Chapter 46: Come and get it

Start from the beginning
                                    

“I need to talk to you” nagulat ako sa nagsalita at napatigil sa pagtawa. Napatigil din si Flynn

O.O

Anong ginagawa nia dito? Napatingin naman si Flynn sakanya

“What are you doing here Ethan?” gulat kong tanong sakanya. Tumawa naman sya ng mapait

“Bakit? Hindi na ba ko pwede dito ngaun?” alam kong lasing na lasing na si Ethan. Wala na sya sa sarili nia

“Go home Ethan. You’re drunk” straight to the point ko na sabi sakanya

“Come with me” seryoso niang sabi saken. Nahihibang na ba sya? Mali. Maling-mali ‘to. Hindi ito ang Ethan na kilala ko

“No, go home!” medyo napataas na ang boses ko. I just saw him smirk

“I’m not gonna repeat myself again Alex. Come with me” medyo tumaas na rin ung boses nia saken

“I believe she already said no. So back off” hinarap na sya ni Flynn ngaun. He has a warning tone. Pero hindi natinag si Ethan

“Sya ba? Sya ba ang pinagpalit mo saken Alex ha? Eto ba?” tinuro nia si Flynn. Halatang nagulat si Flynn sa sinabi ni Ethan kase bigla syang napatingin saken. Hinawakan naman ako ni Ethan sa braso

“Ethan? Ano bang ginagawa mo?” nagpumiglas ako sakanya pero hindi ko magawa. Sobrang higpit ng hawak nia saken ngaun. Natatakot na rin ako sakanya. Hindi ko alam kung anong pwedeng gawin nia ngaun

“Don’t touch her” naghahamong sabi ni Flynn sakanya. Hinawakan naman ni Flynn ung kabilang braso ko at pilit na inaagaw ako kay Ethan. Feeling ko eh lubid ako ngaun at nagthuthug of war sila 

“Ha-ha-ha. Eto nga!” tumawa sya ng mapait. “Ikaw nga pinagpalit saken ni Alex. Bakit?” binitawan na nia ko at hinarap si Flynn “Sa tingin mo ba big shot ka na ha? Kase ikaw pinili nia? Kase ikaw ung gusto nia? Eh p*t@ng in@!”

Napatingin na ung mga tao dito samen. Kahit na sobrang lakas ng tugtog dito sa club, nangibabaw parin ung mura ni Ethan. Nakapukaw parin un ng atensyon

“What the fvck you all staring at?!” baling ni Ethan sa mga nakatingin samen. Nagsibalikan naman na ung mga tao sa mga ginagawa nila na para bang walang nangyari oh narinig

Ngaun ko lang nakita ang ganitong side ni Ethan. Aaminin ko nakakatakot talaga sya ngaun lalo pa’t sobrang lasing sya at nanggigilaiti. Parang demonyong natrap sa katawan ni Ethan

“Don’t touch Sandra again. I’m warning you” galit na rin si Flynn. Oh no. This is starting to get bad

Lumapit naman si Ethan  sakanya, kaya magkaharap na sila ngaun. “And what are you going to do about it?” sabi ni Ethan kay Flynn. Jusko! Someone stop these two! Kundi hindi, hindi maganda ang mangyayari!

“Guys stop this non-sense” pigil ko na sabi sakanila. Gustong-gusto ko silang sigawan na dalawa pero hindi ko magawa. Baka lalo lang silang sumabog. Pero wala rin palang nagawa ung sinabi ko. Hindi parin sila natinag

“What am I going to do about it?” tumigil si Flynn at tumawa na para bang naghahamon “I’m going to break your face and send your soul back to hell”

O.O

“Ha! Well I’m going to fvckng see you there”

Booooogggsshhh

“Flynn! Someone stop them!” this time sumigaw na ko pero ung mga tao eh walanghiya! Tinitingnan lang kame

Bulagta na si Ethan at walang tigil na sinusuntok sya ni Flynn. Pareho ng duguan ung mukha nila. Asan na ba ung mga bouncer ng club nato?!

“Fvckng stop this bullshit!” dumating si kuya at pinigilan sila. Hawak ni kuya si Flynn, tas hawak naman ni Black si Ethan. Si X naman pumagitna sakanila. Nagulat naman sina Shea at Steph

“Oh my God what is going on here?” sigaw ni Steph. Lumapit naman silang dalawa saken. Ung mga tao wala paring ginagawa. Nakatingin lang silang lahat samen. Ngaun na lang dumating ung mga bouncer. Peste napaka on-time nila!

“I’m gonna ask everyone involve in this to step out of the club” sabi nung isang bouncer. Naiinis ako! Bakit ngaun lang ung mga bouncer dumating?! Bakit kelangan pang may magkasakitan dito?!

“Bhest what happened?” panic na tanong saken ni Shea habang lumalabas kame ng club. Hindi ako makasagot. Kase hindi ko alam ang isasagot sakanya

“The fvck where you thinking Ethan?” bungad agad ni kuya kay Ethan pagkalabas namen ng club

“I don’t wanna fvckng deal with you right now Aly” galit na sabi ni Ethan kay kuya. Nagulat ako. He has never talked to kuya like that

“Well, I’m going to deal with you whether you like it or not. Now answer me. What the fvck just happened?” hinawakan na ni Shea ung braso ni kuya para pigilan sya. We are all aware na si Shea lang makakapigil kay kuya ngaun

“It is none of your business” matapang na sagot ni Ethan

“My sister was involved so it is my goddamn business!” nanginginig na si kuya sa galit. Ethan just smirked

“Hindi na bata ang kapatid mo Aly. She is big enough to handle her own affairs” mahinahon na ngaun ung pagkasabi ni Ethan pero I know nanggigilaiti na rin yan

“You fvckng-...”

“Kuya tama na” susugurin na sana ni kuya si Ethan nang pigilan ko sya. Pinigilan na rin sya ni Shea

“Do you know what you’re talking about?” gulat na sabi saken ni kuya

“Kuya, just leave us alone for a while. I need to talk to him” sabi ko kay kuya referring to Ethan

“No Alex-...”

“Kuya don’t worry. I swear I got this. Hindi kame makakapag-usap ng matino kapag nandito kayo” sabi ko ng derechahan kay kuya. Mukha naman syang natinag

“Please kuya? Please?” I said to him begging. I really need to resolve this issue with Ethan. Ayoko na ng may iniisip pa. I just want this over

Nag-isip si kuya saglit at tumingin ng masama kay Ethan. Hindi ko alam pero parang binantaan nia sa tingin si Ethan. Kung ano man un, silang dalawa na lang ang nakakaalam

“Five minutes Alex. Five minutes. That's all I'm giving you” sabi ni kuya saken. Tumango naman ako sakanya. Mukha namang naintindihan nina Shea, Steph, Black at X na kelangan talaga naming mag-usap ni Ethan kaya hindi na sila umimik pa at nagsimula na maglakad palayo samen. Tumingin naman ako kay Flynn na nakatayo lang at nakatingin saken. Hindi ko alam ang iniisip nia, pero alam ko na hindi sya aalis sa kinakatayuan nia ngaun

Tiningnan ko naman sya na nakiki-usap. Alam ko naguguluhan sya ngaun sa nangyari at kelangan ko din sya kausapin. Pero mas kelangan kong kausapin si Ethan ngaun. Nang malinaw na ang lahat ng ‘to. Naintindihan na rin naman ni Flynn at nagsimula na ring maglakad papalayo samen. I don’t know if he’s gonna stay, or if he’s gonna leave. Pero may katiting sa puso ko, hoping na he’ll stay

Nang maka-alis na silang lahat, binaling ko naman na ang buong atensyon ko kay Ethan. Nakatingin lang sya saken ng blanko. Sana lang tumatak sa isip nia lahat ng sasabihin ko ngaun sakanya. Although I doubt it since lasing na lasing sya. Pero sana naman kahit konti lang, pumasok sa isip nia

“Ethan-...”

“Alex please, nakikiusap ako sayo, ako na lang” lumapit sya saken at hinawakan ung dalawang braso ko

Iniwas ko ung tingin ko sakanya. Napayuko naman ako. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang tingnan sya ngaun. Hindi ko kayang makita ang kalagayan nia ngaun. Hindi ko kayang malaman kung gaano sya kadesperado ngaun. Hindi. Hindi ko kaya

Lalo na ngaun na umiiyak na naman sya

At nasasaktan ko na naman sya.

***

Naguguluhan na ko! Tulngan nio ko please!

Flynn or Ethan?

Mission: Do Not Fall in Love [ONGOING]Where stories live. Discover now