Chapter 2: The Second Kiss

Magsimula sa umpisa
                                    

Ngumiti siya ng nakakaloko sa akin nang tabihan ko siya. "Ano na, kambal?" pangungulit niya pa.

Napakamot ako sa batok ko. Kahit kakambal ko siya, nakakahiya pa ring sabihin ang nangyari kanina.

"Uh... Kasi... Binasted ako ni Ezekiel," pag-amin ko. Nanlaki ang mga mata niya. "Oh my God! Nako, kambal! Okay ka lang?" Nabigla ako nang niyakap niya kaagad ako. Paano ko naman kaya sasabihing nagka-first kiss na ako?

Niyakap ko siya pabalik. "Akala ko ba tatawanan mo ako kapag umiyak ako dahil kay Ezekiel?" tanong ko sa kanya, pagpapaalala sa sinabi niya kanina.

Dahan-dahan siyang humiwalay sa akin at sumimangot. "Kakambal kita 'no. Magagawa ko ba naman 'yon?" she asked, bewildered.

"Kaya pala naiiyak ako kanina kahit comedy 'yong pinapanood namin ni Kuya. Umiiyak ka na pala non!" sabi niya habang nakasimangot.

Nagtaka ako nang bigla siyang napangiti ng nakakaloko. "Hmm... Anyway, may napanood kaming horror kanina. Hindi ko alam pero nagka-butterflies ako sa tiyan ko. Dude, may nangyari ba after ng basted scene niyo?" tanong niya habang tumataas-baba ang mga kilay niya.

Sabi na nga ba! Mahuhuli't mahuhuli ako nitong babaeng 'to.

Tinakpan ko ang mukha ko ng dalawang kamay ko. "May first kiss na ako pero hindi si Ezekiel!" pagmamaktol ko bigla.

Nagulat na lang ako nang biglang tumili siya nang tumili. Tumalon-talon pa siya sa kama ko. Binato ko tuloy siya ng unan.

"Renz! Shut up!" sita ko sa kanya. Napaupo siya bigla. Natawa ako nang mapansing parang nagti-twinkle na ang mga mata niya.

Ngumiti siya nang nakakaloko. "So, kambal, sino 'yon? Gwapo ba? O baka manyak lang sa tabi-tabi yan ha?!"

Binatukan ko siya kaagad. Ganon ba ako ka-cheap? Well, technically oo.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Asa ka! Anong tabi-tabi sa daan? Ano ako, cheap?!" tanong ko sa kanya.

Sumimangot siya. "Oo na! Sorry! So, ano nga?" tanong niya ulit.

Napapikit ako sa inis nang maalala ko 'yong nangyari kanina. "Gwapo siya pero manyak. Higupin daw ba ang dila ko?!" I said with a groan.

Tumawa nang malakas si Renz.

She leaned in. "At sino naman 'yang maswerteng lalaking nakahigop ng dila mo?" tanong niya, halatang kinikilig. Pero halatang nagpipigil din siya sa pagtawa sa aking kahihiyan. Pwede na bang pumatay ng kakambal mo?

Napabuntong hininga ako. Wala naman kasi akong matatago sa kanya. Might as well tell her the truth. "Si Mark Villareal," pag-amin ko.

Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ni Renz. "What?! No!" she yelled then stormed out of my room.

Napaisip ako sa inarte ng kapatid ko. Anong nangyari don? Sinabi ko lang 'yong pangalan ni Mark, nag-iba na 'yong timpla niya. Hindi kaya in-offer-an din siya ni Mark ng kissing lessons?

***

"Maria Marciana Ochoco!"

Nagising ako sa sigaw ng nanay ko. Ang aga-aga, mala-armalite na naman ang bibig ni Mama.

Kahit antok na antok pa rin ako ay bumangon na ako sa kama. Sinimulan ko na ang umaga ko sa aking mga morning ng rituals. Hindi ako pinapansin ni Renz kahit anong kulit ko sa kanya. Nagtataka na nga rin si Kuya Kriz sa inaasal niya. Ano kayang meron kay Mark at Renz? Matanong nga 'yong kissing monster na 'yon!

Papalabas na ako ng gate nang may naamoy akong usok ng sigarilyo. Kanina pa umalis si Kuya Kriz at hindi naman nagyoyosi si Papa. Isang tao lang ang naiisip kong may lakas ng loob na magyosi sa harap ng bahay ko.

Practicing My First Real KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon