"W-what? No! Wag ka nga gumawa ng kwento! Hindi namin sinabi yun..." Humarap sya kay Ella. "..Maniwala ka samin! Gumagawa lang ng kwento yang babae na yan! Diba girls?" Tanung ni Freya sa mga kasama nya'ng Canvas.

"O-oo... T-totoo yung sinabi ni Freya." Pilit na sagot nung dalawa.

"See... Gumagawa lang ng kwento ang babae'ng yan!" Muling humarap sakin si Freya at nanlilisik na yung mata. "..Wag ka nga'ng gumawa ng kwento! Gusto mo lang makaligtas sa pinapagawa namin sayo!"

Napataas ang isang kilay ko sa sinabi nya. Hindi yata nakaka-intindi ng instruction tong babae na to.

"Bakit ko ililigtas yung sarili ko sa pag-gawa ng kwento? At kung hindi mo naiintindihan, lilinawin ko sayo. Handa akong lumuhod, halikan yang sapatos mo at mag-sorry sayo kung magso-sorry ka muna kay Ella dahil sa mga pinagsasabi nyo tungkol sa kanya." Paliwanag ko.

In short, hindi ko nililigtas ang sarili ko. Gusto ko lang maging patas yung paghingi ko ng sorry. Pare-pareho kaming may ginawa'ng mali sa loob ng CR. Tsaka parang unfair sakin dahil binasa ko lang naman sila ng tubig.

Lumapit si Aries kay Freya at mahigpit na hinawakan ang kwelyo nito.

"Tinawag mong malandi si Ella?!" Galit na tanung ni Aries.

Kita kong pangingilid ng luha ni Freya. Sa takot na rin siguro kay Aries. Hindi ko pa nakikita'ng magalit si Aries pero dahil magkapatid sila ni Kuya Angelo malamang pareho sila.

"H-hindi... Maniwala ka samin Aries. Hindi namin sinabi yun." Mahinahong sabi ni Freya at may halong paki-usap.

Medyo naaawa na rin ako sa kanya pero naumpisan ko na. Masama na yung ginawa ko sa masama pero naunahan na ko ng inis sa kanila. Ayoko mang may mangyari'ng hindi maganda sakanila kailangan din nilang madala.

"Sayo pa talaga nang-galing yun! Anu'ng karapatan mong husgahan si Ella?!" Galit na sabi ni Aries.

Sa itsura ni Aries halatang napaka-laki ng galit nya kay Freya. Napaka-protective din ng dating nya kay Ella.

Bakit parang nakaka-inggit?

"Aries!" Biglang sumigaw yung Canvas-1. "Makinig ka.. Pwede'ng narinig nga ni Jay-jay yun mga sinabi nya sa CR pero hindi kami ang nagsabi nun?"

Lahat nakatingin na ngayon kay Canvas-1. Ha?! Anung gusto nyang sabihin? Eh sila-sila yung nasa CR. Alangan naman na galing sa tao sa labas yun.

"Gina-gago nyo----"

"Hindi naman nakita ni Jay-jay yung nagsalita diba? Narinig lang nya." Dagdag nung Canvas-1.

Anung gusto nila'ng sabihin? Kakapasok lang nila sa CR nung lumabas ako ng cubicle? Imposible!

Parang nagkaroon ng ideya si Freya. "Totoo yun. Nasa loob sya ng cubicle nung may nagsabi nun."

Binitiwan sya ni Aries. Halata'ng lalu syang nainis sa ginagawa nung mga coloring book.

"Kung hindi kayo ang nagsabi nun, sino?! SINO?!" Galit na sigaw ni Aries.

Kahit ibang Section halatang natatakot din sa kanya.

"Si Mica... Sya ang may sabi nun." Sabi ni Canvas-1.

Lahat sila tumingin sa katabi ni Ella. Sya nga yung kasama nila Freya kanina yung naiiba. May halong pagtataka at takot ang itsura nya.

"H-ha?" Sagot nya.

"Totoo yun.. sya yung nagsabi nun habang nagku-kwentuhan kami kanina sa CR." Paliwanag ni Freya.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon