Chapter VI

8 1 0
                                    

Chapter VI


Wednesday na ngayon at wala kaming pasok dahil hinihintay nalang namin ang araw ng graduation. Kaya andito ako ngayon tambay sa bahay at nanonood ng bagong labas na horror movie. Yung Lights Out.


"Azi! Buksan mo yung ilaw!" Nakakapit ngayon ang bata sa braso ko. Ramdam ko ang nginig ng kamay nya at higpit ng kapit nya. Halatang takot na takot sya.


"Bakit? Korni manood ng nakakatakot pag bukas ang ilaw."


"Kasi eh, baka pumunta dito si Diana." Hinigit na naman nya ang kumot papalapit sa kanya. Lahat ng unan ko, nasa gilid na nya. Para hindi daw tumabi sa kanya si Diana.


"Bat ka kasi nanonood ng horror movies kung takot ka naman?" I asked her. Pero hindi nya ako sinagot. Instead sumigaw sya dahil si Diana hinawakan yung bida.


"Ahhh! Flashlight! Kelangan niyo ng flashlight!" Ayan ang sinisigaw nya. Sa totoo lang mas natutuwa pa ako sa reaksyon nya more than the movie itself. Hindi ko lang kasi makita ang sense na wala silang cellphone na dala dala considering we live in a modern world. Yung lalaki, ginamit nga yung cellphone pero di naman ginamit yung flashlight.


Pagtapos namin manood, pinilit nya akong buksan ko na daw ang ilaw sa kwarto ko. Dahil sobrang kulit at ingay nya, binuksan ko nalang.


"Ayan. Happy?" Sabi ko habang kinukuha ang phone ko. Maglalaro ako ng COC.


"Happy!" Then she made the 'thumbs up' gesture. Napailing nalang ako without even realizing i'm smiling on her cheesy moves.


Pagbukas ko ng cellphone ko para icheck kung ready na yung troops ko, lumabas yung bata sa kwarto ko. Wala syang sinabi basta lumabas lang sya sa kwarto ko.


It's rude you know? Lalabas ka sa kwarto ng walang pasabi san ka pupunta. Oo rude yon. Para sakin.


I ignored her. Naglaro lang ako ng COC buong maghapon. I'm actually bothered dahil hindi na sya bumalik sa kwarto ko.


Inalis ko sa isip ko ang naiisip kong kabaliwan. I opened my facebook at muka agad ni Trinity ang sumalubong sakin. She's with her bestfriend Tiana. Actually, oo nga no. Bat di ko na nakikita si Tiana? Ang huli kong kita sa kanya ay nung bago pa mag prom.


Well, its not my business anyway.


I went on Trinity's profile, not to stalk her, but to delete her on my friendlist. Ayoko sa lahat, yung taong nagbabait baitan.


Tapos na ako lahat lahat mag facebook, still no sign of that brat. Wala naman sigurong masama kung ichecheck ko sya sa baba diba?


Bumaba ako sa sala namin only to find her... On a mess.


"Aw! Aw! Ang sakit!" She exclaimed while trying to take the pan out the oven without gloves. Can you believe this brat?


"Mag gloves ka kasi." Kinuha ko ang gloves na nakasabit sa ref namin at binigay iyon sa kanya.


She's really a mess and our kitchen is a mess too. Punong puno ng nagkalat na flour, basag at durog na itlog, nagkalat na kitchen utensils, and drops of flour mix. And she's full of that too, minus the kitchen utensils.


"Thank you Azi!" Tinanggap nya ang gloves at kinuha ang pan. Nakita ko ang bagong bake na cookies. Yung iba nahiwalay na sa center of gravity nila at yung iba luckily medyo maayos naman.


"Ano yan dog food?" I kidded. Sumimangot naman agad ang muka nya.


"Grabe ka! Cookies to! Cookies!" Tinanggal nya ang gloves at napatingin sya sa isang bowl. "Waaa nakalimutan ko ilagay yung chocolate chips!"


Falling For YouWhere stories live. Discover now