’s confirmed.

~~~~~

After class, binalikan ko ulit yung rooftop. Wala kasi masyadong nagroroom sa building na ito. Kaya walang masyadong napapadpad sa rooftop. Kaya masarap tumambay dito kapag gusto mong mapagisa o magisip isip.

Dito rin kung saan ko nakita yung confession ng admirer ko daw.

Nakatayo ako sa rooftop, tinatanaw ang buong campus ng maalala ko yung sinulat ko, somewhere duon sa rooftop. Pinuntahan ko at hinanap yung vandal at laking gulat ko ng may nakavandal din sa bandang ibaba nito.

 

Alam kong may anak ka na. sa kabila noon, gusto pa rin kita. I’d be glad to be Shawn’s dad. Malay mo, ako talaga.

 

Nanlaki ang mga mata ko habang binabasa ko iyon, alam nya ang tungkol kay Shawn. Kung sa bagay , marami na ring nakakaalam na may anak na ako. Pero konti lang ang nakakaalam ng oangalan nya. My heart beats fast. Eto yung malaking tanong sa pagkatao ni Shawn. Sino ba talaga ang papa nya?

Sinasabi ng utak ko, na prank lang ito. Maybe, he’s just trying to get my attention.

Pero sa loob loob ko, may parteng naniniwala. Maaring sya na ang sagot sa lahat ng tanong ko. Whether it’s real or not, he succeeds in getting my attention.

~~~~~~~~~~~~~~~~~

“Okay, as a part of the Arts and Literature week, we will have a painting exhibition. The painting will be displayed. My poem recitals din and plays. Nakapost na sa bulletin board ang designated areas nyo,” sabi ni Proffessor Uy na nakatayo sa stage at nakamic. Eto ay para sa lahat na may Arts and Lit na subject.

Agad nagpuntahan ang mga estudyante sa bulletin board Area. Si Chad naman ay nakasunod sa akin at himalang bitbit nya ang bag ko.

“Ba’t mo dala bag ko?”

“Iniwan mo kaya dun. Baka nakawin yan eh!” sagot ni Chad. Tinignan ko sya, hindi ko mapigilan ang tawa ko. Chad na nakasunod sa akin at dala ang bag ko. He looks like a perfect boyfriend.

“So gay,” naibulalas ko na lang, but what i meant is he looked like a loving boyfriend.

“Ewan ko sa iyo,tignan mo na lang yung bulletin.”

Pagtingin namin sa bulletin ay nandun na ang list.

Yung pangalan namin ni Chad ay nasa theater section, sa mga props. Habang si Gaia naman ang nakaassign sa art exhibit.

~~~

Ilang araw na ang lumipas matapos yung announcement. Kami ni Chad ay nakaassign sa theater at yung leader naman na nakaassign dun ay nilagay kami sa props. Ang ishoshowcase namin ay isang musical nung 60’s. nakaassign kami ni Chad sa costumes. Okay na kami ditong magayos ng costumes no, kaysa gumawa ng malalaking props. Ayoko kayang magbuhat.

“Tammy, nasaan ka” sigaw pa ni Chad habang hinahanap ako dun sa dressing room.Kaming dalawa lang ang nandun. Gabi na at nagpaiwan kami sa university para tapusin na ang ilang costume at masukat na din ng mga actors. Kaming dalawa lang ang nandun kung nasaan nakalagay ang maraming props at ibang mga damit na ginamit din ng theater club sa previous plays nila. Pakiramdam ko nasa ukay ukay ako. Pati traditional dresses ng ibang bansa andito. Pero isang magandang damit ang nakakuha ng attensyon ko. Napakaganda nito. Tutal kaming dalawa lang ang nanduon ay isinukat ko iyon.

“Tammy, anak ng.. nasaan ka ba..” putol na sabi ni Chad ng makita nya ako sa sulok suot suot ang isang damit. At dahil sa suot kung damit na iyon, at sa reaksyon ni Chad, iba ang naramdaman ko.

Three Grooms and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon