CHAPTER 21

1.3M 25.7K 5K
                                    


CHAPTER 21

PILIT na nagpupumiglas si Ria sa hawak ni Izaak habang hinihila siya nito papasok sa isang mansiyon. Abo't-abo't ang kabang nararamdaman niya habang nagtatagal na hindi siya makawala sa hawak ni Izaak.

"Izaak, please," she begged, "bitiwan mo ako."

Wala siyang mukhang ihaharap sa mga magulang nito. Pagkatapos nang nangyari kahapon, pakiramdam niya ay manliliit siya sa harapan ng mga ito.

"Stop fighting, Ria." Sabi naman ni Izaak habang kumakatok sa nakasarang pinto, hawak pa rin siya, "masasaktan ka lang."

Tumigil siya sa pagpupumiglas at pinukol ito ng masamang tingin. "Bakit mo ba ako dinala rito? Para ipahiya sa mga magulang mo? Para makapaghiganti ka sa ginawa namin si Syl sayo?"

Bumaling ito sa kaniya kapagkuwan ay mataman siyang tinitigan at akmang magsasalita ng bumukas ang pinto.

"Kuya—" Izrael paused in disbelief when he sees her. "The fuck?" May nilingon ito sa loob ng bahay saka tinuro siya habang nakatingin kay Izaak. "Who the hell is this?" Parang hindi makapaniwala nitong tanong.

"Izrael, meet Ria, Syl's twin sister," tinulak nito ang pinto para bumukas iyon ng maluwang, "Ria meet my brother, Izrael."

Izrael's jaw went slack as he stared at her with pure disbelief.

Hindi niya magawang batiin si Izrael kahit simpleng 'hi' dahil sa kabang nararamdaman.

"Nasaan sila Mommy at Daddy?" Tanong ni Izaak na mas ikinadagdag ng kaba niya.

Ilang segundo ring nakatitig lang sa kaniya si Izrael bago sumagot. "Nasa may hardin, kasama si ... Syl."

Namilog ang mga mata niya. Narito ang kakambal niya? Mas dumoble ang kabang nararamdaman niya. Lalo na nang hilahin na naman siya ni Izaak patungo sa kung saan.

"Bitiwan mo ako, Izaak!" Pilit siyang nagpumiglas.

Pinagtitinginan na siya ng mga katulong na madadanan nila pero hindi siya makawala sa mahigpit na hawak ni Izaak.

"Please, let me go." Pakiusap niya.

Pero hindi nakinig sa kaniya si Izaak, patuloy na walang imik lang siya nitong hinila hanggang sa harden.

Kumabog ng malakas ang puso niya na kinabahan ng makita ang mga magulang nito na nasa isang pabilog na mesa at kausap ang kapatid niya. Gusto niyang tumakbo palayo. She felt so ashamed. But Izaak won't let her. Mas humigpit pa lalo ang pagkakahawak nito sa kaniya, siguradong wala siyang kawala.

"Hey, everyone." Bati ni Izaak sa tatlong nag-uusap dahilan para tumuon sa kanila ang tatlong pares ng mga mata.

Oh god...

"Izaak, sino ang babaeng 'yan?" Ang ina nito ang unang nakabawi sa pagkabigla ng makita siya.

Tumingin muna sa kaniya si Izaak at bumaling sa kakambal niya bago nagsalita.

"She's Syl's twin sister." Panimula ni Izaak, "and they switch months ago. This one," tinuro siya nito, "pretended to be my wife. Hindi ko alam kung anong plano nilang dalawa, buti nalang nagpa-imbestiga ako at nalaman kong tama ang hinala ko mula nuong umpisa. Hindi ko asawa ang kasama ko. They fooled me and—"

"Palayasin mo ang babaeng yan sa pamamahay ko, Izaak." Putol ng ama nito sa iba pang sasabihin ni Izaak. Halata ang galit sa boses nito.

Hiyang-hiyang napatungo siya. She felt so small. So felt so ashamed of herself. Gusto niyang ipagtanggol ang sarili pero para ano? Kasalanan naman niya. Dapat lang sa kaniya ang pagalitan.

TEMPTATION ISLAND 3: Switch Desire - COMPLETED (PUBLISHED under REDROOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon